Chapter 2 - I thought it was you

14 0 0
                                    

Hello hello hello!! Chap 2 na po ng Time Lapse. Mas maganda siguro kung lagyan ko ng intro sa una no? Well, ttry ko haha. Enjoy

Si.....Marie.... siya yung nakita niya. Classmate nila.

"Zach, naiwan mo yung I.D mo sa canteen kanina. Pasensya na. Di ko agad nabalik kanina. Nakalimutan ko." Sabay ngiti at medyo nahihiya-hiya

"Ah sge, salamat ah." Pagpapasalamat nya. 

Pano nakuha nun number ko? Tinignan ni Zach ang likod ng ID nya. Oo nga pala. Andun lahat. Address + Contact number. Kaya pala hanap sya ng hanap ng ID nya sa bag nung pag-uwi nya.

*Kinabukasan*

"AHHH! Aga pa ata..." Paghihikab ni Zach, at sinilip nya ang bintana nya. Medyo blue palang ang langit so around 5 palang yun. Kaya umiglip sya saglit.

Nagising naman sya ng maayos. 5:30 na sya bumangon at kumain muna. Pag tapos nya kumain, naligo at nagbihis na sya. Saktong 6. Nanghingi na sya ng baon nya. 

"Ma! Baon ko." Lapit nya sa nanay nya

"Eto 175. Coding ngayon ng sasakyan. Mag commute ka na lang muna."

"Sige sige. Alis na ko."

Sasakay ba ako? O mag lalakad? 6:08 palang naman. Sayang kasi pera pag sumakay pa ko. Pwede ko naman lakarin eh. Kaso nakakapagod lang. Sana may kasabay ako, tsk!  Habang nag lalakad si Zach, may napansin syang babae, nag lalakad din. Medyo chubby, maputi at mga kasing katawan ni Esme. Sya ba yun?? Tanong neto sa sarili nya. Kung siniswerte ka nga naman oh. Sabay ngiti sya at naglakad ng mabilis at lumapit sya dun. Sya nga. Si Esme. Yung babaeng kinababaliwan netong si Zach.

"Uy. Bat naglalakad ka lang mag-isa? Wala yung boyfriend mo?" Tanong ni Zach sa kanya

"Wala sya eh. Di makakapasok. Puyat daw sya. Psh" 

"Ah, kaya pala. Sabayan na lang muna kita." Sabay ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din sya sakin.

*Nasa tapat na kami ng gate*

Nasa unahan ni Zach si Esme habang papasok sila sa gate. Biglang hinarang ng Guard si Esme

"Miss yung ID nyo ho?" Tanong ng guard sa kanya

"Ay wait...." Sabay hinanap nya sa bag nya yung ID nya. "Ay kuya, naiwan ko sa bahay kanina" Sabi naman ni Esme

"Ay miss, pasensya na eh pero rules are rules. Kailangan natin tong sundin." Sabi ng guard

"Esme, pano na yan? Bat mo kasi naiwan? 6:45 na oh." Sabi ni Zach sa kanya

"Kelangan ko makapasok ano ba yan!!" Tapos ngumuso si Esme

Umalis ng pila si Zach at hinila si Esme palayo...

"San tayo pupunta?" Gulat na tanong ni Esme

"Sa bahay nyo. Dalian na natin.  Male-late na tayo." Tapos tumakbo silang dalawa.

Kailangan ko makaisip ng paraan para bumilis yung takbo namin. Nagiisip ng paraan si Zach, habang tumatakbo sila ni Esme... Aha!!!! Biglang inawat ni Zach si Esme sa pag takbo. Pumunta sa isang gate ng bahay si Zach.

"Anong gagawin mo??" Nag tatakang tanong ni Esme

"Basta. Pag sinabi kong takbo, takbo ah" Tas natawa bigla si Zach

"No way!!!"

*DING DONG!!!* Nag doorbell si Zach, sabay tumakbo sya at hinila ang kamay ni Esme

Time LapseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon