Simula ng maging close kami ni Miles, halos hindi na kami mapaghiwalay ng mga tao. Mapa-school projects man or extra-curricular activities. Sa Mapua kasi, kami ang bahala sa sarili naming schedule, paunahan kami sa mga sections na ino-open kada subjects. Alam namin ni Miles ang password ng accounts ng bawat isa, kaya kapag nagbukas na ang mga sections, kung sino man mauna sa amin makakita, ieenroll na namin ang isa pa para parehas kami ng schedule.
Araw araw, kahit alas-9 ng umaga or tanghali pa ang unang klase namin, nasanay na kami na pumapasok ng alas-7. Si Miles kasi e hinahatid ng papa nya, ako naman, umiiwas sa traffic at mahabang pila ng FX.
"Tara Cantunan!"
Eto ang kadalasang yayaan kada umaga habang nagiintay ng klase. Sikat ang Cantunan lalo na sa mga taga Mapua. Dito bente pesos solve ka na! Dalawang pansit canton, ang pausong half-long (kalahati kasi ng foot long na sandwich) at isang bote ng Sparkle e busog na busog ka na. Pwede na ngang lagyan ng historical landmark ng Mapua yun dahil halos lahat ng naging estudyante dun, nakaranas kumain sa Cantunan.
Naging special na ang tingin ko kay Miles pagkatapos nung mala John Lloyd-Bea naming eksena sa Liwasang Bonifacio. At dahil nga torpe ako at alam kong sinusubukan pa nila ni Allan na ayusin ang relationship nila, itinago ko na lang ang nararamdaman ko.
I never had a girlfriend. Since birth. Kaya hindi ko din alam kung ano ang nararamdaman ko. 18 years old na ako at halos nasa tamang edad na, pero dahil siguro sa katorpehan at katangahan minsan e hindi tuloy nakakalusot.
***
September birthday ko, pero lagi tong tumatapat sa term break namin sa Mapua. Quarterm kasi kami, apat na taon lang ang Architecture compared sa iba na limang taon pero sobrang mabilis at walang pahinga.
Gabi pa lang bago ang enrollment day ng course namin, magkakatext na kaming magkakabarkada kung anong oras magkikita kinabukasan. Tinext ko si miles,
"Miles, anong oras bukas?
Ang tagal magreply pero bago pa man ako makatulog tumunog ang celfone ko. Si Miles.
"7 am. Sa Mcdo."
Naging normal na sa akin na gumigising ng alas-5 ng umaga. Kadalasan kasi maingay na sa bahay ng ganung oras kasi sigawan kapag ginigising na ni Mama ang mga kapatid ko.
Tok... tok... tok..
"Joseph, gising na! Akala ko mageenroll ka ngayon? Yung pera nilagay ko na sa ibabaw ng component", sigaw ni mama na over kulit kapag nangigising. Minsan kailangan ko pa icheck kung tama ba talaga yung oras kasi minsan alas-4 pa lang pero sasabihin nya alas-6 na para magpanic kami.
Kumain na muna ako ng almusal tapos naligo na kaagad ako. Normal na routine ko na yun sa umaga kahit na lagi ako sinasabihan na masama maligo kapag busog. Hindi ko kasi makuha ang logic dun e.
Hindi kagaya ng ibang school na kapag may pagkakataon na naka civilian attire e lumalabas ang pinakakamaganda at mamahalin nilang casual outfits. Kaming mga Mapuan, normal na yun, at ang kadalasan outfit namin e kung ano ang nasa ibabaw ng closet. Wala ng isip isip pa.
"Ma, alis na po ako," paalam ko kay mama.
"O sige ingat! Yung pera mo ha, ingatan mo yan!" ang usual reminder ni mama kapag enrollement.
"Opo, nasa medyas ko na po."
Dahil nga commute lang ako, nilagay ko na kanina pa sa medyas ko yung pera, mapa 30k or 10k yun, kahit gaano pa kakapal, pagkakasyahin ko yun sa medyas ko. Mahirap na, baka hindi pa ako makaenroll, yari ako. At sa Quiapo pa ako lagi dumadaan medyo delikado sa mga masasamang loob.
BINABASA MO ANG
When God Wrote My Love Story (Kimxi)
FanficSa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit. Panahon ng kapanganakan, at panahon ng kamatayan. Panahon ng pagiyak, at panahon ng pagtawa; panahon ng pagtangis, at panahon ng pagsayaw. Panahon ng pagyakap, at...