Chapter 1

74 5 4
                                    

"Janine!"

Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko.

"Uy Bea. Ikaw pala." Niyakap ko siya ng mahigpit.

Classmate ko si Bea sa halos lahat ng subjects ko. College na nga pala kami. 4th year na. Best friend ko na rin siya. Since 2nd year kasi, magkaklase na din kami.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

"Nag-iikot lang. Ang boring sa bahay eh. Sana may pasok na." Sabi niya at biglang sumimangot.

"Sino kasama mo Janine?"

"Wala. Ako lang. Nagutom kasi ako eh."

"Ay. Ang lapit lang kasi ng bahay mo dito eh.. Sakto! Wala din akong kasama! Tara! Sama ako sayo!" Tuwang tuwa na sabi niya habang nagtatatalon.

Tumawa na lang ako bilang pag-oo.

--

Agad kaming pumasok sa isa sa mga mamahaling kainan dito sa mall. Sa Gerby's.

Hassle. Ang daming tao. Tatawagin na lang daw kami pag may table na daw.

Pero di nagtagal, tinawag na kami.

Umupo kagad kami. Pero wala pang waiter na lumalapit samin. Ang dami kasing customer eh.

"Janine, ba't wala pa." Reklamo ni Bea na nakahawak sa tiyan. Siguro gutom na rin tong isang to.

"Ewan ko din eh. Gutom na nga ako eh."

Nagtaas taas kami ng kamay para may lumapit na waiter.

Pero mukhang malas kami, wala kaming nakuhang atensyon. Medyo sa gilid kasi table namin eh.

Nakakainis na ah! Kanina pa kami dito.

"Teka lang Janine, naiihi na ako. CR lang ako." Agad siyang tumayo at tumakbo papuntang cr.

Tsk. Ang tagal pa naman ng babaeng yun pag nagc-cr.

Naiinip na ako. Wag na nga lang kami dito kumain.

Tumayo ako para kunin yung nakasabit na bag ni Bea sa upuan. Alis na lang kami dito.

Pero ng paalis na ako, may patakbong lumapit sa table namin na waiter.

Nakayuko pa ito at hinihingal hingal ng makalapit. Nilabas nito ang notepad niya at ballpen niya.

Tsaka niya inangat ang ulo niya.

"Hi ma'am, sorry for making you wait. What would you like to order?"

Napahawak ako bigla sa dibdib ko.

Ang lakas at bilis ng tibok ng puso ko.

Nakatingin lang ako sa nakangiting mukha ng waiter na ito.

Parang kaming dalawa lang ang nandito. Nawala ang lahat ng tao.

Parang tumigil sa pag-galaw ang mundo.

Nakatitig lang ako sa makislap niyang mga mata na singkit.

Tulalang napaupo ako ulit sa upuan ko.

Pinagmasdan ko siya.

Ang ganda ng mga mata niya. Ang tangos tangos ng ilong. Mapula pula ang labi. Well developed ang jaw line niya. May dalawang nunal na magkalapit sa taas ng pisngi niya, malapit sa mata. Ang kinis ng mukha. Maputi. Well built din ang katawan. Ang kinis din ng kamay niya, parang ang sarap hawaka--

Oh my, Waiter! (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon