Chapter 3 - In denial

606 13 7
                                    

Khalil’s Point-of-View 

“Ah… o-ok..ok..sure.” nasagot ko na lang.

Diyos ko po! Totoo ba tong mga nangyayari? Am I really paired with that guy? Mukhang napakabilis naman ng mga pangyayari. And, bakit ganito na lang ang nararamdaman ko sa kanya? Sa mga tingin niyang iyon, I feel very uneasy. But I like it when he’s looking at me. I feel euphoria. An immeasurable joy even I can’t explain. Pero hindi, hindi ako maaaring magkagusto sa lalaking ito. Pagkakaalala ko, hindi ako bading eh. Last time I checked, I still like girls.

First time kong nararamdaman ito. Bagong-bago sa akin to. Pero why was I checking him out? Bakit ko siya inamoy? I’m starting to have doubts with myself. Am I really gay for that guy? Ano nga bang nakita ko sa kanya at ganun ganun na lang ako kaapektado sa mga kilos at tingin niya? Hindi ko alam. Ahhh! Naguguluhan ako!

Eto na nga ba yun? Yung mga nababasa ko? Yung nakikita ko sa movies? Yung sabing pag nakita mo siya, there are butterflies in your stomach. Ngunit… Hindi! Hindi maaari. Hindi pwede! Hindi maaaring na love at first site ako sa kanya. Hindi! Nakakadiri.

Naputol ang malalim kong pag-iisip nang may nagsalita.

“Jerome nga pala.” Nakalimutan ko. Magkasabay nga pala kami. Andito nga pala siya ngayon kasabay kong naglalakad patungo sa susunod naming room. Haaay, ‘di ba ako iiwasan nito?

“Hmm.” Tango ko lang sa pagpapakilala niya. ‘Di ko pa rin magawang makausap siya ng diretso. ‘Ni hindi nga ako makatingin. May konting hiya at ilang. Maybe, siya rin. Or maybe, it’s just me. Ako lang siguro ang naiilang. Shit, am I seriously gay for the guy? Lord, enlighten me. Bigyan mo ko ng sign now! Naguguluhan po ako!

“Kanina ka pa nakatulala. Mukhang malalim ang iniisip mo ah.” Muli nagsalita na naman siya. Nyemas naman tong lalaking ito. Ba’t niya ba ako ginagambala? Kulit!

“Ah wala ‘to.” Simpleng tugon ko na lang. Ayokong magmukhang masungit o snob, kaya bainigyan ko siya ng matipig na ngiti. ‘Di ako ganun. Honestly, my personality’s really likeable. That’s why I have a lot of friends back home. I easily get along with new people. Pero bakit sa kanya mukhang conscious ako? Natutuliro. Nauutal. Am I really that affected with his actions? Ahhhh! NO WAY.

“Ganito ka ba talaga katahimik?” Pangungulit niya ulit. Napansin kong nasa harap na pala kami ng room namin. May mga tao pa sa loob kaya naghintay muna kaming dalawa sa labas kasama ang mga kaklase namin.

Ang nakapagtataka lang ha? Mukhang kanina nung nakita ko to siya sa elevator, eh mas malalim pa sa Marianas Trench ang iniisip. Mukhang problemado. Eh, bakit ngayon ang presko presko niya na? Mukhang wala lang? Bipolar ba ‘to? Oh nag momood swing?

“Ah.. Hindi.. naninibago lang..” sagot ko. As much as possible, I don’t want to get attached to this guy kaya tinitipid ko ang sagot sa kanya. Napaisip ako, ako lang kaya nag-iisip ng ganito sa kanya? Siya kaya? Iniisip rin kaya niya ako? Hala! Paki ko naman no! I don’t like him. No. Never.

“Ahh, kaya nga eh. Ako rin. ‘Di pa naman ako taga Davao. Mukhang mahirap mag-adjust sa mga kaklase natin. Mga galing siyudad eh. Samantalang ako, taga-probinsya lang.”

Gaya ko, taga province rin pala tong lalaking to. Tiningnan ko ang mga kaklase namin. Mukhang nagkakasundo na sila. Actually, days before nag-umpisa ang class eh nagkaroon na ng two days orientation. ‘Di ako nakaattend kasi nasa probinsya ako. Sinusulit ang bakasyon. Mukhang nagsimula na akong magsisi sa hindi ko pagpunta. Kasi OP kami eh. Yung iba, magkakakilala na, kaming dalawa rito mukhang walang friend. Teka, ba’t kaya wala rin ‘tong friend?

“Teka, di ka pa nagpapakilala ah. Mukha naman akong tanga ditto di ko kilala kinakausap ko.” Basag niya sa katahimikan.

Dug dug

Peksman, mamatay man (boyxboy) *SLOW UPDATE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon