Chapter V- Sabi Nanay Bobo Ako

174 0 0
                                    


"Bakit ka umiiyak"? Ang tanong ni Daddy Arthur sa kanyang asawa.

"Masama akong ina daddy, hindi ko alam nasasaktan na ng sobra ang anak ko dahil sa pagiging insensitive ko. Akala ko ang lahat sa kanya ay biro pero sa kabila ng kanyang mga ngiti at pagtanggap ng mga nakakasakit na biro ay ang damdaming punong puno ng hinanakit sa akin". Ang hagulgol na sabi ni Mommy Len.

"Tahan na, mag usap kayong mag ina. Ang mahinahon na sabi ni Daddy Arthur. Asan ba si Jun Jun?"

"Hayaan mo na muna si Jun Jun daddy, lumakad na muna kayong dalawa. Tinitiyak kong kailangan nya ng isang ama ngayon. Huwag mo siyang papagalitan daddy, ihingi mo ako ng sorry sa anak natin. Hiyang hiya ako sa kanya." Ang sabi ni Mommy Len habang tuloy sa pag hagulgol.

"Tahan na. Sige kakausapin ko ang anak natin". Ang pagkumbinse ni Daddy kay Mommy.

"Dad?" Ang mahinang tawag ni Jun Jun nang makita nyang papalapit ang kanyang Daddy.

"Bakit anak?" Sagot ni Daddy Arthur.

"Wala dad, tara po alis na tayo". Sabay sakay sa kotse ni Jun Jun.


Noong isilang ka sa mundong ito,
Laking tuwa ng magulang mo.
At ang kamay nila
ang iyong ilaw.

"At ang nanay at tatay mo,
'Di malaman ang gagawin.
Minamasdan pati pagtulog mo


Tila nananadyang tugtog ang nagpatahimik sa mag- ama habang silay nakikinig.

"Dad, I'm sorry, Alam kong pasakit ako sa inyo ni Mommy. Ang hindi maiwasang pagbuhos nang emosyon ni Jun Jun. All my life alam kong wala na akong ginawang tama kundi ang puyatin kayo gabi-gabi kahihintay sa akin, ang maya't mayang tawag nyo na hindi ko naman sinasagot. If only I could turn back time, Dad. Kaya lang alam kong hindi pwede, alam kong imposible at alam kong parte na 'to nang mga pagkakamali ko". Ang sabi nang sumisinghot pang si Jun Jun.

"Alam mo ba anak nang ipanganak ka, kami na nang mommy mo ang pinakamasaya. Sabi ko sa sarili ko, magtatrabaho akong mabuti para mabigyan ko nang magandang buhay ang pamilya ko. After 5 years, sumunod naman si Yesh, lalo akong ginanahan. Lalo akong nagpursige not knowing na napapabayaan ko na pala kayo". Ang malungkot na saad ni Daddy. "Akala ko ang lahat ay tungkol sa pera, tungkol sa magandang kinabukasan, nagkamali ako Jun, i am a good Engineer but i failed to be a good father". Ang madamdaming lahad ni Daddy.

"Never kong naisip at sumagi kahit saglit lang sa aking isipan na ikaw ay hindi naging mabuting ama. Dahil all my life Dad ikaw ang idol ko. Para sa akin ikaw ang the best dad, hindi nga lang ako makalapit sa'yo dad kasi nahihiya ako sa nangyayari sa'kin, kaya lumalayo ako". Ang tuloy-tuloy na sabi ni JunJun. Pero Dad, believe me, saludo ako sa'yo at proud ako na ikaw ang daddy ko".

Napatigil sa pagmamaneho si Daddy Arthur at hinarap nya ang anak.

"Anak, bakit hindi ka lumapit sa akin?" Ang tanong ni daddy.

"Dahil nahihiya ako dad. Kasi isa akong malaking pagkakamali. Gusto ko lang masunod ang gusto ko not knowing na may mga magulang akong dapat sundin". Ang sabi ni Jun Jun.

"Im your Dad, you can always count on me". Ang sagot naman ni daddy.

"Alam ko dad, pero dahil mayabang ako, ayoko. Mas gugustuhin ko nang humingi ng tulong sa iba o kesa sa inyo ni mom". Ang malungkot na pag amin nya.

"Anak, kami ang mga magulang mo at gagabayan ka naming sa abot n gaming makakaya."

"Alam ko naman 'yun, Dad. Siguro lang may konting tampo din ako. Pero Dad, sa kabila nang mga ginawa kong kabalastugan, hindi ako nagsubok tumikim ng droga, kasi dad may respeto ako sa inyo ni Mommy". Ang madamdming pahayag ni Jun Jun.

Sabi ni Nanay Bobo AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon