Chapter 6: Dalawang Mukha.

38 2 0
                                    

Haaaaay! Sarap buhay.

Naglalakad ako ngayon papuntang mall. 

AY WAIT! Alam niyo ba? After nung incident sa library, hindi niya na ako pinansin. :( Pero nakakatawa! Kasi nahuhuli ko siyang tumitingin sakin. (Medyo kinikilig) Pero once na mapatingin ako sakanya, bigla niya akong iniirapan. Bading eh! Bading na pogi! Na crush ko! HIHIHIHI

Anyway, andito nga ako sa mall ngayon. Gutom ako eh. And guess kung san ako kakain?

Gerby's. HIHIHIHIHI. Medyo malandi.

Pagkadating ko doon, agad akong pumasok at kumuha ng table. Buti na lang medyo maaga pa. Wala pa masyadong kumakain! Ayos to!

Syempre, hinanap ko kaagad si Riley ko. KO TALAGA? Hihihihi. Nakita ko siyang nakangiti at masayang nagseserve ng tubig dun sa customer na babae.

At yung mukha nung babae? KADIRI! Konti na lang mapupunit na mukha sa lawak ng ngiti eh! Nakakainis! Ang sarap sipain yung mukha niya!

Ehem, ehem. Sorry po. Magiging mabait na ako. Behave ako. Andito si Riley. Baka kung anong L nanaman sabihin niyan eh.

Lumapit na sakin yung isang waiter. Aba! POGI DIN TO AH! :> Pero syempre, mas pogi si Riley. Kaya, no thanks.

"Welcome to Gerby's ma'am." Ngumiti siya tapos binigay sakin yung menu. Ngumiti din ako pabalik. Automatic na yun okay! Pag malandi ka, ganon talaga!

Syempre, in-order ko, the usual. Tapos ayun, nag-smile ulit siya at umalis pagkatapos kong sabihin. Medyo nagtaka pa nga yung mukha niya nung sabihin ko eh. Madami kasi akong in-order. Syempre, para mas mapatagal ang pagsa-sight seeing ko kay Riley.

Pinapanood ko lang ngayon si Riley na masayang nakangiti sa lahat ng customers na pinags-serve-an niya. Ang pogi pogi talaga ng isang to. Hindi ako nagkamali na magkagusto sakanya. Hihihi

AY! TAMA! Picture! Picturan ko siya!

Inilabas ko yung phone ko sa bag ko at pasimpleng pinipicturan siya. Pag mapapalapit siya dito, agad kong tinatago at nagkukunwaring nagtetext. 

Hindi niya pa nga ako napapansin na nandito eh. :(

Pero mas okay na yun! Para mas manamnam ko ang pagtitig sakanya!

Lumabas na yung waiter na pogi na nakassign sakin. Naawa ako sakanya. Ang dami niyang bitbit na tray dahil sakin. Sorry pogi, pero, ganto talaga pag may alagang anaconda sa tyan at desperada sa gusto niya. HIhihi

Agad niyang inilapag yung pagkain sa table ko. Napatingin samin yung ibang customers, kasi pagkababa niya nung mga pagkain, napa-"WOOH" siya ng medyo malakas. Napagod siguro. At dahil napatingin sila...

nakita na ako ni Riley!!!!! Yipeeee!

Nang magkatamaan kami ng tingin, medyo nagsalubong yung kilay niya. Sabi na eh! Iritado pa rin sakin to eh! Palibhasa na pahiya lang siya non! Bleh!

Ngumiti lang ako sakanya ng pagkatamis tamis---- pero inirapan lang ako ng walangya.

Sinimulan ko na ang paglafangs. Mamaya ka na Riley ko, gutom na talaga ako. You can wait, but food can't. Hihihi

---------------

Patapos na akong kumain, tsaka ko lang ulit itinuon atensyon  ko kay Riley. OMG! Papunta siya dito! Agad akong nagayos ng buhok at tumingin sa mirror kung may dumi ako sa mukha o may tinga sa ngipin.

WALA! All clear! <3

Nang makalapit siya... di niya man lang ako tinignan. Nilagpasan niya lang pala ako.

Oh my, Waiter! (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon