Pumasok na ulit si Zach. Tinatamad sya ngayon kaso kelangan nya pumasok
'Nag lalakad nanaman mag isa. Hay.' Bulong nya sa sarili nya. Bumili sya ng soft drinks sa tindahan na nadaanan nya habang nag lalakad papunta ng school.
'Si Esme pati si Allen' Nasa isip ni Zach habang papasok sa gate na nakatingin kila Esme at Allen na nag uusap.
Syempre, wala naman karapatan mag react si Zach. Pero deep inside nasasaktan si Zach, kasi nag assume sya eh.
Kaya hindi na masyado inisip ni Zach si Esme at nag focus muna si Zach kung san san.
*1 year later*
"Yes! 2nd year na ako! Parang kelan lang ah tsk tsk" Sabi ni Aaron, naging tropa ni Zach nung 1st year.
"Oo nga pare haha, pano? Shot mamaya? Sakto friday oh" Sabi ni Zach.
"First week na first week na klase, hahaha. Lupet mo pre" Sabi ni Aaron. "Yayain ko lang din sila Mike"
Tropa ni Zach yan. Si Mike, Aaron, Red, Marvin at Giselle.
"Sige sige" Sagot ni Zach.
Tumayo si Zach para lumabas at tumambay sa corridor.
"Zach!" Bati ni Giselle
"Oh? Musta ka na?"
"Ayos lang. Sorry pala dati ah. Tropa pa din naman tayo diba?
"Oo naman. Okay na ko Baliw haha" Sabi ni Zach habang tumatawa
Naging sila kasi nung 1st year. Niligawan ni Zach si Selle dahil nga maganda rin to at wala syang pag asa kay Esme dahil si Esme at Allen. Pero sineryoso ni Zach si Selle. Niloko ni Selle si Zach, ginawa lang syang panakip butas. Nasaktan din si Zach kasi nga sineryoso pero wala eh...
"Ge selle, una na ko. Taba mo na hahaha. Baboy" Pang aasar ni Zach.
"Kapal mo payatot, lampa!" Sabay tinawanan ako. Tumawa na lang din ako at pumasok na sa classroom
---
Ang boring ng TLE nila ngayon. Kaya inip na inip tong si Zach.
'Kamusta na kaya yun? Haha. Isang memory lang meron kami nun haha. Nag cutting kami sa bahay nila' Naiisip ni Zach.
'Dapat hindi ko isipin yun. Di pwede eh. Ayoko naman maging kontra sa kanila amp' Tinutukoy nya sila Esme at Allen.
"Class! Answer pages 9-11" Sabi ni Queenie, teacher nila sa TLE.
"Pare, nakakatamad, sagutan mo naman to. Lilibre kita mamaya. Mag dodota tayo!" Sabi ni Zach kay Aaron.
Di na mag classmate si Esme, Allen at Zach. Mag kahiwalay silang tatlo ng section. Section 1 si Esme, Si Allen, 3, Si Zach naman ay 4.
"Osge pre. Ang tamad mo talaga. Kaya wala kang pag asa dun kay Esme eh, puro ligaw tingin ka eh. Hahaha"
"Wag ka ng maingay dyan. Haha. Sapakin kita eh. Eh nakakatorpe kaya hahaha"
'Pano pag biglang, naging kami kaya nun? Ayos na ayos hehe. Ang saya nun!' Napapangiti si Zach sa naiisip nya.
June 7 ngayon, Birthday ni Zach. Di nya pa alam mga iinvite nya. Mag 17 na si Zach dahil may Grade 8 dun sa school nila dati sa Mandaluyong.
----
"Happy Birthday Anak!!!" Bati ng mama nya.
"Salamat ma. Sge pahinga lang ako" Sabi ni Zach. "Pupunta pala mga classmate ko dito mamaya, ma. Mag iinom lang kami" Tas tumawa si Zach
![](https://img.wattpad.com/cover/5613145-288-k188170.jpg)
BINABASA MO ANG
Time Lapse
Novela JuvenilSana magustuhan nyo yung story na to. First story ko to. Hahaha. Di ako nag ffeeling na pro o whatever. Gusto ko lang mabasa oh makita nyo ang naiisip ko. Para kasing nag ffilm sa utak ko eh. So I decided to share it with you guys and I don't know H...