Chapter 4 - Baby Blue Eyes

6 0 0
                                    

Eto na po yung continuation huhu. Alam kong nakakabitin ehhh.

'Ang ganda mo talaga... Ewan ko ba kung bakit nagawa nya to sayo... Gusto kitang yakapin sa mga nangyayari... Those eyes, those lips... Gusto kitang yakapin... Bakit ganto nararamdaman ko? Hay' Nasa isip ni Zach habang tinititigan si Esme...

8am palang, halos kakagising lang ni Zach. Tumayo na sya at pumunta ng cr. Nag ayos at lumabas muna ng kwarto.

"Bat bukas yung pinto?" Sabi nya sa sarili habang papunta sa kabilang kwarto..

'Umuwi na pala ang mga ungas' Sabi ni Zach sa sarili.

"Ma, gawan mo nga kami ng breakfast. May isa pala kong kasama dito"

"Sge. Anak. Ay, umalis na pala sila Aaron kani-kanina lang"

"Oo nga po. Kami na lang mag aayos ng kwarto dito"

Nag nod nalang si mama nya at pumunta na ng kusina. Pumasok na si Zach sa kwarto at nanuod ng TV. Syempre, di sya sa may kama umupo kasi andun si Esme kaya sa floor na lang sya umupo at sumandal sa gilid ng kama.

"San ba may matinong palabas amp!" Bulong sa sarili.

Pag lipat nya sa star movies...THE RING yung palabas.

'Ayos to ah. Hahaha. Parang nung dati lang. Kasama nya ko, kasama ko sya. At nanunuod kaming dalawa. Hahaha.'

"Esme esme, tignan mo yung palabas. Esme" Habang ginigising nya si Esme.

"Oh... wait.... Ano yun?"

"Tignan mo yung palabas. Haha"

"The Ring yan diba? Hahaha. Oo nga no. Haha. Wait CR lang ako."

Nag nod na lang si Zach at nagpatuloy sa panunuod.

Nanuod lang sila and after 15 mins, kumain na sila.

"Ang sakit ng ulo." Tas nakahawak sya sa ulo nya

"Renesmee naman kase, nag lasing ka kagabi. Hahaha."

"Oo nga eh. Sorry pala, ang drama ko kagabi."

"Okay lang yun! Haha. Wala yun."

"Ano nga pala yung sinabi mo kagabi?"

"Ah yung mas deserving na tao para sayo?"

"Ah oo nga pala. Hayaan mo na. Hay. Masakit lang talaga eh" Nalungkot si Esme

"Okay lang yan. Di pa sya yung tao na para sayo. Malay mo! nandyan lang sya sa tabi tabi!" Proud na sinabi ni Zach at nakangiti sya.

'At ako yun' Naiisip ni Zach habang natatawa tawa sya kay Esme

"Oo nga. Tama ka. Oh uwi na ko pag tapos neto."

"Sge sge. Ingat ka pala"

Natapos na silang kumain at umalis na si Esme. Syempre tong si Zach, di mapigilan ang pag ngiti. Alam nyo yun! HEAVEN EH! Maski-sino tayo, makatabi sa pag tulog ang mahal natin sa buhay, tuwang tuwa diba?

"Amp. Ang hirap neto. Ang lupet netong Sungha Jung na to!" Bulong ni Zach sa sarili habang pinapanuod yung My Heart Will Go On ni Sungha Jung. Kinakapa nya yung Notes pero mahirap talaga.

'Ano kayang pwedeng gawin na iba bukod sa mag gitara?' Nag iisip si Zach ng pwedeng gawin.

'Alam ko na, lalabas na lang ako. Dun sa may park.' Tumakbo na palabas si Zach ng kwarto at kumuha ng towel at naligo na. Pag tapos maligo, lumabas na sya ng bahay.

'Daming tao dito ah. Tawagan ko sila Aaron para tumambay. Sabado na sabado, ang boring!' Nasa isip ni Zach. Dinial ni Zach yung number ni Aaron...WALANG SUMASAGOT... 'Baka Busy yun. Teka eto na lang' Dinial nya yung number ni Selle, ni Red, ni Marvin. WALA PA DIN. Wala syang kasama sa park kaya nag iisa sya.

Time LapseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon