Confession

125 7 4
                                    

TOK...TOK...TOK...

"Joseph! Akala ko may pasok ka ngayon? Tanghali na!"

Sumisigaw na pala si mama sa labas ng kwarto. Yan ang tactic ni mama sa pag-gising sa amin, lagi nya sasabihin na late na pero ang totoo one hour early pa sa oras ng pag-gising namin. Dalawang araw ako halos walang tulog para matapos lang yung project namin sa school kaya sinulit ko na ang tulog ko habang pwede pa.

Nakapatay pala ang celfone ko kaya hindi ko narinig yung alarm. Bakit nga ba?

Pagkabukas ko ng phone ko may limang messages na pala. Yung isa, nanalo daw ako ng 250,000 pesos! Langya, sino ba naman ang maniniwala na nanalo ka ng napakalaking halaga ni wala nga akong sinasalihan na kung anong contest. At yung ibang text naman e puro quotes galing sa mga kaibigan na halatang pinagkasya yung characters sa message para piso lang ang mababawas sa load.

Pero may isang text na dinaig pa ang horror movies sa pagpapakabog ng dibdib ko. Si Miles.

"Nabasa ko yung message mo. Let's talk? :)"

"Hala!" yun na lang nasabi ko sa sarili ko.

***

Since the beginning of the world, hindi pa ako nagka-girlfriend. Umabot ako ng college na hindi man lang naranasan kung paano magkasyota. Hindi ko alam, siguro nerd ako o sadyang torpe lang talaga. May mga nagugugstuhan naman akong mga babae, pero hindi ko alam kung paano at ano ang gagawin. Kulang lang siguro ako ng self-confidence, kasi hindi naman siguro ako pangit. Meron nga akong mga nakakasabay sa jeep na halos pinagsakluban na ng langit at lupa ang pagmumukha pero pag nakita mo ang girlfriend nila sobrang ganda at sexy pa. Why oh why? Haha! Pero umabot ako sa point na I don't bother anymore. Go with the flow lang. Kung wala ok lang, kung meron naman, edi ok na ok.

Kaya nung nahulog ang loob ko kay Miles. Parang biglang nagkakulay ang mundo ko. Seryoso! Magiging korny ka pala talaga kapag nainlove. Siguro kaya nahulog ako kay Miles kasi hindi ako madaling mainlove sa isang tao unless kilala ko na ang ugali at naging magkaibigan kami. Yun din siguro ang dahilan kung bakit sa ilang taong pagtambay ko sa mundong ito ay parang coke ang lovelife ko, ZERO!

Si Miles na kaya? Pwede. Wala naman sa akin ang desisyon. Hindi ko nga alam kung tama ang ginawa kong confession. Masyado ba akong nagmadali at hindi na nag-isip? O masyado lang akong nadala sa emosyon ko? Walandyong pag-ibig yan. Dinaig pa ang calculus sa pagpapasakit ng ulo ko.

***

Mahaba ang pila sa sakayan ng FX. Ano pa nga ba ang bago? Pero hindi ko nainda ang haba ng pila dahil lumilipad naman ang utak ko at palagay ko nauna na 'to sa school.

Isang oras din kami bumyahe. Pagkatapos ng ilang posisyon para hindi mangalay sa pagkakaupo, pag-headbang, at pakikipag-agawan sa aircon laban sa mga nakaupo sa gitna ng FX, e sa wakas nakarating na din ako sa school.

Umakyat na ako ng 4th Floor, kapag ganitong oras wala pa masyadong tao sa hallway, pero nandoon si Miles.

"Uy, Miles! Aga mo ah" unang bati ko. Pampakalma lang sa dibdib kong gusto ng umuwi ng bahay at magkulong sa kwarto habang nakafetal position.

"OO nga e, si papa kasi may kelangan puntahan kaya napaaga din tuloy ako" sagot nya.

Tumabi ako sa kanya sa pagkakaupo sa may locker area. Sa isang taong halos magkasama kami palagi, at sa ilang overnight na ginawa ko sa bahay nila, e ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang pagka-ilang. Parang may electromagnetic feild na nakapalibot sa mga katawan namin at nagaantay kung sino ang unang magsusuper nova.

"About sa message mo kagabi sa Friendster..."

Ayan na! Ayan na! Natawag ko na siguro lahat ng santo sa oras na to. Gusto ko na lang magdisappear at mapunta sa malayong lugar na walang nakakilala sa akin.

"May aaminin din sana ako"

Hinayaan ko na lang muna na sya ang magsalita. Tutal, parang gusto ng bumalik ng dila ko sa kindergarten para matuto ulit makapagsalita.

"Naalala mo nung umuwi tayo na sobrang nabasa tayo ng ulan? Hindi ko alam kung ano yung naramdaman ko nun, pero alam ko simula nun nag-iba na rin ang tingin ko sayo"

Wait. Pakisampal nga ako. Totoo ba tong mga naririnig ko?

"Joseph?"

Lumilipad na ang utak ko. Syntax error na ako. Sagot dali! Nagmumulti-tasking na ang utak ko, kinakausap ko na ang sarili ko habang nakikinig sa mga salitang sinasabi nya.

"Nakikinig ako..." sagot ko sa kanya.

"Pero it doesn't mean na tayo na, let's just give it a try." yan ang huling linya nya.

"Miles, I don't know if I rushed everything, but one thing is for sure, I will do my best to become worthy of your love."

Teka, ako ba talaga nagsabi nun? Hoy Joseph, san mo naman napulot yang pinagsasasabi mo?

***

That day, we ate lunch together, as usual. Pinayagan nya na ako buhatin ang bag nya. Ang sarap pala sa feeling ng ganito. Parang kahit gaanon kadami ang tao sa canteen, para sa akin, kaming dalawa lang ang nandoon. Cheesy na kung cheesy, pero ganun talaga e, mahirap kalabanin ang puso.

"Miles, pwede ba kita ihatid sa house nyo later?" tanong ko sa kanya habang ninanamnam namin ang Cheesy Beef Jamaican Patty.

"Hmmm. Sa may kanto na lang, kasi medyo delikado sa may amin kapag gabi na, e hanggang 7:30 pm class natin today diba?" sagot nya.

"Ok, ganun na lang muna, tutal may sakayan naman dun pauwi sa bahay namin."

***

Maaga kami pinauwi sa last class namin. 6pm pa lang naglalakad na kami sa kahabaan ng Intramuros. Nauna kami ni Miles umuwi kasi yung mga kabarkada namin tatambay at ieenjoy ang additional free time.

Nakasakay na kami ng jeep. Oo, jeep lang, kasi yun lang ang sakayan pauwi sa bahay nila. Sa harapan kami umupo, mukha namang hindi mabaho si manong driver, at para hindi na din hassle sa siksikan sa loob ng jeep.

Traffic sa may palengke sa may Paco. Halos hindi gumagalaw ang traffic gawa ng mga tinderong sinakop na ang bangketa. Dahil din sa pagod buong araw, nakatulog na si Miles. Kinuha ko ang kanyang ulo at pinasandal sa balikat ko, nagising sya at nagkatinginan kami. Oo, sa gitna ng traffic at sa loob jeep. Pero feeling ko nun nasa garden kami at nagtititigan.

Kinuha ko ang kamay nya at hinawakan ng mahigpit. Sabay bulong ko sa kanya ng

"I love you..."

Tumingin sya sa mata ko, ngumiti, tapos

TOK...TOK...TOK...

"Joseph! Akala ko may pasok ka ngayon? Tanghali na!"

Sumisigaw na pala si mama sa labas ng kwarto. Yan ang tactic ni mama sa pag-gising sa amin, lagi nya sasabihin na late na pero ang totoo one hour early pa sa oras ng pag-gising namin. Dalawang araw ako halos walang tulog para matapos lang yung project namin sa school kaya sinulit ko na ang tulog ko habang pwede pa.

Pinatay ko pala ang celfone ko kagabi. Pagkabukas ko may isang text, si Miles.

"Sana hindi mo na lang sinabi..."

***

Ouch.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When God Wrote My Love Story (Kimxi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon