First Day High!

11 2 0
                                    

Sikat na pala ang araw. Sarado pa ang mga mata kong tumayo para kuhanin ang towel ko at dumeretso sa banyo para maligo.

First day of school at tamad na tamad pa ang katawan kong kumilos.

Nagising ang buong diwa ko sa reyalisasyon ko na nasa Pilipinas pala ako.

Dali dali akong naligo. Kinuha ko ang bagong bili kong eye glasses. Nagsuot nang uniporme at umikot sa salamin.

"Not bad for a junior high." I smirked with satisfaction seeing my reflection in the mirror

Room 301. Grabe ang mahal mahal nang tuition sa school na 'to pero walang elevator. Fresh na fresh ako kanina pero dahil sa taas nang paikot ikot nitong hagdan ay hindi ko na maramdaman ang lamig nang umaga.

Kabado yet excited ako sa first class ko. Syempre, iba't ibang mga mukha ang makikita ko. Kahit naman planado na ang lahat sa utak ko, ninenerbyos pa din ako. Ngayon lang ako makakaranas magschooling dito sa Pinas. Buti nga napilit ko si Papa na gawan nang paraan ang pag transfer ko dito sa school na 'to. Sa isip isip ko

Magkaiba kasi ang school season dito sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa. At lalong magkaiba pagdating sa curriculum.

At last, nakarating na ako sa room. Halos puno na ang mga upuan. Ewan ko ba pero parang nakakapraning ang tingin nang mga studyante sa akin.

Pinili ko ang nasa bandang kanan sa harap. Pinagtinginan ako nang mga babae kong kaklase. Nakangiting nakakaloko ang mga ito. Umupo ako, at sya namang pagpasok nang guro namin.

Tahimik ang lahat.

"Guy's we have a new student here. Ms. Sweeny kindly tell something about yourself with your new classmates." Pakilala nang aming guro.

Tumayo ako at nagpakilala. I'm Astrid Sweeny. Pakilala ko.

Nakatingin silang lahat sa akin.

Naunawaan naman nang aming guro na I have nothing to say pa kaya tumango na lang ito.

"Okay Astrid, thank you. By the way I am Ronald Valle, your Chemistry teacher." Pakilala ni Mr. Valle

He gave me the syllabus for his subject. Okay, after makita ang mga topics for the whole year ay napangiti ako nang lihim. Easy for me. I have an advance learning from the U.S. kaya alam ko na mani lang sa akin ang mga lectures and laboratory things sa subject na ito. And edge ko din na sciences are also my thing. Well, it runs in my blood. My mom is a doctor while Papa is a chemist. So I can say I'm a genius when it comes to the complexity of elements and chemical experimentation. Bata pa lang ako ay hilig ko na ang maghalohalo nang mga liquids and chemicals. Mahilig akong magpuslit nang mga kemikal mula sa laboratory ni Papa.
I missed those days. Yung dahil sa curiosity ko ay muntik ko nang masunog ang room ko. At andun si Papa to teach me all the properties of those chemicals. Napapagalitan ako sa tuwing magpupuslit nang mga ganoong bagay at mag eeksperimento.

So, back to the reality, magaling na lecturer si Mr. Valle. Kahit alam ko na ang lahat sa mga sinasabi nya about the periodic table, nakuha pa rin nya ang aking atensyon.

Natapos ang Chemistry at English class ko. Infairness, karamihan sa mga kaklase ko at schoolmates ko ay magaganda at gwapo. Pero may estudyanteng nakaagaw sa akin nang pansin. Yung kaklase ko sa chemistry na late dumating. Basta lang sya pumasok sa room nang walang pasabi nung patapos na ang klase. At wala man lang karea-reaksyon si Ginoong Valle kahit halos lahat kami ay nakatingin sa lalaking yun.

Okay, hindi bago sa akin ang ganoong arrived, halos ganoon ang mga gangster sa dati kong school. Mga akala mo, nabili nila ang paaralan.

Naramdaman kong nangangalabit na ang mga alaga ko sa tiyan. Oo nga pala, hindi pa ako nagbreakfast. Tsk. Sa sobrang excitement ko kanina.

Lumabas na ako nang room. Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko kung kaya't hindi ko alam na may mababangga na pala ako sa hallway. Hinahanap ko kasi ang wallet ko.

"Ouch, sorry." Sabi ko at aktong dederetcho sa paglalakad ko patungong canteen.

"Just an Ouch and a sorry for that?" Narinig kong tanong sakin nang kasama nang nabangga ko

Nagtawanan ang mga naroroon. And guess what? Para silang mga kabute na utlawan ang mga ulo.

Maya maya'y may isang lalaking nerd at babaeng sobrang kikay ang humawak sa kamay ko.

"Travis, si Astrid nga pala. Transferee and classmate ko." Sabi ni nerdy guy

Pagkatapos masabi yun ni nerd guy ay parang walang anong nangyari na umalis ang grupong yun.

So dahil I'm acting like an ordinary student, I did not freak out. Calmly I ask him and the kikay girl.

"And what about that?" Tanong ko sa dalawa

"They are the Greek Gods, OMG buti narescue ka namin girl." Sabi ni kikay girl habang sige sa pagpindot nang cellphone

"Greek Gods?" Nakangiwi kong tanong

"Have you seen them? Have you look at their faces? They are all dashing, cute and handsome. They are just a set of a gangster here in our school dear. Anak sila nang mga anak nang pulitiko, while the one you bumped into, sya yung anak nang directress and co-founder nang school na 'to." Maarteng paliwanag ni kikay girl

"Ah, okay." So bakit naman kelangan nyo pa akong irescue?" Maang kong tanong sa kanila

"Feeling kasi nila mga Dyos sila kaya Greek Gods tawag ni Keira sa kanila. Hehe." Nakakamot na ulong paliwanag ni Nerdy guy

"Talaga naman, paano naman kasi nauso pa yang mga grupong gangster na ganyan! Ayan anyayabang." Halos pabulong na sabi ni kikay girl with matching taas nang kilay

"Kaya ikaw Astrid, sumama ka lang sa amin at kapag makikita mo sila, magkusa ka nang tumabi at baka mapagdisketahan ka pa nila." Sabi pa ulit ni kikay girl

"Ah okay." Balewala kong sabi

" Pwede ba, dun tayo sa canteen, kanina pa akong gutom na gutom e." Dagdag ko pa

Pagkadating namin sa canteen ay umorder ako nang dalawang pasta, spaghetti with red and the other is carbonara pa yun, the one with white sauce.

"And one large coke please, thank you po." Sabi ko sa nagseserve

"Grabe girl, ang liit liit mo, kaya mong ubusin yan?" Tanong ni kikay girl

"Gutom kasi ako." Nakangiti kong sabi

"Nga pala ano name mo? Tanong ko kay nerdy guy nung nakalapit na kami sa table na nireserve nya.

"Ah sorry, I'm Tom." Sabi ni nerd guy.

Infairness, may hitsura naman si nerd guy, nasobrahan lang yung grado nang eyeglasses nya kaya achieve na achieve nya ang pagiging nerd plus tahimik talaga sya. Gayunpaman, I can sense na matalino talaga sya. Hindi yung sa mukha lang mukhang geek pero pag sa studies eh lagapak naman.

"At Astrid, pinsan nya yung nabangga mo kanina kaya lusot ka sa sentensya." Maarteng sabi ni Keira

"So gangster really exists in here?" Tanong ko

"Anong gangster, gangsters! Halos ata nang mga schools dito may ganun. Dito sa atin marami din aspiring gangsters. Hahaha. Pero believe me dalawa lang nang iimperyo dito, yung grupo ni Travis at ni Liam lang ang talagang rival, sa mukha at sa mga rumbles." Kwento ni Keira

So may isa pa palang grupo. Hay naku, ewan. Mukhang mali ata ako nang school na napuntahan. Gangster daw. Anyway hindi naman sila belong sa reason ko why I'm studying here. Sa isip isip ko.

May isa pa na posibleng mag put up nang group Keira, dagdag ni Tom.

Ay sabagay Tom, pero hayai mo na. Ang dalawang magkapatid lang ang feel ko. Maarteng pahayag ni Keira

Napag alaman ko na magkakapareho pala ang schedule naming tatlo. Nasa bulletin pala yung mga student's code and their respective schedule. So from the start, alam na nilang dalawa na kaklase ko sila sa lahat nang subjects. Kaya dahil dun, aayain talaga nila ako maglunch kaso napakabilis ko daw kumilos at maglakad. Kaya ayun, muntik na daw akong napahamak. Nagkibit balikat na lang ako sa sinabi ni Keira.

Okay na din na kasama ko sila, atleast hindi ako ma-o-out of place.

Tell Me You're A Gangster: I Will Shut You DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon