Chapter 3- Sabi ni Nanay Bobo Ako

114 0 0
                                        


"Sorry po Lord sa panlalait, ikaw lang naman po nakarinig eh. Peace po tayo Lord ha.

Huwag nyo po ako papangitin".

"Jun jun anong iniisip mo?" ang biglang tanong ni Amanda.

"Wala naman Amanda, Sabay hila ng upuan sa tabi ni Amanda.

Salamat sa offer mong pagpapakopya ha, next time mag- aaral na ako".

"Sus. Wala yun Jun, walang problema sa akin yun, kopya ka lang kahit kelan mo gusto.basta ha

 sunduin mo ako sa acquaintance party. magpapaganda akong lalo para sa'yo. Alam mo naman na

 type talaga kita". Ang pa-cute na banat ni Amanda.

susulit. Tiyak ni Jun Jun na Natapos ang klase, natapos ang pag nakopya nyang lahat kay Amanda, 

kaya masaya siyang lumapit kay Jules na mukhang handa nang mang alaska.

"Ano brad, nalintikan ka na? Ikaw din baka gayumahin ka nyan". Ang birong tugon ni Jules.

"Tigilan mo nga ako. Pero naku po, kalbaryo ito. mukhang napasubo talaga ako". Ang kabadong litanya ni Jun Jun.

"Oks lang yan p're, exotic ang dyowa mo, at bukod dun, ulalam pa yan, paborito pa nang karamihan. 

HIPON p're HIPON. Anong luto gusto mo? name it, kahit ano pwede sa kanya. Ang patuloy na 

pambubuska ni Jules. Basta huwag kalimutan ha, tapon ulo bago kain".

"Tumigil ka nga. Matakot ka sa karma p're. pag ikaw nainlove sa nget-pa pagtatawanan kita". Nakangiting sambit ni Jun Jun.

"Malabo yan p're, sa gandang lalake kong 'to, mismong ang mga chikababes ang mag mamakaawa na pansinin ko sila". Ang payabang na sabi ni Jules.

"Sige na, ikaw na ang gwapo, ikaw na habulin ng chickas. Tapos medyo may utak ka pa. walastik buti

 ka pa. Samantalang ako, kailangan ko pang gamitin ang gandang lalake ko para lang makapasa". 

Ang nakangising tugon ni JunJun.

"Ayan tayo eh, kaya tayo magkaibigan eh, parehas tayong mayabang".
Sabay tawanan ang dalawang mokong.


Natapos ang araw, nakauwi na ang lahat sa kani-kanilang tahanan ngunit si Jun Jun ay nagtungo sa kanyang sikretong lunggaan.


Isa itong sagradong lugar para sa kanya. Isang lugar kung saan siya nakakahanap ng kapayapaan. 

Isang lugar na tinitiyak nyang siya ay magaling at walang puwang ang kamangmangan. Lugar na tanging siya lamang ang may alam.

Ito ang kahulugan ng langit para sa kanya.

Ito ang lugar na tanging nagbibigay ng kaligayan sa kanya na malayo sa panghuhusga ng karamihan.

"Kayo ang aking tanging kakampi". "kayo ang aking gabay at sandigan". Salamat sa inyo.

 Ito ang pahikbing naimutawi ni JunJun habang unti -unting nilalamon ng antok.


Tunog ng cellphone ang nagpaigtad sa kanya.


"Anak ng tipaklong Ala una ng madaling araw. Patay kang bata ka. Bunganga na naman ng nanay ko ang sasalubong sa akin." Tarantang naibatid nya.


Habang papalapit sa bahay, iniisip na nya ang sasabihin. Ah bahala na.

Dahan dahang binuksan ni JunJun ang pinto at bumungad sa kanya ang hindi maipintang mukha ng ermats at erpats nya.


"Goodmornight mother dear and father dear. Ang pabiro ngunit ngatal na nasabi nya. 

Ooops bago kayo mag boomsermon may sasabihin ako sa inyo. May good news ako sa inyo,

Umupo muna kayo."

"Ano yun?" Seryosong tanong ni Daddy

"Kalma mo na, Dad. okay. kapit mabuti, Ready na ba kayo?"

"Ano nga?" Inis na tanong ni Mommy.

"Mom, dad, sorry kung late ako nakauwi. Kaya ako inumaga kasi nakipag compete ako
at nanalo ako".

"At ano namang competition yan aber? DOTA?" Ang tanong nang kayang ina.

"Exactly Mom. Sige tulog na ako Medyo napagod ako eh." Habang tumatakbong papasok sa kwarto nya si JunJun.

"Lintik kang bata ka bumalik ka di...to". Ang histerikal na sigaw ng nanay nya kasabay ng lagabog nang pinto ni JunJun.


Sa banyo habang nagbababad si JunJun sa kanyang bath tub, napaisip sya, "paano ko kaya maisasagawa ang mga plano ko?"


Dahil sa kakaisip, nakatulog si JunJun sa bath tub at nagising na lamang siya dahil nalulunod na sya..

Habol hininga, nakalaklak ng napakadaming tubig, suka to the max ang kanyang dinanas. Takot na takot si Jun Jun.

Hindi pwede....

Hindi ako maaaring mamatay....

Flashback here, flashback there and flasback everywhere.

May pangarap ako sa buhay...

nang bigla siyang natauhan at napaisip...

"Ano nga bang pangarap ko?" ang naguguluhang naisip ni JunJun.

"Ah basta, meron. Hindi ko palang alam". Ang pagkukumbinsi nya sa kanyang sarili.


Nang mahimasmasan, dali dali siyang tumakbo sa kwarto ng kanyang mga magulang

Malalakas na katok ang gumising sa nag-aalalang magulang.


"Sino yan?" Tarantang sigaw ng kanyang Mommy.

"Ako ito Mommy". Sigaw ni Jun Jun.


Pagbukas ng pinto agad sinunggaban ng yakap ni Jun Jun ang kanyang naguguluhang ina at mabilis na tumakbo palapit sa kanyang natulalang ama.

"Anak bakit basang basa ka?

anong nangyayari sayo?" Ang gulong tanong ni Daddy.

Daddy, mommy, muntik na akong mamatay

"Nasa loob ka na ng bahay, anong pinagsasabi mo?" 

"Dad, adik ka?" Sabay sapak sa kanya ng kanyang daddy.

"Arraaay. 

"Jun Jun kung mag aadik ka lang, mabuti pang doon ka na lang sa probinsya, samahan mo ang lolo mo dun, mag tanim ka ng palay at nang may magawa kang maganda sa buhay mo. Puro ka perwisyo". Ang walang awat na litanya ni Daddy arthur.

"Tama na 'dy, Jun Jun bumalik ka na sa kwarto mo". Ang malumanay na sabi ni Mommy Len.

"May gusto lang po sana akong sabihin. Pero 'di bale na lang". Ang malungkot na sabi ni JunJun habang tinatahak ang pinto palabas ng kwarto ng kanyang mga magulang. 

Sabay dampot ng tsinelas ni Daddy arthur at binato kay Jun Jun.


"Hindi mo ko tinamaan dad, sablay ka". Ang pang inis pang habol ni Jun Jun sabay takbong pabalik sa kanyang kwarto.


Sabi ni Nanay Bobo AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon