Chapter Two - Partners

563 15 4
                                    

Khalil’s Point-of-View

“For you Mr. Late comer, I’m Mrs. Calupingping, and I am your FYDP guide.” Nagsalitang muli ang teacher matapos niya akong sundan ng tingin. And she flashed her fakest smile. Ugh!

“I am also a theology teacher. So maybe in your 2nd or 3rd year in this university, I could be your teacher. So much for that.”

Lord, ngayon pa lang po pinapanalangin ko nang hindi ko siya magin teacher! Nagmamakaawa po ako.

She continued her discussion.

“FYDP means “First Year Development Program”. It is a prerequisite for your CWTS-NSTP Training Program. Only this university offers this kind of training in Davao. Here, we will talk about the school’s policies, history and vision and mission. Furthermore, we will also talk about your performances in your class and other extra curricular activities. Here, you can also share your difficulties and burdens in your college and personal life. So, basically, it’s like Homeroom…” mahabang litanya ni Ma’am.

Ngunit napatigil siya nang may pumasok sa room.

Hahaha, atleast di ako yung pinaka late.

EEEEEHHHHH, tunog uli nung pintuan.

At iniluwa nito ang isang lalaki.

Pagtingin ko sa latecomer. I remember that face. Those eyes. That stare.

Muli, nagtama ang mga tingin namin.

Dug dug

Dug dug

Dug dug

Dug dug

I’m having that feeling again.

Siya nga, yung lalaki sa elevator. Akalain mo, classmate ko pala siya.

Medyo naging matagal din ang tinginan namin.

It was as if gravity was pulling our stares together. Kakaibang feeling. Why am I feeling this way? I really don't know, first time kong nakaramdam ng ganito. Especially, sa lalaki.

“So, Mr. Latecomer no. 2, are you just gonna stand there or offer yourself a seat?” panira ni ma’am sa titigan namin. Ganito ba talaga dialogue niya everytime may malelate?

Upon hearing that, napayuko siya at naglakad patungo…

DITO?!

No, it can’t be! Napalunok ako. I started to become conscious. Shit, why am I getting conscious? Lalaki lang yan. Khalil, pull yourself together!

Ngunit pag tingin ko uli sa kanya…

He took a complete 360 turn at naupo doon sa dulo ng back row opposite to me.

Hay, buti naman.

So, can you imagine us?

Nasa backrow kami. Walang ibang nakaupo kundi kaming dalawa. There were 6 chairs between us. Nasa rightmost side ako siya naman nasa leftmost.

At nagpatuloy na ng pagdiscuss si Ma’am. Ngunit di na ako nakinig. Masyado akong nadistract. Bakit ba kasi ganun-ganun na lang ang epekto nung mga tingin niya sa akin? I've never felt this way before. Ever since, 'di ako naaapektuhan ng mga tingin. Lalong lalo na sa lalaki. Kaya't takang taka ako kung ba’t ba ako nagkakaganito? Ba’t ako nacoconscious? Ba’t ako napaparanoid?  Bakit naaaligaga ako kapag tumitingin siya? Sandamakmak na tanong ang bumaha sa isipan ko.

First time ko naramdaman to eh.

Mukhang bago ang feeling.

Ah! Kainis.

Peksman, mamatay man (boyxboy) *SLOW UPDATE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon