Maaraw ngayon sa Tagaytay. Wala masyadong traffic at ang mga tao sa paligid ay patuloy sa kanilang pang araw-araw na gawain. Subali't ako, habang binabaybay ang kahabaan ng highway, ay palapit na ng palapit sa lugar na magbabago sa aking buhay.
Nakarating na ako sa Caleruega, napaaga ng tatlumpung minuto sa nakatakdang schedule. Marami rami na rin ang tao, suot ang pinakamagaganda nilang mga damit. May mga batang umiiyak dahil pagod at naiinitan sa mga suot nilang barong at gown. Meron din namang mga nagtatakbuhan at pawis na pawis na ineenjoy ang kagandahan ng paligid. Lumabas ako ng sasakyan na may malaking ngiti sa aking mga labi. "Sa wakas!" sabi ng nanay ko sa akin habang tinatapik ang likod ko. Unti unti ng nagsilapitan ang mga tao sa amin para bumati. Hindi ko akalain na darating ako sa pagkakataon na ito. Hindi maipaliwanag ang kakaibang saya at kaba na nararamdaman ko sa dibdib ko.
Dumating na ang pinakiintay na sasakyan, at nagsimula na ang pagmartsa patungo sa altar. May mga napapaluha sa tuwa at madami ang hawak ang kani kanilang mga celfone para kuhanan ng litrato ang mga nagagandahan at nagwagwapuhang nagmamartsa.
Nakasara na ang pinto ng kapilya, nagaabang na ang lahat sa pagbubukas nito para matunghayan ang pagpasok ng pinakaimportanteng babae sa araw na ito. Kinakabahan akong nagaantay kasama ang mga magulang ko sa altar, parang napakabagal ng oras, ang segundo ay nagiging parang minuto at ang bawat minuto ay parang nagiging oras.
Bumukas na ang pinto. Ito ang hudyat ng pagsisimula ng pagbabago sa aming buhay at ang katuparan ng aking mga pangarap.
BINABASA MO ANG
When God Wrote My Love Story (Kimxi)
FanfictionSa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit. Panahon ng kapanganakan, at panahon ng kamatayan. Panahon ng pagiyak, at panahon ng pagtawa; panahon ng pagtangis, at panahon ng pagsayaw. Panahon ng pagyakap, at...