Entangled Myths

8 2 0
                                    

Ugh. Sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip kung bakit sa Tramo kalimitan may mga bugbugang nangyayari ngunit sa pier may natatagpuang bangkay. Kanina pa akong nakatitig sa aking board. Dumadami ang mga nabiktima ngunit tila walang pag usad ang bawat kaso. Walang salarin at wala pang napapanagot sa mga krimen at pagpatay sa mismong lugar na yun. Napakalayo nang Tramo mula sa pier. Ayon sa mga saksi, wala naman daw bakas nang mga sasakyan o kahit anong ingay sa Tramo matapos ang mga pambubugbog. Naaawa ang mga tao dun, ngunit gustuhin man daw nilang tumulong, hindi nila magawa sa takot na baka sila o isa sa pamilya nilang masaktan. Kagaya daw nang isang doktora na nagmagandang loob tulungan ang isang biktima, ngunit natagpuang patay din kasama nang binatilyong sana ay tutulungan nya.

Nakaramdam ako nang kirot sa dibdib ko. Pinatay ang aking ina nang wala man lang nagmagandang loob na tumulong. Sa isang banda hindi niya masisi ang mga taga Tramo, sa ilang araw na pagsubaybay, halos mga taong skwater ang naroroon. May malaking bahagi nang puso ko ang nagsasabing dapat mabuwag ang mga taong sangkot sa mga insedente sa nasabing lugar.

Ipinilig ko ang aking ulo. Kelangan kong mag-isip nang maayos. Sa ngayon, kelangang nakafocus ako sa ginagawa ko. Saka na ang emosyon. Sooner, makikilala ko na din ang mga taong nasa likod nang pagmatay ni Mama.

Nanlalabo na ang mga mata ko. Tila nagbabanta ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko maiwasan kahit anong pigil ko.

Simula nang mamatay ang aking ina, tila isang bahagi nang puso naming tatlo; nina Katrina at Papa ang namatay din. Oh, how I miss you Mama. Ang pagbabasa at pag awit sa akin habang makatulog kami ni Katrina. Ang buong pamilya na sabay sabay kumakain.

Hindi ko naranasan na may umakyat o may manood sa akin sa stage kapag meron akong award o kaya may sinalihang performance sa school. Si papa, nakakasama namin sya, pero ibang tao na sya. Alam ko at ramdam ko na mahal nya kami ni Katrina. Lahat ginagawa nya at ibinibigay nya as provider. Pero yung dating si Papa na makikipagkwentuhan at makikipagkulitan, nawala na din. Kasabay nung gabing nawala si Mama. Nakakalungkot.

Nagdaan ang ilang sandali sa pag-alaala sa nakaraan.

Nang nakatawag  sa aking pansin ang salitang "gangster" sa balita sa dyaryo tungkol sa bagong biktima.

"Gangsters." Sa isip isip ko. Noong una ay hindi ako naniniwala na sa maaring magkaroon nang koneksyon sa mga patayan  ang mga gangster sa Pilipinas. Sa U.S. siguro that is really possible. But in here? Maloloka ako sa mga posibilidad.

Paulit ulit ang salitang gangster sa mga news article at sa video tapes na nareplay ko. Lahat halos nang mga nakapanayam ay sinasabing malaki ang koneksyon nang mga gangster sa mga pangyayari.

Bigla akong napahinto sa pumasok sa isip ko. Tama, if all those incidents started from the gangsters, then I can start my investigation by entering the gangster's world.

And I thought of Travis and Liam.

"Jeez. Those brothers, mukhang hindi sila gangster dahil mukha naman silang mababango. But hell, I can't say they are not. I saw them well kahit saglit lang yun, I can sense the authority and the superiority sa kanila." And that thought actually occupied me the whole night.

Maaga akong pumasok sa school. Naupo muna ako sa bench malapit sa baba nang building nang 3rd year at 4th year. Bale nasa gitnang bahagi ako kung sa mapa ang pagbabatayan nang mga building nang school na ito. May walong gusali na tig aanim na palapag ang paaralan. Ang mga room na separated doon ay mga extra-curricular and rooms for school clubs. I joined na artists' club. Naging interesado ako to join the club kasi nakita ko yung mga pieces at arts nang mga member. Hilig ko ang magpinta at gumawa nang mga komiks at syempre photography. Although pwede ako sa school publications, since Tom and Keira are members at they are suggesting me to apply for the photojournalist slot, nagdadalawang isip pa ako. Feeling ko, mababawasan ang time ko para asikasuhin ang reason ko why I came back in the country. Pero still pinag iisipan ko pa din.

Akala ko ako na ang pinakamaaga, o kung may mas maaga, siguro ay iilan lang kami. Ngunit nagkamali ako. Halos buong basketball team ay naroroon na. Mukhang galing sa praktis. Mga naka sando at shorts lang sila. Nauna ang grupo nina Liam. Di ko maiwasang humanga sa built nang katawan nya at sa height nya. Gwapo talaga. Napatitig ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin. Tila tumitig lang ako sa pader. Walang kaemo-emosyon.

"Grabe, parang minulto lang ako sa taong yun." Aniya ko sa sarili

Maya maya naman ay ang grupo ni Travis. Ibang klaseng magkapatid. Magkasama kaya sa bahay ang dalawang yun. Well, parang naintriga ako sa buhay nang dalawang yun. Bukod sa I need to get close to them, baka sakaling makatulong sila sa mga plano ko. Last night, naisipan kong magsearch sa net at sa mga underground sites. Nakita ko na, talagang existing mga ang mga gangster dito sa bansa. At ang magkapatid na Travis at Liam iilan lang sa mga kilalang personalidad sa underground world.

Kinabahan akong napalingon sa direksyon ni Travis, tama ang pakiramdam ko. Nakatingin sya sa akin. Nilabanan ko sya nang tingin. Maya-maya'y may mabilis at malakas na impact ang parating. Mabilis kong nasalo ang bola. Sa sobrang lakas nang impact ay umiikot halos ito sa mga kamay ko. Nakaagaw ako nang atensyon sa mga naroroon.

Kitang-kita ko ang pagkunot nang noo ni Liam bago lumingon sa direksyon ko. Samantalang sa kabilang direksyon ay ang matiim na nakatitig na si Travis. Walang makikitang gulat sa reaksyon nya. Pero ang ang lalaking bumato sa akin nang bola ay at ang iba pang mga player ay kitang kita ang pagka-shock.

Lumapit ako kay Travis, ewan ko ba pero nakakakaba ang taong ito. Unlike Liam, kahit parang may pagkasuplado ang personality, makikita mo agad ang soft side nya.

"So, are you happy now? Get this." Sabi ko habang nakatitig nang derecho kay Travis

"Who are you?" Seryosong tanong ni Travis

"I'm the new student here. I transfered here from U.S. And if you are not satisfied with my answers, here's my i.d." Sinabi ko sa kanyang may nakakalokong ngiti

Hindi sya umimik. Parang wala syang narinig na nagpatuloy sa paglalakad.

Sa inis ko sa kabastusan nya, ibinato ko ang bola nang ubod nang lakas. Natakot akong isentro ang bola sa ulo nya kaya ini-aim ko ang balikat nya.

"And gotcha!" Sa isip ko. Proud na proud ako sa ginawa ko.

Pero sa paglingon ni Travis, tila humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko.

Those eyes, those eyes can actually kill me. Yeah, sobrang nakakatakot ang mga pares nang matang iyon. At iyon ay isang malaking babala para sa akin.

At kahit natakot ako, sinikap kung labanan ang mga titig ni Travis.

Hindi ko inalis ang titig ko sa kanya, mata sa mata. Hindi ako papatalo sabi ko sa sarili ko, kahit pa alam kong ang katawan ko ay hindi sumasang-ayon sa dinidikta nang sistema ko.

Naiwan akong nanlalambot ang tuhod.

"Kung bakit ba kasi hindi na lang ako nanahimik." Kastigo ko sa sarili. Tyak na ipinasok ko ang aking sarili sa isang malaking gulo. Kelangan ko si Keira at Tom!

Tell Me You're A Gangster: I Will Shut You DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon