FIRST BLOOD

9 2 0
                                    

CHAPTER III

Nakatulugan ko na ang pag-iisip kagabi about sa mga susunod kong hakbang para matunton ang mga taong sangkot sa pagkamatay nang Mama ko.

Napapikit ako habang inaalala ang nakaraan.

Dumating na si Papa. Dali-dali akong umakyat sa aking kwarto at nahiga sa aking kama. Maya-maya pa ay narinig kong kumatok si Papa sa pintuan. Nanatili akong nakapikit. Ramdam ko ang paglapit ni papa at ang pag upo niya sa tabi nang aking kama. Inayos nya ang aking pagkakahiga. Ganun sya, pilit nya akong ihinihiga nang ayos sa pagkakadapa ko sa higaan. Kinumutan at hinalikan sa noo. Kahit nakapikit ay kinikita kita ko ang kanyang mukha. Malamlam na mga mata na damang dama mo ang pangungulila. Sa umaga na naaabutan pa namin sya ay pinipilit nyang itago ang kanyang kahinaan. Batid kong ginagawa nya lang iyon para hindi kami manghina ni Katrina. Maya-maya pa'y tumayo na ito at lumabas nang aking kwarto. Bumangon ako at isinaayos ang mga dokumento na inihatid nang isang pulis. Mabuti na lamang at may photocopy machine kami noon pa man sa library kaya walang hirap na nakakuha ako nang kopya. Matiim kong tinitigan ang larawang kalakip sa investigation report. Sa murang edad ay tumanim ang galit at poot sa aking puso sa pagkawala nang aking Mama. Walang kaluluwa ang gumawa nun sa aking Mama.

Naramdaman ko na lang ang mga luhang umaagos sa aking pisngi. Dali-dali kong pinahidan at nagcheck nang oras. Alas kwatro pa lang pala, napaka aga pa. Usually kapag nakatulog na ako at nagising na ay hirap na akong bumalik sa pagtulog. Naisipan kong magbasketball para magpapawis.

Naalala ko tuloy si Travis. At ang engkwentro namin. Tinatawag nya talaga akong skinny. Siguro dahil hindi nya alam ang pangalan ko, sa isip isip ko.

"Astrid, kelan ka pa namroblema sa tingin sayo nang mga lalaki?" Kastigo ko sa sarili.

Natapos akong magwork out at pumasok na sa paaralan.

Komportableng komportable ako sa suot kong P.E uniform. Hindi ako boyish pero mas gusto kong naka pants at shirt ako. Pakiramdam ko kasi sa palda at blouse ay sobrang fragile ko, babaeng babae.

So far ay hindi ako gaanong na-cuculture shock sa mga nangyayari sa paaralan. Nakita ko na din ang mga feeling gangster na sinasabi ni Keira. And yes, napakadami nila. And take note, I can say na sikat na sikat nga pala ang grupo nina Liam at Travis.

"Nga pala Astrid, why you end up studying here in the Philippines? Di ba sabi mo, ikaw lang andito with your maids? Hindi mo ba namimiss yung Papa at ate mo?" Natanong ni Keira habang naglalakad kami papunta sa P.E. class namin.

"Dito naman ako ipinanganak, so I have this feeling na I belong here." Paliwanag ko

"Mas advance ang learning sa US di ba?" Dagdag na tanong ni Tom

Yes, silang dalawa ang naging mga kaibigan ko sa mga nagdaang araw.

"Yes. Pero yung lessons ay halos kagaya din nang mga lectures nila dito sa school natin." Nakangiti kong pahayag

Tumango tango lang si Tom.

Pagdating sa gym, medyo nagulat ako kasi andun si Travis at si Liam at ang buong team na ang goal ata ay magkasakitan.

"Naku, busy na pala talaga ang basketball team natin. Mapapasabak na naman yang mga yan sa rival school natin." Komento ni Keira

"Sana wag puro init nang ulo ang pairalin nang mga yan, kung hindi delikado tayo." Dagdag ni Tom

"Yung totoo, nagkakasundo ba mga yan? Kasi sa palagay ko pagalingan yan eh. Syempre kung ako, dun ko ipapasa sa kaibigan ko." Mahaba kong pahayag

Nagkatinginan si Keira at Tom, napangiti sila.

"Kung maiibalik lang yung dati 'no? Kaso hindi na. Sayang talaga." Nanghihinayang na sabi ni Keira

Tell Me You're A Gangster: I Will Shut You DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon