Prologue

3.2K 25 3
                                    

PROLOGUE

Napakadilim naman.

Wala akong makita. Kinakapa kapa ko kung ano man ang pwedeng makapa. Sinubukan kong tumayo ngunit di ako makagalaw.

Nakakadena ang mga paa ko!  Sinubukan kong kumalas. Ngunit hindi ko kaya! Dyos ko. Nakidnap ba ako?! Saan ako?

“Hello?”, tawag ko. Ngunit ‘di ako sigurado kung may sasagot ba.

Kroo-kroo. Wala nga talaga. Hay, paano ba ito? Binabalot ng kadiliman ang paligid. ‘Di ako makakita. Di ko pa maigalaw ang mga paa ko. Nagsimula akong magdasal.

“Lord, ano ba itong nangyayari? Saan ba ako? Sana naman may sumagip sa akin dito.” Nangingilid na ang mga luha ko habang nagdarasal.

BLAG! BLAG!

“Arekup!” may napamura. Lalaki.

“Sino yan? Sino ka?” Naku salamat! May kasama pala ako dito.

“Eh, ikaw? Sino ka?” Sagot niya. Sagutin ba naman ako ng tanong din. Langya!

“Ako una nagtanong eh! Gago! Sino ka ba?! Saan tayo?” Medyo naiinis na ako.

“’Di kita kilala. ‘Di ako basta basta nagbibigay ng pangalan sa mga strangers. Ewan ko kung nas’an tayo.”

Naku naman etong lalaking ito. Punyemas! Ang arte-arte. Ano bata?! Don’t talk to strangers? Ako na nga lang unang magpapakilala.

“Ako si Khalil…”, medyo naiinis kong sagot “Hindi ko alam kung nasaan tayo… di ako makagalaw… nakatali mga paa ko.” Patuloy ko parning sinusubukang kumalas sa pagkakakadena ng mga paa ko.

“Khalil?! Ikaw ba yan? Si Jerome to!”

Si Jerome? Mukhang napakaimposible naman.

“Paanong? Diba nasa states ka?” Ginagago ata ako nito eh.

“Hindi ko alam kung nasaan ako. Nakapiring ang mga mata ko at nakatali ang mga kamay ko. Ang huli kong naaalala eh, bukas paalis na kami papuntang states. ‘Di ko nga alam anong araw na ngayon eh!” ani Jerome.

Jusko po! Saan ba kami? Bakit kami narito ni Jerome? Nakidnap nga ba kami? Jusko sana wala naman.

“Jerome, nakidnap ata tayo.”

---------------------------------------------------------

A/N: Hello guys! So this is my very first story. Hahaha. Matagal na akong reader dito sa wattpad. Actually I am a silent reader. I was very inspired with gay love stories I have read in the site. Pagpasensyahan nyo na ha. Lemme know if there are grammar lapses. I am open for corrections. Wag lang po Harsh! :) And don't forget to vote! :) Thanks

You'll know the importance of this scene along the next chapters of the story.

Peksman, mamatay man (boyxboy) *SLOW UPDATE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon