Isang gabi, tahimik ang kapaligiran, walang buwan na maaaninag, walang bituing kumukuti-kutitap,tanging huni ng kung ano man ang aking nauulinigan nang biglang maramdaman ko ang
nagpupumiglas na pagnanasa sa aking kaibuturan. Hindi ko mapigilan, nag uumalpas, wala akong
magawa, gusto kong ilabas, sasabog na, ayoko na
HINDI KO NA KAYA!!!
Ayoko na! Ayoko ng maging bobo. Ang hirap puro kayo panlalait. Sawa na ako. Ayoko na, tigilan nyo na ako.
Isang malakas na batok ang gumising sa aking tulog na diwa. Batok ng aking medyo mean na ina.
"Hoy, gumising ka, ano na naman kayang kahibangan ang mga pinagsasabi mo?"
"Mom, nananaginip lang ako. Ang oa mo naman kasi laging mag react eh."
"Eh kasi naman, kanina pa kita ginigising. Bumangon ka na at ng makapag almusal ka na."
"Mary Grace Salvacion, ang aking butihing ina ginigising ako para mag agahan na? Himala!"
"Anong himala? Eh araw araw kitang ginigising dahil lagi kang late bumangon. Ano bang nangyayari sa iyong bata ka?
"Wala, Mom. Sige sunod na ako."
"Bilisan mo, Jun Jun."
Siya ang nanay kong numero uno kong tagahanga at taga pag paalala sa akin na ang kanyang kaisa-
isang anak na lalake ay ang nag iisang mangmang na nabubuhay sa mundong ibabaw. Tiyak kapag
may kumontra siguradong makikipagpatayan siya. Siguradong ikamamatay nya. Dahil para sa kanya,
ako lang at wala ng ibang pwedeng umagaw sa trono ng numero unong BOBO sa planet earth.
Ikinatutuwa nyang ipangalandakan sa amigo't amiga nya na si Jun Jun nya ay sinalong lahat ang
kabobohan sa mundo, at ang matindi,kasunod nun ang pagkalakas lakas na tawa.
Tawang noong una ay kinaaaliwan ko.
tawang tila kumikiliti sa aking pandinig, na tila musikang ayaw kong tapusin.
Ngunit bakit tila ngayon ay nag iba na? Ang dating tawa na gustong gusto ko ay tila napalitan na ng
galit? ng habag sa aking sarili.
Bakit parang sa tuwing inuulit-ulit ng nanay ko na ako ay pagtawanan ay nasasaktan ako?
Hindi kaya...
TUMATALINO na ako?
"Tingin nyo?
Hindi maaari.
BOBO pa din ako,
iyon ang sabi ng nanay ko eh."
Ilang araw na akong balisa, ilang araw ng ang gusto ko lamang ay magkulong sa aking kwarto. Sigaw
ng nanay ko ang tanging almusal tanghalian at hapunan ko na may kasama pang midnight snack.
Samantalang ang tatay ko ayun at abala sa proyekto nya bilang isa sa pinakamgaling na inhinyero na
biniyayaan ng anak na napakabobo.
Awts! ang sakit na...
tama na please.
Break na muna, kota na eh.
BINABASA MO ANG
Sabi ni Nanay Bobo Ako
Short StoryKung tingin ninyong interesado kayong basahin ito, salamat. Sa mga magbabasa, titiyakin kong maaantig ang inyong mga puso. MAY PAG ASA ANG BAWAT ISA!!!