Freshman

174 6 2
                                    

"Kriiiiiiing!!!" Malakas na tunog ng alarm clock na ang maliit na kamay ay nakaturo sa alas singko. "Umaga na pala!" sabi ko sa sarili ko. Ito ang unang araw ng pagtungtong ko sa kolehiyo. Sa wakas magsisimula na ako sa huling part ng pagiging estudyante ko. Konting tiis na lang at masisimulan ko ng tuparin ang mga pangarap ko dati. 

"Joseph, gising na! Nakahanda na ang almusal!" sigaw ni mama na abalang abala sa paghahanda ng almusal naming magkakapatid. Pagkabukas ko ng kwarto ko ay amoy na amoy ko agad ang bagong lutong sinangag habang hinuhulaan ko kung tocino o hotdog ang ulam. 

"Yahooo!" Tocino. Mapaparami ang kain ko neto. Ito rin pala ang unang araw na hindi na ako makakasabay sa tricycle service naming magkakapatid. Ibang level na talaga! Pagkatapos ko kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko para icheck ulit ang schedule ko ngayong araw. Alas dose pa pala ng tanghali yung first class ko. Madami pa akong time para magrelax, ihahatid naman ako ni papa sa first day ko kasi magrereport din sya sa opisina nila sa Intramuros. 

*** 

Maaga ako nakarating ng school, wala akong kakilala. May mga kaschoolmate ako nung highschool na sa Mapua rin nagenroll pero wala akong classmate na kumuha ng same course. Mainit at maingay sa hallway. Natatakot ako pumasok sa locker area kasi maraming seniors ang nambubully at naninindak. Wala kaming uniform kaya medyo informal ang dating ng school. Hindi katulad nung highschool na mga nakapolo barong at ramdam mo na nasa school ka talaga. Pero ayos nga e, cool ang dating. Walang pakialam ang mga tao sa kung ano ang suot mo. Meron nga dun ang mga suot lang e yung mga tinitindang t-shirt ng mga school orgs. 

Kahit mukhang marami at siksikan ang 4th Floor ng South Building, kakaunti lang ang mga nagtangka at naglakas ng loob na magenroll sa course na to sa Mapua. S409 ang unang classroom ko, wala akong kilalang mukha sa mga kaklase ko. Mahiyain pa man din ako.

Pero pagkalipas ng ilang araw at ilang linggo, nagkakilakilala din kaming mga magclassmates. Hindi naman pala katulad ng unang inaasahan ko na kakainin nila akong lahat ng buhay. Pareparehas lang din pala kaming nageexplore pa lang sa kung ano ang meron sa college life. Parang mga bata na ngayon pa lang pinalabas ng crib ng mga magulang nila.

***

Fast-forward.

Relihiyoso talaga akong tao. Bago ako makapamili ng course ko ng college sinabi sa akin ng naging lolo-lolohan ko na meron na daw nakareserve sa aking kwarto sa seminaryo. Tinatawanan ko lang yun nun. Kahit na hindi ko sigurado kung bakit ako nag Architecture, alam ko sa sarili ko na hindi ako para sa pagpapari. Pero nung second year college ako, bigla ako nagkaroon ng calling. Hindi ito basta basta tawag lang sa telepono. Naramdaman ko na baka nga destined ako na maging pari. Inisip ko to ng inisip. Kahit na hindi ko to binabanggit kay mama, sinabi nya sa akin na hindi sya pabor kung plano ko man maging pari. Siguro kilala nya ako. Hindi ko alam. Pero sabi ko kay Lord, bigyan nya pa ako ng panahon para magisip isip. Hanggang sa maging close ko ang classmate kong si Miles. 

At dito magisismula ang mala-roller coaster story namin. 

When God Wrote My Love Story (Kimxi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon