Ang Nawawalang Babae

23 3 3
                                    

Chapter 12

Sinimulan ni Rustell ang araw niya na inspirado. Sinimulan niya ang araw niya na may pag-asa at sinimulan niya ang araw niyang na malinis ang pag-iisip.

Muli siyang nag-umpisa sa una.

Binalikan niya ang lugar kung saan natagpuan ang kamay ni Marcia. Nagtanong tanong siya sa mga taong nakatira malapit sa lugar.

"Tao po!" malakas niyang tawag mula sa labas ng bahay na malapit sa pinagtapunan ng kamay.

"Sino ho sila?" nagtatakang tanong ng isang ginang na lumabas sa bahay.

"Pulis ho ako," sagot ni Martin at ipinakita niya ang chapa niya at i.d. "May tatanong lamang po ako."

Nakalapit na noon ang babae kay Martin.

"Tungkol ho ba saan?" magalang na tanong ng ginang.

"Tungkol ho, sa kamay na natagpuan sa kabilang kanto malapit sa isang tindahan. Mga isang buan na po ang nakalipas," paliwanag ni Martin.

"Sa putol na kamay!?" gulat na sagot ng babae.

"Oho."

"Pasensya ka na ah, di ko kasi alam yung nagyari doon. Diba nakulong na ang pumatay doon?" usisa nito.

"Ganon po ba. Sige po salamat," paalam ni Martin at tumalikod na siya para umalis.

"Sandali, subukan mo pumunta kay Ate Luz," suhistiyon ng ginang.

"Sino ho si Ate Luz?"

"Siya yung nakakita sa kamay." Nanlalaki ang mata ng babae ng sabihin niy ito kay Martin.

"Sige po, salamat po ulit."

Hinanap nga niya si Luz. Sa tabi ng tindahan kung saan nakita ang kamay nakatira si Luz.

Kumatok siya sa pinto ng bahay nito at nagtawag.

"Tao po, tao po!"

"Sino sila?" tanong nga batang lalaki.

"Pulis ho ako, nandiyan po ba si manang Luz?"

"Pasensya na ho, pero wala po si mama dito eh," sagot ng bata. Pero ang totoo naroon ang nanay niya. Nagatatago na si Luz dahil sa dami ng pulis na nagtatanong sa kanya.

"Ganun ba? Sige sabihin mo pagbumalik may nanahanap kamo sa kanya," dismayadong paalam ni Rustell.

Dahil kanina pa rin naman siya nag-iikot at kung sino-sino na ang natanungan niya, minabuti na muna niyang magpahinga. Sa isang tindahan niya napiling tumambay. Sa tindahan malapit sa pinagkitaan ng kamay. At para makapagmasid-masid na rin.

Tumambay muna siya sa tindahan, dahil nakaramdam na din siya ng gutom kaya't naisipan niyang mamili muna ng makakain.

"Ale may nabalitaan po ba kayo sa nakitang kamay malapit dito?" usisa ni Rustel sa tindera ng tindahan.

"Wala iho, wala rin ako ng araw na makita yun eh," paliwanag ng tindera.

Hindi na siya sumagot.

Habang nagpapalinga-linga at nagmamasid-masid sa paligid. Normal naman ang paligid. Pero isang poste ang tumawag ng kanyang atensyon at isang babae ang lumapit sa kanya.

"Kuya," may iniabot ito sa kanya.

"Nakita po ba ninyo ang babaeng ito?" tanong ng babae.

Tinignan ni Rustell ang papel na ahak niya.

Missing, Joana Marie Reyes, 29 years old, last seen at Baranggay San Jose.

"Sorry mis, wala eh. Pwede akin na lang ito at ipapaskil ko na rin sa stasyon para matulungan na namin kayo sa pag-hahanap."

"Ay sige po," sambit ng babae at nag-abot pa ng marami kay Rustell saka umalis.

.....

Rustell POV

Papunta na ako sa stasyon para mag duty. Dala-dala ko na yung papel na ibinigay sa akin ng babae kanina para ipaskil na rin sa istasyon. Tinititigan ko pa rin yung babaeng nasa larawan. May parang nag-uutos sa akin na itabi ko ang isa. Kaya kumuha ako ng isa at inilagay yun sa dala kong bag.

Pagkarating ko sa stasyon nakasalubong ko si Marvin.

Tulad ng dati narinig ko nanaman ang palstik niyang pagbati.

"Napag iiwanan ka na," mapanloko niyang sabi sa akin.

Hindi ko na siya pinansin at pumasok na sa loob. Pero sa loob-loob ko. Noon natalo mo ako pero sisiguruhin ko sayo mananalo na ako ngayon.

Ipinaskil ko na sa bullitin boad ang hawak kong flier sa nawawalang babae.

Isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin, si sir Dani.

Sumaludo ako at bumati ng magandang araw.

"Sakto, heto." Iniabot niya sakin ang ilang papel at agad na umalis.

Inuklat ko ang papel, nakita ko ang isang piraso ng papel na pamilyar sa akin.


The Left Hand Murder CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon