Chapter 1
Seth’s POV
“ release him..” maiksing saad ni dad sa mga pulis, nandito kasi kami sa prisinto, nainvolve kasi sa gulo ang barkada, e nagkasapukan. Hindi pa sana ako sasali kaso sinuntok na ako nung isa, -__- alangan naman na hindi ko patulan?
“Ok..” tapos pinuntahan ako nung pulis, nakauwi na yung ibang mga kabarkada ko maliban sa akin, late na kasi nagpunta si dad, at alam ko kagagaling niya lang sa trabaho. Anak ng putakte! Lagot na naman ako nito!-__- “andiyan na dad mo..”
Buti na lang minor pa ako. (--,)
Buti na lang at walang nakaalam, kundi pagpiyepiyestahan na naman kami ng media. Pagdating namin sa bahay, sinalubong ako ni mommy.
“baby!may pasa ka!>_< ano na naman ba kasi ang ginawa mo?madalas ka ng napapaaway ngayon!halika nga gagamutin natin..” hinila ako ni mommy papuntang sala pagkatapos kumuha siya ng gamot para sa mga pasa ko.
“simula ngayon, hindi ka na sasali sa banda niyo..” nanlaki yung mata ko!anak ng!hindi pwede!may contest kaming sasalihan ngayong Saturday, e Thursday ngayon! Anak ng tinapa naman oh!
“pero dad!” tumingin ako kay mommy pero yumuko lang siya,kapag kasi si daddy nagseryoso, sigurado akong lagot na..
“no credit cards, naka freeze ang bank account mo. “ dagdag niya pa. mas lalo naman akong nabwisit!Fck! edi wala akong pera..” wag ka na rin magpatulong sa mommy mo,dahil hindi ka niya tutulungan..”
Naiyukom ko ang kamay ko. Hindi ko naman kasalanan na sinuntok ako. Gusto ko lang din gumanti! WTF talaga!-___-
“no gadgets. Bawal mo din gamitin yung sasakyan mo.” Hindi na ako umimik, pagkatapos niyang pumanhik sa taas. Minsan nakakainis din si dad. Napakastrict! “hindi ko ibabalik yan lahat sayo hanggat hindi ka nagtitino,.”
“ma!pagsabihan mo naman si dad!hindi pwede yung ginawa niya!nakakainis naman e!!ni hindi niya manlang ako pinakinggan!pero kapag si erin, pinagbibigyan niya.tss!” e totoo naman e. nakakainis. Puro na lang sila erin.
Tumayo ako at lumabas ng bahay.
Seth Rouisse Drominez-Young, Fck this name!ang hirap maging young! Maglalayas na lang ako! Walang kwentang buhay!
Yesha’s POV
“Waaaaa! Ayesha!>_< nandito ka na sa maynila. Sa wakas!makakapag-aral ka na rin! “ yehey! Makakamit ko na ang pangarap ko!(*O*) manila baby! Nandito na ako!
Pagkapasok ko palang ng kwarto ko, ang ganda na. kaso ang mahal ng bayad!>_< 3000 per month. Kailangan ko ng kahati dito para naman makatipid-tipid din ako!TT^TT kasi kung magtatrabaho ako, kulang pa rin yun para sa isang buwan.
Inayos ko na ang mga gamit ko. Nilabas ko yung 3310 ko na cellphone, e ano naman ngayon!proud ako!sa probinsiya namin, iilan lang ang nakakabili ng ganito!(^__^)
Tinext ko sila mama..
To: mama
Ma, nandito na po ako sa maynila. Wag na po kayo mag-alala sa akin., promise, mag-aaral ako ng mabuti. Hindi ko po sasayangin ang scholarship ko. I love you po.
Message Sent..
Ano ba yan!naiiyak na naman ako!pagkatapos nun, kaya nagpasya ako na matulog na lang ako.sakto mamayang gabi ang gising ko at pagkabukas maghahanap na ako ng trabaho.pantustos sa pag-aaral ko.
Ayesha Cruz! Kaya mo yan! AJA!
Seth’s POV
“hoy!kiel, may alam ka bang paupahan dito?!” tanong ko kay kiel,na nakatingala lang sakin. Siraulo talaga.
“ako, may alam! Yung tita ko, 3000 per month yun na nga yata ang pinakamurang mauupahan dito sa buong maynila e..bakit ka naghahanap?!” Alfred
“naglayas ako sa bahay!grounded. pautangin niyo nga ako..”sabi ko sakanila, pero mga ulul talaga, wala daw silang pera, grounded din daw sila, sa ngayon, gusto ko munang hindi humingi ng pera sa mga youngs, gusto ko sarili kong pera naman ang gagastusin ko.-__-
“yung 3000 ba na yan maganda red?”
“oo naman!sandali, tatawagan ko nga si tita para makasigurado!” Alfred..
“pucha!pare-pareho lang pala tayo ng pinagdaraanan e..” natawa si Richard. Bwisit!walang nakakatuwa, nakakahiya, wala akong matutuluyan. Nahiya naman ako na kila zence ako makituloy, -__-.
Pagkatapos nilang mag-usap ng tita niya, pumayag na siya. At pwede ko na daw mapuntahan yung kwarto since may isa pa akong kaboardmate.. pucha talaga!
“hoi, Alfred. Wag mong sasabihin diyan sa tita mo kung anong tunay kong pangalan!baka magsumbong pa kay dad. Lagot na naman ako..”
“e siraulo ka kasi, bakit ba naman kasi naisipan mo pang maglayas!mabuti na ngang maraming pera kaysa naman walang pera.” Kiel
“siraulo nga kasi yang si yue.”
++
Pagkatapos nila akong ihatid sa harap ng uupahan ko. Sinalubong ako nung landlady namin. Tapos binigay sa akin yung susi. Hanapin ko lang daw ang room 7.
Pagdating ko sa room 7. Binuksan ko na,nakita kong maayos yung kwarto. Buti naman, humiga ako dun sa kama na nakaready na at natulog. Bakla pa yata ang kasama ko. Puro pink ang gamit e. bahala na nga.
Nilagay ko yung kamay ko sa ulo ko at saktong matutulog na ng marinig kong umandar yung tubig sa may banyo, naliligo siguro. Sige lang, mamaya na ako maliligo. Binuksan ko yung bagpack ko. At hinubad yung damit ko. Susunod na akong maligo sakanya. Nilock ko yung kwarto. Pagkatapos, ay humiga na muna ng nakatapis lang ng tuwalya. Pucha!antok na ako.
Tinignan ko yung cp ko.tumatawag si mommy..
“oh ma?”
(baby ko!umuwi ka na dito sa bahay..wag ng matigas ang ulo..) haayy!si mommy talaga, ang hirap tanggihan, pero yue kailangan mong ipakita sakanila ang tunay na ikaw, ginagawa ko to para patunayan kay dad na deserving din akong maging anak niya..(oppa!uwi ka na..) narinig ko yung boses ni erin sa kabilang linya.
“ma, uuwi din ako sa tamang panahon..” pagkatapos ibinaba ko na yung phone ko, sakto namang bumukas na yung pinto. Kaya naglakad na ako papunta sa banyo.
O_O
TAKTE!
“kyaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!RAPIST!!!KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!” sigaw nung babae..oh sht!napatingin ako sakanya nakatuwalya lang siya!!
Sh*t yue!ano ba itong pinasukan mo!
Tinakpan ko yung bibig niya gamit ang kamay ko..sh*t pati ako natataranta!anak ng bocha!anong gagawin ko!Fck!
No choice!
“Yuck girl!hindi tayo talo!!!pwede ba!ewww” sabi ko with matching baklang moves pa!fck this!ako bakla?what the heck. She leave me with no choice. Damn!kaya naman natahimik siya..tinignan niya pa ako tapos tumawa..
O_O
“haha..bakla ka?”
+++++++
Haha!OMG!Yue!ikaw na bakla!hahaha!