Ang Pagkikita

26 4 6
                                    

Chapter 11

(Ang Babae POV)

Hindi ko alam kung bakit pa ako bumalik sa bahay na iyon. Mas lalo lang akong nasaktan ng muli kung makita ang bahay na yun.

Hindi ko rin namn inaasahan nandoon rin ang tanong sumira sa pamilya ko at sa pagkatao ko. Mabuti na lang at hindi niya ako nakilala, kundi masasayang lang lahat ng pinaghirapan ko.

Nang malaman ko ang kababuyang ginawa nila sa akin. Di ko alam ang gagawin ko, kung kokomprontahin ko ba sila o ipamumukha ko sa lahat ang kanilang ginawa, para mas kahiya-hiya.

.....

Kinabukasan pumunta si Rustell sa bahay ni Josie para kamustahin ang anak ni Martin.

Malayo pa lang tanaw na niya si Mico na naglalaro sa labas ng bahay ng kanyang lola. Nagulat na lang siya ng lapitan ito ng isang babae na may balabal sa mukha. Agad siyang naghinala sa babeng iyon at parang ito rin ang babaeng nakita niya kahapon.

Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan papunta sa babae, at agad siyang bumaba upang mahuli ang babae. Nahawakan niya ang babae sa kaliwang kamay nito pero nakatakas Pa rin. Laking gulat niya ng humahabol si Mico sa babae at tinawag niya itong,

"Mama," pagpupumilit niyang tawag sa babae.

"Hoy mis! "

Nagmamadaling sumakay ang babae sa kotse nito. Napansin ni Rustel na nahirapan ito sa pagbukas ng pinto, gamit ang kaliwang kamay nito, ngunit nabuksan niya ito gamit ang kanan niyang kamay at mabilis na umalis ang babae.

"Mico pasok na tayo ah," pagpapatahan nito kay Mico, dahil patuloy pa rin ito sa pag-iyak at pagtawag sa babae.

Rustel POV

Ipinasok ko na si Mico, iyak kasi ng iyak. Hinahabol pa rin niya yung babae kanina. Napagkamalan yatang mama niya. Hindi rin naman siguro maiiwasan, baka namis ang mama. Matagal tagal na rin kasing hindi niya ito nakikita. Pinuntahan ko si Mico para hiramin muna siya kay nanay Josie. Matagal ko na rin namang hindi naaalagaan ang inaanak ko. Yun naman kasi ang role ng pagiging ninong ang maging pangalawang magulang.

"Uy, Rustel pasok ka," salubong sakin ni Josie. "Bakit umiiyak ang apo ko? paglalambing na tanong niya sa apo.

"Naghahanap ng mama. Namimis na yata niya si Marcia."

"Oh bakit ka nga pala nandito?" tanong niya at pinaupo ako sa sofa nila.

"Hihiramin ko muna si Mico total wala akong pasok ngayon, ipapasyal ko muna siya," ang sabi ko.

Agad naman niya sakin pinahiram si Mico. Malaki rin ang tiwala sakin ni nanay Josie. Pero sisirain ko yung tiwala niya ngayon.

Papunta na ako sa prisinto para dalawin si Martin kasama si Mico.

Kahit alam kong hindi papayag si nanay Josie, mas inisip ko ang kalagayang ng mag-ama. Si Martin nagungulila sa asawa't anak at si Mico na naghahanap ng kalinga ng magulang.

.....

Malaya akong nakapasok sa gate ng kulungan dahil sakto ang dating ko. Kaunti lamang ang dumalaw ng araw na iyon, kaya't hindi siksikan sa loob.

Maydala akong pagkain na paborito nilang mag-ama.

Martin's POV

Dumalaw ulit si Rustel, excited ako kasi alam ko isasama niya si Mico. Nasasabik na ako sa anak ko, noong burol pa ni Marcia nang huli ko siyang makita. Kaya nagmamadali akong naglakad papunta sa visiting area.

Nang makita ko si Mico tumakbo ako para mayakap ko kaagad siya, pagkayakap ko sa kanya, tumulo na ang mga luha ko dahil sa saya at muli ko na siyang nakita.

"Mis na kita papa," sabi niya sa akin na mas lalong kumurot sa puso ko.

"Mis na mis namis na din kita," ang sabi ko sa anak ko habang tumutulo ang mga luha ko. "Mabait ka ba kay lola?"

"Opo."

Binuhat ko siya tulad ng ginagawa ko sa kanya sa tuwing ako ang nag-aalaga sa kanya. "Bait ah."

Iniipo ko siya sa upuaan at tumabi ako sa kanya. Nakita ko si Rustel na nakatayong pinanunuod kami.

"Upo ka pre," aya ko sa kanya.

Umupo naman siya.

"Nag bless ka na ba kay nino?" tanong ka sa anak ko na umaabot na ng plato na nasa lamesa.

"Opo."

Sinandukan ko siya ng dalang spaghetti ni Martin.

"Ok nato?" Paglalambing ko anak ko. Aminado akong nagiguilty ako sa lahat ng nagyayari. Kasalanan ko lahat ng nagyayaring ito sa pamilya namin.

"Opo papa." Ngumiti siya sa akin. Napangiti rin ako dahil nakita ko na ang matagal ko nang hinahanap-hanap ang napaka ganda niyang ngiti. Kumuha ako ng tinidor at kumuha ng konti para isubo sa kanya.

"Ngangang malaki," sabi ko sa kanya para maisubo niya nang mayos ang spaghetti. "Masarap?" muli kung tanong.

"Masarap papa, tikman mo," kahit di niya abot ang bibig ko. Umakyat pa siya sa ibabaw ng mesa para maisubo lang ang hawak niyang spaghettie.

"Masarap nga!"

Rustel POV

Lumayo muna ako para mas masolo nila ang isa't-isa. Ang sarap nilang panooring dalawa. Ngayon ko nalang ulit nakitang masaya si Mico lalo na si Martin. Simula kasi ng mawala si Marcia di ko na nakitang masaya ang kaibigan ko. Ngayon ko lang rin nakitang ganyan sila sayang dala na magkasama. Simula kasi humigpit ang oras ni Martin sa trabaho nawalan na siya ng time sa anak niya. Kaya siguro bumabawi siya ngayon.

I love you papa. Narinig kong sabi ni Mico. Bigla tuloy akong natawa sa narinig ko. Dati kasi hindi n'ya yan kayang bigkasin ng diretso. Yabyu papa, nakakatawa diba. Pero hanga talaga ako sa inaanak kong yan, napaka talino. Hanggang sa matapos ang oras ay naging masaya si Mico. Kahit nga ang tagal na nilang nagkukulitan parang hindi napapagod si Mico.

......

Pagkatapos ng visiting our ay umuwi na kami. Ayaw pa nga umalis ni Mico sasamahan muna daw niya si papa niya sa trabaho. Hindi ko muna kasi sinabi sa kanya ang kalagayan ng papa niya. Kahit na sa edad niyang apat na taon eh naiintindihan na niya ito. Ang sabi ko doon na nagtatarabaho ang papa niya at kaylangan niyang magbanatay doon para hindi matakas ang mga kriminal.

A/N: Pasensya na kung ngayon lang nakapag update. Final exam namin last week kaya masydong naging busy. Dedicated tong part na to kay: 


The Left Hand Murder CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon