Chapter 3

45 3 2
                                    

Yesha’s POV

“dalawang pritong itlog lang ang ulam natin?!!” aga-aga sumisigaw sa harapan ng pagkain itong si juding!>_< buti nga ipinagluto ko pa siya, aba! Sayang yung 6 pesos ko na pambili ng isang itlog sa may tindahan!

“ang dami mo namang reklamo, kumain ka nalang!” sabay subo ko ng kanin, nagkamay pa ako. E ano kayo, masarap magkamay. Nakita kong medyo nadismaya siya. Aww. Cute!(*O*) tapos nilabas niya yung cellphone niya.

Wow! Ang ganda ng cellphone niya, hinahawakan niya na lang, walang keypad. Ano nga ulit ang tawag dun? Ah basta yun na yun!

“magkano ang ganyan na phone?nahuthot mo yan sa mga binoboyfriend mo noh?”pang-aasar ko. Muahaha!hindi naman naasar ang mga juding!

“hindi ko alam kung sadyang gaga ka lang talaga!excuse me, hindi ako humuhuthot ng kahit na anuman sa mga lalaki noh!sa gwap- I mean sa ganda kong to!che!” Yeollie, abat nagdahilan pa si juding.sabagay sila pala ang hinuhuthutan.

“Yeollie Santos ba talaga pangalan mo?!para kasing pambabae!e imposible namang pagpanganak sayo pinangalanan kang ganyan kahit na alam nilang lalaki ka!”

“ipinaglihi ka sa palaka ano?o di kaya sa manok?” Yeollie. Etong lalaking to!T^T I mean etong juding na to!ang sama makapagsabi. Hindi naman ganyan ang mga bakla sa probinsiya namin a.

“hindi a!”

“putak ka kasi ng putak girl. Nasestress ang beauty ko sayo.okay?okay?” tapos sinubo na ni yeollie yung itlog!etong si yeollie.

“dahil medyo mahaba ang yeollie na pangalan, I shoshortcut ko nalang!gagawin kong Yu—Yu hmm. Yue!tama yue! Para naman bumagay sa panlabas na anyo mo..” sabi ko, muntikan pa siyang mabulunan buti nabigyan ko kaagad ng tubig.

“alis na ako girl!bye!” tumayo na siya at saktong lalabas na ng tinawag ko siya..

“oi, yue!*O* bayaran mo yung utang mo ha? 6 pesos!isusulat ko na sa listahan mo!” tumango lang siya tapos umalis. Hayy! Kung naging lalaki lang talaga siya!naku!malamang kumang!baka mainlove ako sakanya, pero hindi e. hindi kami talo. Maganda kasi kami.

Seth’s POV

Pagkatapos kong magbihis kila Chard,doon ko kasi iniiwan ang uniform ko at pinapalaba. Tsaka dun na ako nagbibihis para hindi ako mabuko ni yesha. Pumunta na ako sa classroom. Nakasalubong ko pa nga si karlette kasama yung boyfriend niya. Napayuko talaga ako.

Nakakaduwag!(_._) *sigh*

Kami na lang din kasi nilla crux ang naiwan dito sa QWERTYUIOP, nasa ibang bansa na kasi sila ate Nathalie, ate panny, ate alie at kuya haiven. Doon na sila pinag-aral nila tita.

~Classroom~

“Mr. Young, you’re not listening again..” sabi ng teacher, kanina pa kasi ako ngumunguya ng bubble gum habang nakataas yung paa ko sa upuan sa harapan ko. Habang may headset. Ayoko talaga sa teacher namin na yan e.

“im listening maam!”sagot ko, kaya para maasar dinagdagan ko pa..”hindi nga lang sayo, kundi dito..” sabay taas ko ng MP3 player ko.

“Mr. Young, detention!..” tumayo naman ako..

“thanks maam.” Tapos naglakad na ako papuntang detention room. At kung minamalas nga naman ako, yung kasama ko pa sa detention room, e yung boyfriend ni karlette. Anak ng putspa!

Tahimik ko siyang pinagmamasdan, hanggang sa tinanong niya ako.

“narinig ko may gusto ka daw sa girlfriend ko?” sabi niya sa akin, pero hindi ko pinansin..” hindi ko hahayaan mawala siya sa akin ng dahil sayo..”

Wow dude!hindi pa nga ako gumagalaw kung makapagbanta naman akala mo papatayin ako. Mauuna muna siya bago ako!-__-

“bakit di ka sumagot? Dagdag niya pa.

“kapag sumagot ba ako, tatahimik ka na?” kinuha ko yung papel at kinumot-kumot pagkatapos nishoot ko sa trash can malapit sakanya..” don’t worry hindi ko aagawin ang girlfriend mo..” baka kasi siya pa ang lumapit sa akin sa susunod.

“mabuti na ang nagkakaliwanagan yue..” naiyukom ko ang kamay ko. Pagkatapos ay nilabas ko yung aklat na binabasa ko. Sabi kasi nila namana ko daw yan sa mommy ko, may sarili kasi siyang library sa bahay, binabasa ko lang lahat nun. Magaganda naman. Tsaka kapag wala lang naman akong ginagawa. Mabait din naman akong bata!

Maya-maya pa bumukas ang pinto, akala ko pwede na kaming lumabas pero si karlette pala ang pumasok. Sabay lapit kay Tristan.

“ hon..bakit ka nandito?” tanong sakanya ni Tristan, tapos niyakap lang siya ni karlette tapos pinunasan niya yung pawis niya..

“kapag nasa detention ka, nasa detention din dapat ako. Kaya ka lang naman nandito ng dahil sa akin diba?wag mo ng uulitin yun. Masyado na akong nag-aalala sayo hon..” karlette

TAENA! Dito pa sa harapan ko sila naglambingan, ako rin naman a!kahit ilang detention pa ang abutin ko para kay karlette gagawin ko. Kung may libreng karlette lang din naman bakit hindi!

Tinawagan ko nalang si mommy para mabalin ang atensyon ko.(_._) taena talaga. Pagtawag ko hindi sila sumasagot, pero nung pangalawa na sinagot niya na. at s erin pa ang nakasagot.

(hello!this is erin speaking!*O* who is this mommy is soooo busy pa, she’s baking a very very hard cookies pa po.) tuloy tuloy na sabi ni erin, natawa naman ako. Pffft!si mommy? Palagi namang palpak yun kung magbake, buti napagtitiisan lang namin nila dad.

“si oppa mo to..”

(OPPA!*O* I  miss you, please come home na!i have something to tell to you!dadad is searching for you!) erin

“uuwi din ako baby..” tapos nakita kong napatingin sila sa akin..” tatawag na lang ako maya-maya ha?”

(ok oppa! I love you!)\(*o*)/

“I love you too baby..” tapos ibinaba ko na yung phone..at lumabas na sa detention room, hindi ko na kaya ang nakita ko e. masakit na! hindi naman ako manhid. Paglabas ko ng school, nakita ko sa daanan si tita bree. Kaya naman huminto ako, ang dami niya kasing dala-dala..

“tita..” sabi ko..

“ui. Yue!kamusta na?”

“tulungan ko na po kayo!”

“naku wag na!kasama ko naman yung anak ko e, siya na ang tutulong sa akin. Ang gwapo mo ng bata ka..” ai oo nga pala, May anak na pala si Tita bree, si Justin.

“ui yue!anong ginagawa mo dito?”sabi ni justin na marami ring dala-dala..

“namili kasi kami para sa welcome home party ni Jillian, ngayon kasi ang uwi niya. E gusto ko namang maghanda sa panganay ko..kaya ayun!” oo nga rin pala, dalawa ang anak ni tita bree. Si jillian at justin, mas bata lang si justin sakanya ng 2 taon. Parang kapatid ko na rin yun..

“JUDIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!!!!!!!!!” may narinig akong sumisigaw palapit sa akin, at nakita kong patakbo na ito sa amin nila tita bree. Halos lumuwa pa nga ang mata ko ng makita ko si yesha!

Anak ng! wag siyang magkakamaling tawagin akong juding sa harap nila tita kundi makakalimutan niyang babae siya. Papatulan ko talaga siya.

“JUDIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!”

“JUDIIIIIIIIIING!”

Sh*t!anong gagawin ko?!

++++++++++

Author’s Note:

First of all, Super Slow Update ang NL! Kasi busy din ako.=) Vote and comment if the story deserves it!<3

NAMELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon