Ang pagkabaliw

89 7 10
                                    

Chapter 7

Sa hindi inaasahang pagkamatay ni Louis, ipinagdiwang ni Martin ang kanyang promosyon. Nasa opisina siya ng araw na iyon nang makatangap siya ng tawag mula sa kanyang asaw. Alam niya ang lagay ng kanyang anak, kahit malala na ang kalagayan nito pinilit niyang pumasok para tangapin ng promosyon niya.

Unang tunog pa lamang ng telepono, parang may masamang hangin na dumapi sa kanyang katawan. Ipinag walang bahala niya ang unang mga tawag dahil gusto niyang ipalit sa ispi niya na hindi tumatawag si Marcia, dahil ayaw niyang malaman ang katotohanan. Pero wala rin siyang nagawa laban sa katotohanan. Katotohanang patay na ang pinakamahal niyang anak.

Pagkarating niya sa ospital, sa morge na ng ospital niya nadatnan ang kanyang anak. Halos gumuho ang mundo ni Martin ng makita niyang malamig na bangkay na ang kanyang anak.

Hindi makahingang pumasok si Martin sa loob ng morge dahil sa patong-patong na imosyong gumugulo sa isipan niya. Marahang inihakbang niya ang kanyang mga paa pasok morge kasama ang kanyang asaw na bakas rin sa mukha ang kalungkutan.

Dahil pa rin sa halohalong emosyon na nararamdaman ni Martin. Natagalan ito sa pagmamasid sa natakip na bangkay ng kanyang anak, ng matauhan agad na niya itong binuksan na mas nagpataas ng imosyon ng magasawa. Tanging mga luha ng paghihinagpis ang maririnig sa loob ng morge.

Binigyan ng maayos na burol si Louis ng kanayang mga magulang. Isang linggo itong ibinurol, dahil sa mga hinihintay na kamag-anak ni Marcia at Marrin na makikiramay. Dahil pa rin sa nangyari na depress si Martin. Halos hindi na ito kumakain at umikli na rin ang oras ng tulog, na nagpalala sa sitwasyon nito. Pagkaraang maiburon si Louis. Bigla na lang nagbago ang pag-uugali at pakikitungo ni Martin.

Pagkalibing ng kanilng anak. Agad silang umuwi ng bahay upang makapag pagpahinga

"Rustel patulonh na lang sa pag-alalay kay Martin," pakiusap ni Marcia kay Rustel. Hindi pwdeng maglakad si Martin ng mag isa.

"Kaylan pa ba siya nagkaganito?"tanong ni Rustel na hawak ang kanyang kaybigan na naglalakad papasok ng bahay.

"Simula ng iburol si Louis, ewan ko ba kung bakit siya nagkaganyan. Siguro dahil sa masyado niyang dinamdam yung pagkawala ng anak namin. Siya nga nagsabi na magpakatatag kami noong nasa ospital pa si Louis, tapos siya unang susuko." ang saad ni Marcia.

Tumayo ng diretso si Martin ng makita ang kanilang bahay.

"Louis!,louis," ang malakas na tawag nito sa anak.

"Martin," tawag ni Marcia at hinbol si Martin na papasok sa loob ng bahay.

Nang maabutan iniharap niya ito sa kanya.

"Patay na si Louis, inilibing na natin siya kanina," ang malungkot na paliwanag ni Marcia.

Lumunok si Martin para linisin ang lalamunan at sinabi, "Hindi totoo yan nakita ko siyang pumasok,"

Nabigla si Marcia at tumingin kay Rustel. Sumenya naman ito para sabihing papasukin na niya si Martin, at lumapit ito kay Marcia. Pinapasok muna nila si Martin bago nag-usap.

"Ito na nga ba kinatatakot ko eh. Ano na ang gagawin ko?" nagangambang tanong ni Marcia habang naka titig pa rin si Rustel kay Martin.

"Mabuti sigurong pagpahingahin muna natin siya, para makapag isip. Pero kung ganon pa rin ipatingin na natin siya sa ispesyalista." ang opinyon ni Rustel.

"Tatawagan na lang kita kung may kaylangan ako." ang paalam niya.

Makalipas ang ilang mga araw mas lalong lumala ang sitwasyon ni Martin. Hanggang sa napagpasyahan ni Marciang dalhin na siya sa isang saykayatriko. Nagkaroon ng sakit sa pag-iisip si Martin, dahil sa mga nangyari sa kanya. Sobrang stress at sobra-sobrang pag-iisip ang dahil ng pagka bawaliw nito.

A/N: sadyang maikli lang po talaga to. 

The Left Hand Murder CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon