Hayst, gusto ko nang umayos buhay ko pero hindi naman nila ako gustong suportahan. mag one time big time kaya ako?
Salisi gang? hold up, kidnap. Kidnapin ko kaya si Yesh. Sabay pitik sa sariling tenga habang nangingiting nagpapalit ng damit si Jun Jun.
Saan ako kukuha ng pera tatlong buwan na lang big day na. ah bahala na si batman. Sumasabay pa itong acquaintance party na 'to.
Ano kaya ang susuot ko? Sabagay kahit ano naman bagay sa akin, ang gwapo ko kaya. Sabay takip ng unan sa kanyang mukha at sinabing, hay naku jun jun itulog mo na lang yan.
"Congrats Mr. Jun Jun Salazar, you are one of the best. binibigyang buhay mo ang mga bagay na
maituturing ng walang pag asa. Isa kang halimbawa ng kabataang may napakataas na pangarap sa
iyong hinaharap." Ang masayang papuri ni Mr. Ang, Pangulo ng Art Gallery of the Philippines.
Kaliwa't kanan ang papuri, picture dito, picture there.
"Mr. Jun Jun Salazar, pwede mo ba akong iukit while wearing nothing?"
Tunog ng alarm clock ang gumising sa kanya. "Pambihira o, ang ganda na ng panaginip ko heto't
papasok na naman ako. Hay teribleng buhay to". habang kamot pwet na papasok sa banyo si Jun Jun.
"O, may pasok ka? Linggo ngayon Jun jun". Ang naiiling na sabi ng kanyang mommy.
"Lintik o, naputol pa tuloy ang panaginip ko badtrip naman. Andun na eh, si Anne curtis yun eh." Ang inis na inis na sabi ni Jun Jun.
"Magbihis ka na at may lakad tayo". Ang seryosong sabi ni Daddy Arthur.
"San tayo pupunta dad?" Manghang tanong nya.
"Basta, magbihis ka na at pagkatapos saluhan mo kaming kumain at ng makaalis na tayo". Ang saad ng Daddy nya na hindi nya mawari ang mood.
"Sige po Dad". Ang mahinang sagot nya.
Sa kwarto hindi sya mapakali, hindi nya alam kung saan sila pupunta ng kanyang butihing ama.
"Naku po baka akala nya adik ako baka ipaparehab nya ako". Dali dali siyang nagbihis at bumaba.
"Dad, dad, okay listen, kagabi kung inaakala mo na adik ako, hindi, nagkakamali ka.Baka dalhin mo
ako sa rehab nyan o sa boys town, naku naman dad hindi pa naman ako umaabot sa ganyan". Ang tarantang paliwanag nya.
"Kumain ka na muna. Sige magbibihis na ako". Sabay tayo sa kanyang upuan ang kanyang daddy.
"Mom?"
Bakit Jun Jun?
Anong nangyayari? Hindi ko maintindihan".
"Lagi ka namang walang alam. Kumain ka na lang Diyan.. Nga pala, tingin mo ba gagraduate ka ngayon?" Ang kinakabahang tanong ni Mommy Len.
"Tingin ko naman Mom, sana nga, ng mabawasan na kayo ng sakit ng loob ng dahil sa akin.
"Anong pinagsasabi mo diyan Jun Jun?" ang nalilitong tanong ng kanyang ina.
"Wala naman Mom, tanggap ko naman eh, kumbaga tanggap nyo lang na bobo ang anak nyo at proud ka dun na ipagsigawan sa buong angkan at kaibigan mo na may anak kang naknakan ng bobo". Ang naluluhang sabi ni Jun Jun.
"Anak hindi ganun iyon," ang nakukunsensyang pahayag ng kanyang ina.
"Naalala mo ba Mom, tuwing may bisita ka? tuwing nandito ang mga kaibigan mo? tuwang tuwa ka na sinasabing hindi ako maka graduate graduate kasi mahina kukote ko."
"Hindi ganun 'yon, anak."
"Nung bata ako okay lang sa akin eh. Parang ang sarap pang pakinggan eh, pero. Ang putol putol na sabi ni Jun jun dahil sa pag iyak. Pero ngayon Mom, sobrang sakit na. tagos buto eh. Iniisip ko nga kailan kaya magiging proud sa akin ang nanay ko. Pero mukhang imposible yun. Kasi nga para sayo ako na ang pinakabobong nabubuhay sa planet earth". Ang di mapigilang pag iyak ni Jun Jun habang sinasabi ang kanyang mga hinaing sa kanyang inang gulat na gulat.
"Hindi totoo yan anak". Ang sabi nang nabiglang ina.
"Mommy, okay na. tama na, 'di na naman natin mababago iyon. totoo naman eh, bobo ako at sorry po kung isa akong malaking disappointment sa inyo". Ang hagulgol na litanya ni Jun Jun.
"Im sorry anak, sorry kung ganun ang tingin mo. Akala ko kasi okay lang sa iyo 'yun dahil ikaw mismo nagsasabi ng ganoon. Sorry for being insensitive anak". Ang sabi ng kanyang ina habang umiiyak.
"Okay na mommy, wag mo na intindihin iyon. Sige dun na lang ako sa garahe mag hihintay kay daddy". Sabay tayo ni Jun Jun.
Naiwang tulala ang kanyang ina at hiyang hiya sa kanyang mga nagawa para sa kanyang panganay.
BINABASA MO ANG
Sabi ni Nanay Bobo Ako
Short StoryKung tingin ninyong interesado kayong basahin ito, salamat. Sa mga magbabasa, titiyakin kong maaantig ang inyong mga puso. MAY PAG ASA ANG BAWAT ISA!!!