Chapter 6

58 2 3
                                    

Seth’s POV

Lutang ako ngayon! iniisip ko pa lang yung nangyari nung nakaraang linggo. Tsaka isa pa,ang sakit ng tiyan ko ngayon! kung ano-ano na kasing naiinom kong tubig dito sa tinitirhan ko!

“ bakit ba kasi hindi ka nagpakulo ng tubig?! Kumuha ka lang sa poso.” Tsk! Hindi ako sanay sa tubig poso!

“ oh e sa busy ako! Bakit binabayaran mo ba ako kapag magpapakulo ako ng tubig?! Diba hindi?! Sayang ang kuryente! Magiging mahal ang bayad natin!” anak ng! -___- pucha! Kahit bayaran ko pa ang buong buhay ng apartment na ito e!

“ shet naman girl! Hindi ako sanay sa mga ganito!” walang ref, walang oven, walang appliances, ni aircon manlang SH*T wala lahat. Ni pera wala! Ang hirap!

“ dapat masanay ka na! hindi ka naman anak mayaman para mag-inarte!” kanina ko pa napapansin, bakit ba ang sungit ni yesha ngayon?! pati ako nadadamay sakanya e. may red days yata!

“ bakit ba ang sungit mo?!”

“ FYI! Sino ba itong ilang araw ng nagsusungit sa akin! Araw-araw mo akong tinatalakan! Hoi yeollie! Sige nga, sinong hindi maiinis kapag nasigaw ka nalang palagi?! Aba! Kung makapag-utos ka pang bakla ka para mo akong alila!” nakataas na ang kilay niya, pawis na pawis pa. naglilinis kasi siya ngayon dito. “ oh ano senyorita, hihiga ka nalang diyan?!”

“ hindi ako marunong!” sabay takob ko nung unan ko. At tumalikod ako sakanya. Hindi ko pa man napipikit yung mata ko, naramdaman ko ng may tumama sa likod ko. “ aish ano ba!”

“ babangon ka diyan! O ihahampas ko ulit sayo tong tambo?!” sabay pakita niya nung walis tambo. Habang nanlalaki yung mata niya, sama mo na rin yung butas ng ilong.

Ginulo ko ang buhok ko, at padabog na tumayo! Shit! Para tuloy gusto ko ng umuwi sa bahay! Hindi ko kayang magtiis sa isang taong katulad ni yesha, talak ng talak. Reklamadora! Pakialamera! Sh*t Sh*t Sh*t!

Idagdag mo pa yung problema ko kay karlette!

Yesha’s POV

Kaimbyerna talaga itong baklang ito! Saksakan ng kasungitan! Kaya naging lalaki e! simula nung makita ko sila sa mall, dun na siya nag-iba. Palaging praning! Iniwanan siguro ng boyfriend!

“ isa!uulitin ko. Babangon ka at tutulong na maglinis dito, o hindi?!” lahat ng kaldero dito, itatapon ko talaga sakanya kapag eto hindi bumangon!

“ ang ingay mo!”naiiritang sabi niya sabay hablot nung tambo. Sabay tanggal niya rin ng damit niya, pero emeghed! >_< nakasando pa rin siya. “ saan ba magsisimula?!” tanong niya..

Ha? h-ha?

“sakin..”(*O*) wala sa wisyo kong sabi..

“ sorry. Hindi tayo talo..” tapos ngumiti siya, at pinitik ang noo ko.

“ARAY!hoi. Hoi! Hindi yun ang ibig kong sabihin, I mean! I mean, sakin ka makikinig ng dapat mong gawin kasi hindi ka marunong! Diba?! Diba?! Shet!! Yeolllie! Ang pangit ng titig mo! Eww! Hindi tayo talo! Asa ka naman!”

“ maglinis ka na lang! para matapos tayo dito. At ng makapagpahinga na ako..” tamad talaga!

“ hindi ka magpapahinga hanggat hindi malinis yung cr natin, hanggat hindi nahuhugasan  yung mga plato, kaldero, at hanggang hindi naayos yung lababo! Ayusin mo yun! Kesa naman sa magpapaayos tayo sa iba. Magbabayad pa tayo! MONEY IS GOLD!”

Kumunot na naman ang noo niya.. “ puro ka nalang pera!” sigaw niya pa.sabay kuha ng cellphone niya, ibinagsak niya yung walis at nagdial.

“ hoy! Ano na naman ang plano mo?!!!”

“ tahimik! Tatawagan ko ang tita ko!” (-____-)

“ bakit?!”

“ manghihingi ng pera!” sabi niya pa..

“oh bakit, nahuthutan ka na ng mga lalaki mo?!kaya zero balance ka ngayon?! ganun?!mahiya ka nga!sa mundong to, kailangan mong paghirapan na makuha ang ni isang sentimo ng pera.”hinila ko siya at kinuha ko yung cellphone niya! Ewan lang ha, pero ang lakas niya. Siya palang yung bading na kilala ko na hindi  MALAMBOT ang katawan kung umasta! Swear!

“ ano ba! Anong gagawin mo?! Rape?!” binatukan ko nga *plook*

“ rape-in mo mukha mo! May pupuntahan tayo! May alam akong mapagkukunan ng pera! Pwede ka dun!”

(--,) omo! Si yeollie na ang sagot sa kahirapan ko.

~~**

“TADAA!” sabay pakita ko sakanya nung advertisement paper.. “ eto ang sinasabi kong mapagkukunan natin ng pera. “

Nanlaki naman ang mata niya at biglang namutla.

“ AYOKO! AYOKO!AYOKO!” tanggi niya pa.

“ anong ayaw mo?! Tatanggi ka pa ba dito. 2,000 pesos sa isang 3 hours job ha?! simple lang naman ang gagawin mo e. tutugtog ka lang dun oh!” sabay turo ko sa may gitara sa gitna ng stage. “ nakita kitang tumutugtog nung isang araw,at narinig ko rin ang ganda ng boses mo! Kaya alam ko may future ka! kaso kailangan mong magpakalalaki! Tiyak kikita ang bar!”

“ hindi nga!ayoko nga!” pagtanggi niya pa. “ basta ayoko!”

“ yeollie please?! Promise, kapag pumayag ka kahit 3 beses lang. ako na ang maglilinis sa apartment, hindi na kita susungitan. Pero hati tayo sa kita mo, total ako naman ang nagrecruit sayo! Oha!oha!”  sabay sundot ko sa tagiliran niya.

“ basta hindi pwede!!!!”

“ ganyan ka naman e! bakla ka talaga! Wala kang kwenta!” sabay dabog dabog ko. Nakita ko namang kumunot na naman ulit ang noo niya.OK! QOUTA NA AKO! “ pero joke lang! pero diba? Atleast may ipangagastos ka na naman sa mga lalaki mo!”

“ bakit ba ang kulit mo?!”

“ e kasi kailangan natin ng pera!”

“ ayaw nga!”

“namumulubi na tayo yeollie! Utang na loob!”

“ ayoko!”

“bakla!”

“diba si yue yun?!” narinig kong sabi nung babae, oh?! Kilala niya si juding..?

“OMG! Si Yue nga!” dagdag pa nung isa.

“Kyaaah! Gwapong Seth!” another girl.

“ kilala ka nila?!” tanong ko kay yue. Walang sabi-sabi. Hinawakan niya yung kamay ko. At inintertwine sa kamay niya. Sabay pakita sa mga babae.

O//////////O

“let’s go?” sabi niya sa akin, then ngumiti na naman. At para na akong hihimatayin nung masilayan ko yung ngiting yun. Isinuot niya yung helmet niya sa akin habang nakangiti pa rin.

Ako naman, nanatiling nakatitig lang sakanya. Nakanganga. Parang nagslowmo yung mundo ko. OMG! Ang gwapo ni- ni—

Ni juding!

Parang kanina lang nung sumakay kami sa motorbike niya, galit na galit siya. Kulang nalang itapon niya sa akin ang helmet. Pero ngayon. para siyang knight in shining nakakasilaw na armor. With matching nakakamatay na smile pa. nilapit niya pa lalo ang mukha niya sa akin.

OMO!

Dug.

Dug.

Dug.

“ gaga! Feel na feel te?” bulong niya sa akin.

-_____-

LECHE!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NAMELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon