Seth’s POV
“Anak ng pating pare!babae yung kasama ko sa kwarto!hindi ako makakatagal dun!” reklamo ko kila kiel, sila naman tinatawanan lang ako. Kakatapos lang namin mag drag racing.-__- ako na pasaway, mana mana lang yan.
Binigyan ako ni red ng softdrinks in can, pagkatapos ay binuksan ko ito. “ pfft!e chix naman pala e, ano pa ang nirereklamo mo?” yang si red, chickboy. Manyak. Anak yan ni tita Lyram at ni Tito Anfernee, mga kasama ni dad sa banda dati.
“lul!malamang baka marape yun ni yue, simpleng manyak yan e..” si Xen, tahimik lang yan, bipolar, pero maasahan.
“mga siraulo!wag niyo akong dinadamay sa mga katarantaduhan niyo, yung kapatid ko ngang maliit hindi ko matabihan sa pagtulog, makasama pa kaya yung babaeng yun?” ininom ko yung coke pagkatapos tinignan ang mga piyesa ng lumang motorbike ko na nakatambay sa bahay nila zence, mapakikinabangan ko pa naman..Si Zence, anak ni tita zela, at tito terrence.
“e ano ba kasing pinuputok ng budhi mo diyan yue?bakla ka ba?!wow dude!” kiel.muntikan ko ng maibuga kay kiel yung iniinom kong coke. Pucha! Hindi ko lubos maisip kapag naging bakla ako.
“pasalamat ka nga, pinagtitiisan ka nung kasama mo e. maganda ba?sexy?maputi?” dagdag pa ni red. Kumag talaga!
“lul!umaapaw na naman ang pagiging manyak mo red!” napahawak ako sa ulo ko..” anak ng bocha naman kasi e. akala niya bakla ako!”
Sandali silang natigilan pagkatapos ay tumawa na ng malakas, pagkatapos nila akong tinawanan kinwento ko sakanila ang lahat ng nangyari at gaya nga ng inaasahan ang lakas pa rin ng tawa nila.+_+ anak ng!
“magsitigil nga kayo!”
“pucha!yue!hahahaha!hindi ko inaakalang gagawin mo yun!”kiel
“haha!pucha!sabagay, kung hindi mo ginawa yun. Malamang napublish na sa buong mundo na rapist ka!wahahaha!saklap ng nangyayari sayo dude!tiyak kapag nalaman din ni tito erol na kunwari pinasok mo yung kwarto nung babae, pucha!baka mapatay ka nun!hahaha!” Si Richard, siraulong Richard! Yan, mapang-asar yan.pikon na pikon ako sa unggoy na yan e!
-____-
“ ang buong akala niya beki ako!Fck this! Ako? Beki?! WHAT THE HECK! She even called me sister! Nasusuka tuloy ako!” reklamo ko ulit.
“pfft!sister yue?!wahahahaahah!” humagalpak na naman sa kakatawa si Richard, konti na lang tatamaan na sakin itong si chard e!
“edi anong plano mo ngayon?” seryosong saad ni xen, napaisip naman ako.
Una, kapag umalis ako sa paupahan na yun wala akong matutuluyan, knowing na wala akong pera ngayon, at ayaw magpahiram ng mga kumag kasi pinagsabihan ni dad na kapag may nagpahiram daw sakanila lagot sila. Mga Uto-uto talaga.
Pangalawa, kailangan kong pakisamahan yung babae na yun, dahil baka kapag hindi ko pakisamahan, tama nga si Richard. Matutunton ako ni dad, at ipapatapon ako nun sa ibang bansa.
Pangatlo, gusto ko ngang patunayan ang sarili ko kay dad, gusto ko na ako ang magpapaaral sa sarili ko, at gusto ko na munang lahat ng gagastusin ko paghihirapan ko. Gusto kong makilala bilang Yue, hindi bilang anak ng isang sikat na YOUNG.
Pang-apat, kapag tumuloy ako dun, may instant katulong naman ako. Mapagtitiisan naman yung putak na putak na babaeng yun.
Panglima, mura yung paupahan, may kahati pa ako sa renta. At isa pa, may tiwala ako sa sarili ko. Dahil hindi ako mahuhulog sa alindog ng isang alien at probinsiyana.
Pang-anim, baka kapag sinabi niyang rapist ako, kumalat pa sa media. Patay ako kay lolo at dad.-__- gusto ko pa mabuhay.
Pang pito, I want to be a nameless person, hanggat hindi ko nakikita ang sarili ko.