Oh my, Waiter!

127 6 1
                                    

“This is going to sound crazy, but... from the moment I first set eyes on you I haven't been able to stop thinking about you.” 

Naniniwala ba kayo sa "love at first sight"?

Yung tipong, "WOAH. I THINK I'M IN LOVE.".

Yung iba hindi naniniwala dito, ang dahilan nila?

Bakit si God? Hindi mo pa naman nakikita pero mahal mo na siya diba?

Yung iba naniniwala, kasi naranasan na nila.

Yung iba naman, wala lang, n/a. No answer kasi di pa nila nararanasan. O kaya wala silang pake.

Tapos meron ding iba na, umaasa na one day, mararanasan nila ito. Naniniwala sila dito at umaasang mangyayari at mararamdaman nila ang "Pag-tigil ng mundo".

At yung iba, sobrang against dito. Ewan ko kung may pinaghuhugutan yung mga taong yun. Lagi kasi nilang sinasabi na "Love at first sight? Psh. Kalandian. Wag kang maniwala diyan! Kalandian at first sight kamo! Kasi hindi naman talaga love, attraction lang! Kasi nagandahan o kaya nagwapuhan lang sayo!" Mga bitter. HA-HA

Pero sabi ng kanta ng Tavares, "It only takes a minute girl, to fall in love.".

Hay, ang gulo nga naman. Kahit ako, di ko alam kung totoo yun o hindi eh. 

Pero.. Maniniwala na ata ako. 

Mukhang naranasan ko na ang "WOAH, I THINK I'M IN LOVE!" na feeling.

Kaso nga lang, ako lang ata nakadama non.

Ako lang ang nakakakita sakanya sa ganong way.

Tinamaan na ako! At pinapahiwatig ko sakanya! Kaso sobrang manhid niya ata! 

Sa sobrang manhid niya, minsan gusto ko na siyang sigawan eh,

"HOY WAITER! PAHINGI NAMAN NG PAG-IBIG MO!"

---------------------------------------------------------------

(c) Shamanashamana

Do not steal. Wag gayahin. God is watching you. God bless. <3

P.S , Di pa ako sigurado sa title neto. HO HO. Suggestions?

Oh my, Waiter! (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon