I never thought that I would be close to this girl. Nagkaroon na kasi ako ng sarili kong grupo nung college. Unang encounter ko kay Miles ay nasungitan agad ako. Nauso kasi nung mga panahon na yun yung mga magic sa TV nila Berwin Meily at ng kung sino sino pang magician. Ako, kahit na mahiyain, e hindi pa rin talaga matatago ang kakulitan. So nagtry ako na kulitin ang iba naming classmates, halos lahat sila napatawa ko, except Miles.
"Miles, may magic ako!" sabi ko sa kanya.
"Ok, ano yun?" sagot nya.
Pero nung matapos na ang kalokohan ko, sa lahat ng ginawan ko nung magic na yun sa klase namin, sya lang ang bukod tanging hindi tumawa. Ngumiti lang siya at siguro ang nasa isip niya ay may saltik ata sa utak ang kausap.
Fail.
May sarili din siyang barkada nun. Pero hindi din nagtagal, may mga naiiwan sa barkada. Yung iba nag leave of absence dahil nagkaproblema sa mga educational plans, yung iba naman lumagpak sa ibang subjects. Ako lang ang natirang regular sa grupo ko at dahil kakaunti lang naman kami sa course namin, napasama na ako sa grupo nila Miles.
"Anna, ok naman pala si Miles. Wala ka marereklamo. Mabait tapos matalino pa!" sabi ko sa bestfriend kong si Anna habang naglalakad kami sa Intramuros.
"Yihee! Crush mo sya no?" sabay tukso nya sa akin.
"Hindi no! Hindi naman ako magkakagusto dun!", mabilis na sagot ko.
Totoo naman, wala naman talaga akong gusto kay Miles. Natutuwa lang ako sa kanya kasi unang akala ko suplada at masungit sya, pero mabait naman pala at matalino pa. Besides, in love pa din ako sa highschool friend ko nun, at umaasa ako na baka sakali na maging kami.
At may boyfriend si Miles. Halos araw-araw siyang sinusundo sa school. Magkakasabay kami umuwi kaya nakilala ko din siya.
Kapag may boyfriend pa naman, marunong akong umiwas. Hindi ako nakikipagkulitan at halos hindi na rin nakikipagkwentuhan. Respeto kumbaga. Pero may tiwala naman sakin si Allan, akala nya siguro kasi bading ako.
***
During college, lalo na sa course namin, napapadalas ang sleepover namin sa bahay ng mga classmates. Minsan group projects, minsan din naman nagdadamayan lang sa pagpupuyat. Si Miles ang pinakabihirang payagan na magovernight ng parents nya, kaya madalas sa bahay nila kami gumagawa ng mga projects namin.
Apat kami na laging magkakasama noon. Ako, si Miles, si Luisa at si Armand. Bading si Armand, so technically, ako lang ang nagiisang lalaki sa grupo namin. One day, kami lang dalawa ni Miles ang gising. Sobrang napuyat kasi ang iba the night before kaya bumabawi sila ng tulog nung umaga.
Busy kami na gumagawa ng plates namin, and to break the silence naisipan kong itext si Miles.
"Miles, I think I'm falling....."
Kita ko sa mukha nya ang pagkagulat dahil bigla sya napatingin saken. Pero ako tawa ng tawa pagkatingin nya.
sabi ko, "Hindi pa tapos!"
pagscroll down nya ng message ko, inis na inis sya at binato nya ako ng unan.
"......asleep!"
Tawa kami ng tawa. Nagagawa ng sobrang pagpupuyat.
***
Two years na sila ni Allan, pero kailan lang sila naging legal sa parents ni Miles. Medyo mahigpit din kasi ang papa nya at gusto tutok lang sila sa pag-aaral. Hindi mo din maipagkakaila na pinalaki sila ng ganun, kasi consistent honor student si Miles bata pa lang, at grumaduate syang Salutatorian nung highschool.
Habang tumatagal, mas nagiging close kami ni Miles. Ako ang labasan nya ng sama ng loob kapag nag-aaway sila ng boyfriend nya o kapag nagtatampo sya sa parents nya. Hindi nagtagal, nagbreak sila ni Allan. Nasa locker area kami at di ko alam kung paano ko sya icocomfort. I've never been in a relationship since birth. Kaya hindi ko alam paano ako magrereact sa situation nya. Sinamahan ko lang siya. And ever since, araw araw na kami magkasama at lagi namin pinagpaparehas ang schedule namin kapag enrollment. Naging mag best buddies kaming dalawa na nagiging madalas na dahilan ng tampuhan sa iba pa naming barkada. Kapag group projects, hindi pwedeng hindi kami magkasama at hindi kami mapaghiwalay. She's like a sister to me, until one incident happened.
Malakas ang ulan, may bagyo ata. Iniintay namin ni Miles tumila ang ulan pero wala ng pag-asa. Iisa lang ang payong namin. Sinugod namin ang malakas na ulan nung hapon na yun, kasi kung hindi, aabutin na kami ng matinding traffic gawa ng rush hour.
Magkahati kami sa payong. Kahit medyo basa na ang mga pantalon namin, dahan dahan pa rin kami naglalakad para hindi pumasok sa sapatos ko ang tubig. Nakasandals naman sya kaya walang naging problem sa kanya.
Nasa may Liwasang Bonifacio na kami at hindi pa rin tumitigil ang ulan. Dahil sa nagkwekwentuhan at nagtatawanan kami ni Miles habang naglalakad, hindi namin napansin ang butas sa may kalsada. Nashoot ang paa ni Miles, pero wala namang sugat. Tawa kami ng tawa dahil todo ang pangaasar na ginagawa ko sa kanya.
"Ah tinatawanan mo ko ah!" sabi ni Miles, sabay hawi ng tubig baha gamit ang paa nya at pinatama papunta sa akin. Wala, basang basa na ang sapatos ko kaya gumanti na din ako. Para kaming mga bata na naglalaro sa ulan, inalis na namin ang payong at tuloy pa din ang pagbabasaan sa gitna ng liwasan.
Hindi ko namamalayan, totoo na pala.
I'm falling...
BINABASA MO ANG
When God Wrote My Love Story (Kimxi)
FanfictionSa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit. Panahon ng kapanganakan, at panahon ng kamatayan. Panahon ng pagiyak, at panahon ng pagtawa; panahon ng pagtangis, at panahon ng pagsayaw. Panahon ng pagyakap, at...