K. Ngayon lang ako ng Update kase feel ko walang ngbabasa neto eh. Pero meron pala. Anyways thankyou. Sorry di ko mamention username mo kase di ko makita. Basta sya yung nagcomment Hahahaha! Thankss :***
------------------------------
-KINABUKASAN-
Nagising ako sa malakas na kalabog sa pinto ng condo ko. Ano ba yun? Bumangon ako para tignan kung sino ang walang hiyang kung maka-katok eh wagas.
Masakit ang ulo kasi puyat ako sa kakaiyak. Alam kong maga din ang mga mata ko, eh anong magagawa ko? Wala kong mapaglabasan ng sakit na nararamdaman ko eh. Alangan namang tawagan ko si Julia. Sisermunan lang ako nun.
Padabog kong binuksan ang pinto. "Sino ba-- DJ?!" nagulat ako sakanya. Nandito ba siya para mag-sorry sakin? Nandito ba siya para suyuin ako?
"Ano ba?! Ba't ang tagal mo buksan tong pinto mo?! Kanina pa ko dito ehh!" sabi niya sakin. Mali sigaw pala niya.
In the second time sinigawan nanaman niya ko. TT__TT Kala ko pa naman mag-sosorry siya sakin. Sabi nga nila 'Expectations lead you to disappointments'. Disappointed nanaman ako sayo Daniel. Hayyyy ..
"Ah.. Ehh.. Kakagising ko lang ehh.." sabi ko. "Ano bang ginagawa mo dito? Ang aga-aga ehh.." tanong ko sakanya.
Pumasok siya sa condo ko at umupo sa couch. Ang kapal ng muka neto. -__-* Kala mo walang kasalanan sakin. Hayuuuupp!!
"Di ka ba papasok?" tanong niya sakin.
"Hindi. Masakit ulo ko ehh.. Itetext ko nalang si Daddy. I'm sure naman maiintindihan niya." sagot ko sakanya, sinarado koang pinto saka pumunta sa kusina. Kagabi pa kaya ko walang kinain dahil sa pesteng lalaking to.
"Ba't ka nag-walkout kagabi? Tapos umiiyak ka pa? Anong ka-dramahan nanaman ba yun?" tanong niya sakin.
Ba? Ka-dramahan?! Ok punong-puno na talaga ko. Ayoko na! Ayoko nang patanggalin tong pag-aaway namin.
Oh ano? Kala niyo makikipag-break ako? ASA! Di ko kaya nu! Ok Tanga/Martyr mode: ON
Binaba ko muna yung hawak kong cereal at fresh milk, tapos pumunta ko sa sala kung san siya andun. At umupo sa couch. Magkalayo kami ok? Galit parin ako sakanya.
"Anong araw kahapon?" tanong ko sakanya. "Ano namang konek nyan sa pag-walkout at pag-iyak mo kagabi?" sagot niya. Kundi ba naman to isa't-kalahating shunga ehh.. -__-
"Malaki. Actually yun nga yung dahilan ehh.." sabi ko sakanya. "Ha?!" takang sagot niya sakin. "So? Nakalimutan mo nga?" tanong ko sakanya.
"Ang alin ba?" sagot niya. Di ko na napigilan yung luha ko na bumagsak. Nakakainis. Kagabi pa to ehhh .. "Oh.. Naiyak ka nanaman? Ano ba yan?" sabi niya at lumapit sakin.
Di ako sumagot. Tuloy-tuloy lang pagtulo ng luha ko.
Tinabig ko yung kamay niyang pinupunasan yung luha ko. "Wala. May gagawin ka pa ba dito? Kung wala na, pwede ka nang umalis. " cold kong sabi sakanya.
Alam kong medyo nagulat sya sa inasta ko. Tumayo na ko at pumunta sa dining area ng condo ko. Kasabay ng pagbuhos ko ng gatas sa bowl filled with cereal, ang pag tulo din ng luha ko. Di ko mapigilan eh. Nasasaktan ako.
Bakit ganun? Napakaraming nang pagbabago sa relasyon namen. Parang dati lang, siya pa yung todo effort ngayon wala na? Nganga na? Dito na ba papasok yung lyrics ng kantang Anong nangyari sa ating dalawa?
Ayaw kong maniwala sa sinasabe ng iba na sa tinagal-tagal ng relasyon eh magkakasawaan din. Dahil naniniwala padin akong iba kame sa iba. Naniniwala padin ako "samin".
Naramdaman ko nalang na nakayakap sakin si DJ. "Baby, what's wrong ba?" yan nanaman yung tanong nya nakakagago.
Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sakin. At hinarap ko sya. "What's wrong?! Tangina naman Daniel eh! Nakalimutan mo lang naman na ANNIVERSARY natin kahapon! Now! Answer me, what's wrong nga ba?" sabi ko sakanya. I mean sigaw pala. Wala nang tigil tong pesteng luha na to.
Natahimik siya. Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ko yung regalo ko sakanyang customized silver bracelet. Binalikan ko siya sa kusina at kinuha ang kamay niya, at dun ko nilagay yung rectangular box.
"Happy 5th Anniversary BABY!!" sabi ko sabay takbo uli sa kwarto.
BINABASA MO ANG
If I cry a Thousand Tears [ KathNiel ]
FanfictionEven if I cried a thousand tears tonight would come back to me? And even if I walked on the water would you come out to see? Now I can't spend my life standing by cause even when I miss you you're still not missing me..