Ang sunog na katawan

100 14 25
                                    

November 1 lunes.

Sa isang masukal na bakanteng lote sa isang barangay hindi kalayuan kila Josie natagpuaan ang isang sunog na bangkay.Madamo ang buong lote, tambakan na rin ito ng mga basura galing sa mangilang ngilang bahay sa paligid. Madilim kung gabi sa lugar mahirap rin marating ang lugar dahil sa mabato at lubak lubak na daan nito. 

Isang mangangalakal ang nakakita sa bangkay kaya ipinag bigay alam n'ya ito sa mga tanod sa barangay. Mabilis naman itong naaksyonan at mabilis ding kumalat ang balita kayat pinagkaguluhan agad ito ng mga usisero't usisera. Agad na kinudunan ng mga pulis ang lugar upang di na malapitan ng mga tao.
Kinun na ng mga litrato ang bangkay. Pinag hihinalaan babae ang bangkay dahil sa nakitang mahabang buhok sa crime sence. Sunog na sunog ang bangkay. Kaya hindi na nila nakunan ng sample para sa DNA testing. Kasama si Rustel sa mga pulis na rumisponde. Napansin ng isa sa mga pulis na nagiimbistiga na putol ang kaliwang kamay nito.
"Chif tignan n'yo putol ang kaliwang kamay ng bangkay."
Nagulat si Rustel sa narinig n'ya. Dahil maaring ito ang katawan ng asawa ni Martin.
Itinignan yun ni Rustel.
Dumukot siya sa bulsa nang kanyang leather jacket para kunin ang larawan ng kamay na nakita nila kamakaylan.
Ikinumpara n'ya yun sa kung saan naputol ang kamay, at parehas yon, halos limang pulgada mula sa palad. Agad n'yang tinawagan si Martin.

Nag paalam na si Martin kay Lanie para bumalik sa police station. Sakay s'ya ng itim na kotse na pag mamay-ari ng kanyang asawa. Habang nasa b'yahe tumawag si Rustel para sabihin ang masamang balita. Naihinto ni Martin ang kotse dahil sa bigla.
"Nasaan ka ba?" Tanong ni Rustel pero hindi ito sumasagot. "Martin," ilang ulit n'ya rin itong sinabi bago ito nakasagot.
"Pupunta ako jan," naglalambot na sagot ni Martin.
"Saan ba yan?"
"Dito sa Barangay San Jose."
Agad naman na nahanap ni Martin ang lugar dahil sa mga nag chi-chismisan sa daan.
Pagkarating n'ya puno pa rin ng tao ang paligid kasama na ang media. Apat na network ng tv station ang naroon, GMA, ABS-CBN, TV5 at CNN Philippines.
Agad na pumasok si Martin sa kordon pero pinigilan s'ya ng isang pulis.
"Asawa ko yan!" sigaw n'ya narinig s'ya ni Rustel habang ipinaplastic ang dalawang kutsilyo, ang isa ay pang hiwa ng mga magulay at ang isa ay pang baboy.
"Papasukin mo," sabi ni Rustel
Dahil sa sigaw ni Martin nagkagulo ang media para ma intervie siya.
"Sinasabi n'yo pong asawa n'yo ang bangkay, pano po kayo nakasisiguro," tanong ng isang reporter.
Sasagutin na nya ang tanong pero pinigilan s'ya ni Rustel.
"Hindi po muna n'ya masasagot ang mga tanong n'yo. Hindi pa natatapos ang imbistigasyon," pasintabing sagot n'ya sa mga reporter.
Pero hindi nahinto ang mga reporter.
"May sospek na po ba?", "May kaugnayan ba to sa nakitang putol na kamay kahapon?", "Blha blha blha..." Sabaysabay na tanong ng mga reporter.
Hindi na sinagot ni Martin ang mga tanong dahil inakbayan at inilayo na siya sa mga reporter at binulungan ng ganito.
"Hindi makakatulong sa imbistigasyon kung iiintertain mo ang midia, tandaan mo yan."
Nang makita ni Martin ang bangkay di na nito naitago ang lungkot at umagos na ang kanyang mga luha.
"Ok ka lang ba?" tanong ni Rustel.
"Ok lang ako. Gusto ko gawin mo ang lahat ng makakaya mo para mahuli ang gumawa nito sa kanya!"
"Wag kang mag-alala ginagawa na namin ang lahat"

Dinala na sa PNP laboratory ang bangkay para i-authopcy Dahil sa hindi na nga pwedeng kunan ng DNA ang bangkay dahil sa sobra itong nasunog, sa mga buhok at dugo mula sa kutsilyo na lang sila kumuha ng sample na nakita sa crime since.
Dumating ang mga magulang ni Marcia sa prisinto para kunan sila ng sample para sa DNA testing. Lumabas na ang resulta ng naunang test sa kamay na nakita sa isang basurahan kamakaylan. Dahil sa wala pang basehan ang DNA ng kamay, sa nakitang sunog na bangkay, hindi pa itong maituturing si Marcia. Dahil mamaring putol lang talaga ang kamay nito.
Naiwan sa crime since si Rustel para mag-imbistiga. Wala na rin ang makapal na tao at media. Sa paglilibot n'ya nakita n'ya ang isang bakas ng gulong mula sa dumi ng kalabaw di kalayuan sa lugar kung saan sinunog ang bangkay. Kinunan agad n'ya yun ng letrato. Naglakad lakad pa si Rustel hangang sa makarating sa mabahay na lugar isang kilometro ang layo mula sa crime since. Nakakita s'ya ng CCTV. Agad s'yang nagtanong sa mga taong nasalabas ng mga bahay.
"Manong gumagana po ba yang CCTV?" tanong n'ya sa matandang nakatambay sa ilalim ng santol sa harap ng isang malaking bahay, sabay turo sa poste na kinalalagyan ng CCTV.
"Iyon ba," pagmamalaking turo n'ya sa CCTV."Siguro pero hindi ko sigurado kung gumagana pa yan," natatawang sabi ng matanda.
"Ganun hu ba," dismayadong sagot n'ya.
Paalis na si Rustel para kuni ang kanyang sasakyan.
"Itanong mo sa barangay kung gumagan pa!" sigaw ng matanda ng makalayo na siya.
Narinig yun ni Rustel kaya nagmadali siyang kunin ang pulis mobile na dala n'ya.
Mabilis pa sa alas-syete s'yang nakarating sa barangay hall ng San Jose. Sinalubung s'ya ng mga batang sumasaludo pa sa kanya.
"Chif, may problema po ba tayo?" salubong na tanong ng isa sa mga konsehal ng barangay.
"Tatanungin ko lang sana kung gumagana yung CCTV camera n'yo dun malapit sa kanto kung saan nakita yung sunog na katawan?"
"Yun po ba. Opo gumagana po," magalang na sagot ng konsehal.
"Maari ko bang tignan?"
"Opo pasok po tayo," agad nitong binuksan ang pinto.
Pagkapasok nila tinignan agad ng konsehal ang mga recorded na video.
"Chif, anung araw po ba?" tanong nito habang binubukasan ang mga folder sa computer.
"October 29 mga alas-dyes ng gabi."
Ini-scroll down ng konsehal ang mga folder para hanapin ang date, at inopen at pagkatapos at pinindot ang play.
Pinasforward n'ya sa 10 pm. Sa unang dalawang oras ay walang kang makikita kundi ang ilaw lang ng poste at mga asong nag hahabulan sa daan mga 12: 35 ng hatingabi ng may dumaan na itim na sasakyan nabigla s'ya sa nakita n'ya kay pinaulit n'ya yun akala n'ya namalik mata lang s'ya. Pero sa pagulit mas lalo lang s'yang naguluhan sa nakita n'ya at hindi s'ya makapaniwa doon.

The Left Hand Murder CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon