Chapter 8.2: Ah kapatid lang pala---Kapatid?!

29 1 0
                                    

"I'm Jix. Jix Magdayo. I'm Riley's brother."

 WAIT. ANO DAW?!

 Tama naman narinig ko diba? Kapatid ni Riley-ko ang gwapong lalaking eto?

Well, pwedeng pwede naman kasi, pareho silang gwapo eh. Hihihihi! Ay--

"I'm older than Riley by 2 or 3 months ata." Natauhan na lang ako bigla nung binitawan niya na yung kamay ko at nagsalita.

Teka naguluhan ako. 2 or 3 months? Pano nangyari yun? Imposible naman ata?

"We're brothers by father. His mom and my mom are different." Aaaah, nabasa niya ata ang naguguluhang expression ng mga mukha namin nila Bea kaya nag-explain siya.

O? So half brother? Woah.

"Sooooooooo, upo na tayo?" Biglang singit ni Cass.

Oo nga noh! Hindi ko napansin kanina na lima yung chairs dito sa table. Tanga ko talaga! Kaya bagay kami ni Riley eh! Engot siya, ako tanga! Hihihihi

 Tahimik kami habang iniintay yung pagkain namin. Planado pala ata talaga ni Cass to. -__-

Siniko ako bigla ni Cass. Agad naman akong napatingin sakanya na nanlilisik ang mata. Ang sakit kaya! Hindi ko lang siya masabunutan kasi nakakahiya naman kay sir Jix!

Binigyan ko lang siya ng anong-problema-mong-bwisit-kang-hayop-kang-gaga-ka? na tingin. Hihihi

Lumapit siya sakin ng konti at bumulong, 

"Sino sakanila ni Riley ang mas gwapo para sayo? Hihihihi!" Medyo natawa naman ako sa tanong niya. 

"Gaga ka, pareho lang sila. Medyo, mas matangkad lang ng 2 inches tong si sir Jix. Hihihihi!" Sagot ko naman sakanya.

 "Oh, don't call me sir. Jix na lang."

 Napa-angat naman ako ng ulo mula sa pagbubulong at napatingin kay Jix.

"N-narinig mo ba binubulong ko?"

Nagtinginan naman sila maliban samin ni Cass.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Malakas na tawa ni Maxine at Bea. Mga walanghiya talaga to! Kung makatawa parang wala ng bukas! Pasukin sana kayo ng langaw sa bibig!!

  "Haha, kunwari na lang hindi." Naka-ngising sabi ni JIX. Magkapatid nga sila ni Riley! Parehong nakakainis---inlove pala. Hihihihi

"Ah, hehe." Yun lang ang nasabi ko at napakamot sa batok. Hindi pa naman ako pwedeng pumutak eh! Kebago bago ko pa lang nakilala to eh! Hello!

Nagtawanan lang sila Cass, habang ako nakayuko. Pasalamat sila hindi ko sila mabungangaan kasi nahihiya pa ako dito kay Jix! Nako! 

Napatingin naman ako kay Jix, at nakangiti lang din to habang nagtetext at pailing iling pa. Siguro katext niya yung gf niya? O kaya may nabasang nakakatawang gm-- uso pa ba yun? HEHEHE.

 Di nagtagal, dumating na rin yung pagkain namin. Sa wakas! Kanina pa nagaalburuto tyan ko!

 "So Jix, meron akong hindi pa gets. Ba't yung kapatid mo, sabi samin nung umpisa, special courses lang tinetake niya tapos once a month lang siya napunta. Eh ba't ganon? Kinabukasan, di na special?" Tanong ni Cass kay Jix habang nakain na.

Oo nga naman, kahit ako takang taka dun eh. May pa 'next month' next month pa daw siya babalik na nalalaman. Baka dahil sakin? Baka na lab at pers sight? Hihihi! Charot! Lakas mangarap.

Oh my, Waiter! (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon