Ayun at ang baho ko na kaya no choice na, kailangan ko ng lumabas para kumain at maligo at ilang
araw ko na ding pinag titiisan ang amoy ng utot ko. ilang araw na akong nagpipigil pumupu. Higit sa
lahat, tiyak bunganga ng nanay ko ang unang unang sasalubong sa akin.
Hmmm. Medyo namiss ko nga ng konti ang boses ni mommy.
"Jun Jun, ano ka bang bata ka at hindi ka nag lalalabas ng kwarto mo? may problema ka ba anak? halika dito't sabihin mo sa amin ng daddy mo." Ang bungad ni Mommy
"Nakabuntis ka anak?" Ang manghang tanong ni Daddy.
"Dad, virgin pa ako." Sagot ko naman.
"Kuya may bagsak ka 'no?" Ang sabi ng matabil na dila ng kapatid kong Si Yesh na manang mana kay mommy.
"What's new?" Ang biglang entrada ni kuracha. Siya lang naman ang kasambahay namin mula ng ako'y isilang.
"Hindi kaya sya ang nanay ko at parang nanay ko din kung umasta? Ah, mga pinag iisip mo junjun.
"Jun Jun anak, Napag-usapan namin ng daddy mo na ikuha ka ng tutor para makatulong sayo sa pag aaral mo, aba anak dalawang taon ka na bilang fourth year, ayaw mo bang grumaduate?"
"Tutor? 'di nga? pero no thanks, Mom. kaya ko na 'to. Trust me. Nga pala, Mom mamaya sigaw ka ulit ha, hindi ako sanay na mahinahon ka eh. Sige ligo na ako. my DOTA class pa ako eh. Love you. mwuah"
"Juuuuuun Juuuuunnnn".
Isang malakas na sigaw ang nagpatakbo sa akin sa loob ng banyo habang hagalpak ng tawa.
Magic word para uminit ang ulo ni mommy. DOTA. Para sa kanya ang DOTA ang sumisira ng buhay ko. Ang DOTA ang umuubos ng baon ko at ang DOTA ang dahilan kung bakit hindi ako makapasa sa mga subjects ko.
Ang hindi nya alam, ang DOTA ay libangan ko lang panoorin at pang inis ko lang sa kanya. Marahil palusot na din sa kung ano talagang ginagawa ko at panakip butas kapag semplang ang grades ko. Kaya kapag ganun ang nangyayari, ratatatatatatat na naman ako ng boses ng pambansang bungangera ng Pilipinas.
Habang papasok sa paaralan abala ang aking isipan kung saan ako kakain ng pananghalian, ano kayang masarap? namiss ko ang kumain, "may sayad yata ako sa ulo eh. tama bang gutumin ang sarili".
"Hi Jun,Jun, it's been a while ha. Midterm pala natin ngayon, nagreview ka ba?" Ang bati sa kanya ni Amanda.
"Ha? inay ko po. Hindi ko alam. Anak ng tokwa, sablay na naman ako.
takteng buhay 'to." Ang tulirong nasabi ni jun."Huwag kang malungkot JunJun, ang sabi ni Amanda. Tabi ka sa akin at pakokopyahin kita."
"Ang bait mo naman Amanda, namamanghang sabi ko."
"Hindi naman,basta ba sa acquaintance party sa huwebes, sayaw mo ako ha."
Nakangiting sabi nya."Ah, eh.... kasi.... ano.... si"
Pabulol na linya ni Jun."Asahan ko yan Jun Jun ha, sige ka pag tinanggihan mo ako 'di kita pakokopyahin".
"Anong oras ba ang acquaintance? sunduin na lang kita sa inyo Amanda. Hiramin ko na lang ang kotse ni Daddy".
"Talaga? susunduin mo ako? ang sweet mo naman Jun Jun. Sige mga 8:30 na para grand entrance tayo. Siyempre ikaw ang ka-partner ko siguradong kaiinggitan nila ako. Sige Jun Jun una na ako". Sabay takas halik sa kanyang pisngi ang ginawa ni Amanda.
Si Amanda ay biniyayaan ng talinong walang hanggan. Consistent honor student since nursery
hanggang sa kasalukuyan. ipinadala na sa ibat-ibang bansa para sumabak sa kumpetisyon at laging
gold lang naman ang naiuuwi nyang karangalan. Ngunit si Amanda ay kinapos sa kagandahan. Kung
paanong biniyayaan sya ng walang hanggang utak ay siya namang pagkakapos ng sobra sa
kagandahang pisikal. kumbaga sa rate 1-10 highest 10, maswerte nang may mag rate ng 2 sa kanya.
Ang maganda nga lang sa kanya ang taas ng confidence level nya.
Maganda daw sya. Eh di wow na lang.
Samantalang si Jun Jun, bobo mang ituring, pinagtatawanan man pagdating sa akademiko, hindi
maikakaila ang karisma nya sa kababaihan maging sa mga "ateng". Ang sabi nga, nang magsabog ng
kagwapuhan ang Diyos, sinalo ng lahat ni Jun Jun. Tall, Dark and handsome. Wala ka ng hahanapin
pa, pero dahil nga wala namang taong perpekto, may kakulangan din sya at iyon ang kanyang
katamarang nagdadala sa kanya upang ibagsak ang kanyang mga subjects at magkaroon ng
trademark na:
Gwapo nga bobo naman.
Pero sa karamihan, kahit bobo sya okay lang, dahil nga gwapings sya. May almusal
tanghalian hapunan at may snacks in between pa. Iyan ang kadalasang maririnig patungkol sa kanya.
"Ewwwww". iyan ang sigaw ng mga barkada ni Jun Jun nang makita nilang hinalikan sya sa pisngi.
"Ano yun?" tanong ni Jules na bestfriend ni Jun Jun.
"Hindi kasi ako nag review, hindi ko alam na midterms na. Si Amanda ang nagsabi sakin. Kaya ayun nakipag deal ako sa kanya. Susunduin ko sya sa acquaintance at isasayaw ko pa, tapos papakopyahin nya ako sa midterm" Ang sagot nya.
"Mas mbuti nang bumagsak o kesa makasayaw si Amanda, mas mabuti nang umulit o kesa mahalikan niAmanda. Pare, desperado ka na ba? paano mo natitiis yan?" ang tuloy-tuloy na sabi ni Jules.
"Pare, iisipin kong si Anne Curtis na lang ang kasayaw ko. Magaling akong mag imagine". kontra banat naman ni Jun Jun.
"Bahala ka diyan. Ikaw naman ang makakasayaw nya". ang matinding tukso sa kanya ng barkada nya.
Samantala, sa loob ng school room.
"Hi Jun Jun, dito ka na umupo sa tabi ko." Ang maharot na imbitasyon niAmanda sa kanya.
"Uy, may new love team. Beauty and the Beast". Habang hindi magkamayaw sa pagtawa ang buong klase.
"Huwag naman kayong ganyan, nakakasakit na kayo ng damdamin",
Sabay upo sa tabi ni Amanda. Huwag mo na lang silang intindihin."Ang sweet mo naman, ipinagtanggol mo ako".
"Wala iyon Amanda".
Lord, bukal po sa loob ko ang ipagtanggol sya pero hindi ko po sya type. Kasi po paano ba sabihin to. kasalanan ang manlait.
pero ang...anggg pa....
pang..
panget nya po.

BINABASA MO ANG
Sabi ni Nanay Bobo Ako
Short StoryKung tingin ninyong interesado kayong basahin ito, salamat. Sa mga magbabasa, titiyakin kong maaantig ang inyong mga puso. MAY PAG ASA ANG BAWAT ISA!!!