Chapter 4

161 4 0
                                    

Kath's POV

-AFTER A WEEK-

Papunta ko sa office ni DJ ngayon, sabe nya kasi ng secretary nya mago-overtime nanaman daw si DJ eh. Psh. Lagi nalang OT. 

"Hi Ms. Kath!" bati sakin ng isa sa mga employee dito. Eh kilala na nila ko eh.

 "Hello. Ah andyan pa ba si Sir Daniel nyo?" tanong ko sakanya. 

"Ayyy.. Opo. Andun pa po sa office nya." sagot niya. 

"Ahh. OK thankyou. Ingat kayo sa paguwi ha?" sabi ko nalang at nag-wave. 5pm nadin kase, uwian na ng mga empleyado. 

Papasok na ko sa elevator ng nakita ko si Tito Rommel na lumabas sa isa pang elevator. 

"Hi Tito!" bati ko sakanya at nagbeso.

Napahinto siya. "Oh Kath, how are you?" sabi ni Tito sakin.

"I'm fine Tito. Si Tita po?" tanong ko.

"Nasa bahay, dalawin mo nga minsan doon at namimiss ka na daw niya." sagot naman ni Tito.

"Awwww.. Namimiss ko na din po siya, sige po this weekend po, pupunta po ako sainyo." sabi ko sakanya.

"Osige. Anyway, ano palang ginagawa mo dito? Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong sakin ni Tito Rommel

"Meron po,actually Tito napadaan lang po ako dito eh. Hehehe." sabi ko at ngumiti.

"Pupuntahan mo si DJ di ba? Yang boyfriend mo nga, paki sabihan nga." biglang sabi ni Tito Rommel sakin.

"Ho? Bakit po?" nagtatakang tanong ko sakanya.

"Pano napaka-workaholic. Laging nago-overtime. Kala mo nangangailangan ng pera eh" pabiro nyang sabi. Nag-nod nalang ako.

"Sige na iha, mauuna nako puntahan mo nalang si Daniel dun sa office nya ah? Bye. Seeyou on weekend? Hahaha!" paalam ni Tito Rommel at nagbeso ule sakin.

"Sige po Tito, paki kamusta nalang po ako kela Tita Karla ah? Ingat po." sabi ko at nagba-bye na din.

Bakit kaya ganon si DJ? Nakalimutan niya yung anniversary namen dahil sa OT na yan. Ano bang nangyayari kay Daniel? Di kaya may ibang babae na to dito? Kaya ba lagi siyang nago-overtime? Di kaya si Patricia yung secretary niya?! Pero hindi eh. May boyfriend yun si Patty, saka kahit sobrang gwapo ni Daniel di niya type yun, para sakanya mas gwapo padin si Josh, yung boyfriend niya. Subukan lang niyang mangbabae, babalatan ko siya ng buhay at ilulubog ko sya sa suka. 

Sumakay na ko ng elevator at pinindot ang 8th flr. Nandito kase ang office niya. Pag labas ko ng elevator nakita ko agad si Patty na parang pagod na pagod na, paano ko alam? Paano nakayuko na at yung buhok oh! Mukang pinagpyestahan ng 3 bakla. Pumunta ko sa desk nya, pero ang babae oh. Di man lang ako napansin, dahil sa sobrang pagod siguro.

"Huy.. Patty, anyare sayo?" tanong ko. Bigla naman niyang inangat yung ulo niya at tiningala ako.

"Huuuuuu.. Ms. Kath! Ayoko na!! Nagbago na si Sir Daniel! Nag-iba na siyaaaaa.." sabi niya na parang naiiyak na.

"Ano?! Anong nagbago? Bakit may babae na ba siya?!tanong ko sakanya. "HINDII!! Wala siyang babae! Pero napaka---" di na niya natuloy yung sasabihin niya kase biglang sumigaw si Daniel. "PATRRRRIIICIIIIIIAAAAAAAAAA!!! Asan na yung files?!" 

If I cry a Thousand Tears [ KathNiel ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon