Prologue

18K 293 5
                                    

"So pinaplano mo na rin pati buhay ko?mukhang pinag-aralan mo talagang mabuti 'yan ha?"Tila nawala na naman ang konting awa nya sa dalaga.Ayaw nya pa naman kase 'yung dinidiktahan sya ng kung ano ang dapat nyang gawin.

"Ayaw mo ba?"tila napansin naman ni jade ang pagsama ng mukha nya.

"Look...hindi mo kailangan sabihin sa'ken kung ano ang mga dapat kong gawin..dahil ayoko sa lahat ang dinidiktahan ako!"galit na talaga ang tono ng boses nya.

"Hindi kita dinidiktahan gusto ko lang malinaw ang lahat sa'yo"tumaas narin ang tono ng boses ng dalaga.

"Sige...since mukhang hindi na ko makakalabas sa kalokohang 'to pagbibigyan kita...Gagampanan ko ang pagiging asawa sa'yo pero hindi mo na ko kailangan turuan ng kung anong dapat kung gawin...bukas sumama ka sa'ken ipapakilala kita sa pamilya ko!"Nagulat sya sa sinabi ng binata.Nanlaki ang mga mata nyang nakatingin lang dito.

"Oh bakit ganyan ang reaksyon mo?asawa kita hindi ba?so dapat lang na ma-meet mo pamilya ko!"Tila sya ngayon ang namroblema hindi nya naisip na may pamilya nga pala ang lalaking ito na maaring naghahanap rito sa mga oras na 'yun.

"Sorry...nawala sa loob kong may pamilya ka nga palang uuwian dito"tila nahihiyang sabi nya.

"Nakalimutan mo kase selfish ka...sarili mo lang iniisip mo!"Madilim ang mukhang tumayo na ito at iniwan syang mag-isa sa garden.Nanliliit sya sa mga salitang binabato nito sa kanya pero kung tutuusin kulang pa 'yun sa abalang ginawa nya rito.

Naabutan nyang may kausap sa fone si jared.

"I'm sorry tita something came up....hindi po ako nakadiretso sa bahay bukas na lang po kame uuwi ng asawa ko!"sabi pa nito na nakatingin sa kanya pagkatapos ay binaba na ang fone.

"Sinong kausap mo?"tumingin lang ito sa kanya at humiga sa kama.

"Dito ka ba sa tabi ko matutulog?"sa halip na sumagot ay nagatanong din ito na tila sinusubukan na naman sya nito.

"Dito ako sa couch matutulog...dyan ka na lang mag-isa!"sagot nya habang pinapagpag nya ang couch.

"Bakit natatakot ka sa sariling palabas mo?...kung sa tingin mong maniac ako ba't ako'ng napili mong gawing asawa?!"tila talagang sinusubok sya nito.

"Bakit naman ako matatakot sa'yo eh pamamahay ko 'to!"asar na sagot nya.

"Then bakit hindi ka dito matulog sa kama. ang luwang-luwang nito para sa isa!"tila wala namang makitang kakaiba sa mukha nya ang dalaga kaya palagay ang loob na tumabi ito sa kanya.Naglagay na lang ito ng unan sa gitna.

"Ayos ah..may bakod ka pa.as if naman gagalawin kita!"Parang napahiya sya sa sinabi nito kaya tumalikod na lang din sya dito.

My FAKE HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon