Greek Gods do Exist

18 3 0
                                    


Napaaga ako nang dating sa school. Masyado kasi akong strict when it comes to time. Kelangan, mapaaga na ako 'wag lang malate. Iba kasi pakiramdam ko kapag late.

Hindi mawala sa isip ko kung paano ako makakapunta sa "Tramo" lugar kung saan sinabi ni Mama kay Papa sa voice call niya nung gabing nawala si Mama.

Nanikip ang dibdib ko.

"Ma, don't worry. Sooner, makikilala ko na ang mga taong pumaslang sayo, I promise." Kuyom ang palad na sabi ko sa sarili.

Last week ay napuntahan ko ang lugar kung saan nakita ang bangkay nang Mama ko. I made an ocular visit sa lugar. Dala ko ang aking DSLR camera para kumuha nang picture sa area. Hapon na din nang nakauwi ako.

At pagdating ko sa bahay nang araw na yun ay nagtungo ako sa basement, sa bodega sa loob nang bahay namin. May hidden room pa kasi dun connecting sa room naming magkapatid. Nakadesign talaga para sa amin ni Katrina. Noong dumating ako from US ay dito na halos nauubos ang oras ko sa pag-iisip. Hindi ako nagpatulong na linisin ang secret room naming iyon. Tanging myembro nang pamilya lang ang may alam sa hideout na iyon. For emergency use daw yun kung sakaling may masamang loob na may magtangka sa amin, tandang tanda ko pang bilin nang mga magulang ko.

Idinikit ko sa board ang mga nakuha kong larawan matapos ko iprint ang mga iyon. Nagset up din ako nang computer at printer sa loob nang kwartong iyon. Mataman kong tinitigan ang mga idinikit kong article sa newspaper. Based sa article, puro mga kabataan ang natatagpuang patay sa sinasabing "tramo" na yun, gayundin sa may pier.

Napabuntong hininga ako. So ang lead ko pa lang ay ang mga kabataan. Base sa mga nakausap ko malapit sa pier, halos mga galing sa kilalang pamilya ang mga nakikitang bangkay doon. Binalikan ko ang article kung saan natagpuan ang Mama ko, nakasulat na walang nag claim sa bangkay nang teenager na kasabay nang labi ni Mama na nakita nang mga taga roon.

"What the... " inis na sabi ko matapos naramdaman ang pagsakit nang ulo ko na nagpabalik  sa akin sa kasalukuyan

Pinulot ko ang bola na tumama sa ulo ko, at sa sobrang inis ay ihinagis ko ito nang buong lakas sa lalaking matangkad na nakasando sa di kalayuan. Hindi ako napansin nang lalaki na tila hinahanap ang bola. At biglang paglingon ng lalaki ay namukhaan ko agad siya.

Sapul sa mukha ni Travis ang bola. Kaya't agad na nagdilim ang mukha nito matapos na mamula sa impact nang pagkakahagis ko nang bola.

"Buti nga." Sa isip isip ko lang.

"Ay, sapul. Sorry hindi ko sinasadya." Kaswal kong pahayag na parang walang nangyari pero deeply, I'm trembling.

Aalis na sana ako, ngunit mabilis na nakalapit si Travis sa akin.

"I don't asked you to get and throw that ball in my face skinny!" Madiing pahayag ni Travis

"Excuse me, I don't mean to exactly throw that ball in your face, why don't you just say thank you because I threw it back to you." Naiirita kong sabi sa kanya

"Tsk, tinamaan ako kaya gumanti lang ako at mabuti nga sayo, ang yabang neto. And why so sarcastic naman ang pagkakatawag nya sa akin nang skin." Sa isip ko lang

"Can't you understand? I don't ask you to do such thing. At isa pa, wag kang pakalat kalat! Pwede ba." Muling diin nitong sabi at pagkaraka'y tinalikuran na ako

Iimik pa sana ako, ngunit umalis na si Travis. Nagpupuyos sa galit ang kalooban ko sa sobrang inis. Kaya minabuti nyang magtungo sa building nang klase ko.

Nadatnan ko sa room si Tom.

"Hi Tom." Bati ko

Pinsan ni Tom yung Travis na yun pero sobrang layo nang personality nila. Gigil na gigil pa din ako nang naalala ang pangyayari

"Astrid, ikaw pala. Ang aga mo ah." Nakangiting bati ni Tom

Maya-maya'y hinihingal na dumating si Keira. Hindi ito magkaintindihan at pawis na pawis.

"Tom, tara sa baba! Bilis. Kanina pa ako tumatawag sa phone mo! Next time 'wag mo nga yang isilent o ivibrate mo man lang." Halos bulyaw nito kay Tom

Alerto namang tumayo si Tom, kahit hindi pa alam ang nangyayari. At syempre, naintriga ako, kaya sumama ako sa pagbaba nang dalawa. Nagtungo kami sa court. Andaming tao, ano kayang meron. Sa isip isip ko

Praktis lang pala nang basketball. Ano ba yan, yun lang nawindang na sila. Sa loob loob ko lang.

Nanood ako, si Travis ang may hawak nang bola. Samantalang ang nagbabantay sa kanya ay halos kasing taas din nya. Gwapo din.

Wow, Astrid. So the reason why I am here is to describe these guys. Natatawa na sarcastic ako para sa sarili.

Ikinagulat ko ang sumunod na nangyari.

Akmang magshoshoot nang bola si Travis pero idinakdak nya ito sa mukha nang gwapong nagbabantay sa kanya. Buti na lang, mabilis na nakaiwas yung lalaki. Pero sinalo nya ang kamao ni Travis sa tiyan.

Napakabayolente talaga nang Travis na yun. Grabe. Nakaawang ang bibig ko sa nangyari.

Walang tumawag nang foul. At wala din namang kasing referee o coach na andun. Nagulat na lang ako nang dumami ang nasa gitna at nagtatangka na magkaroon nang gulo.

Nakangiting nakakaloko yung gwapo. Napangiwi lang sya nang kaunti at bumalik sa normal ang mukha niya. Lalong nagdilim ang mukha ni Travis.

Akmang susugod ang yung nasa likod nung gwapo. Nang biglang nahawi ang mga estudyanteng tila enjoy na enjoy sa kumosying nangyayari. Dumating pala yung coach nang team.

"At anong nangyayari dito?" Galit na bungad nito

"And all of you! Baka gusto nyong magsi-deretso  sa respective classes nyo, 15mins na lang at may klase na." Sabi nang coach sa mga naroroon

Unti unting nawala ang mga students. Napagmasdan kong mabuti ang mga mukha nang mga basketball players. Ang tatangkad nilang lahat at wala akong negative comment when it comes to their faces. Oo, nuknukan nang gwapo ang mga basag-ulong yun.

Nagulat na lang ako nang may tumapik sa balikat ko.

"Oh, Astrid tara na, the action was over. At huwag mo silang pakatitigan, alam na nang lahat na gwapo ang dalawang grupong yan. Remember about the gangster empires I have said yesterday? Sila na yan." Naiiling at mukhang naiiritang pahayag ni Keira

I saw the other side of Keira. Like Tom, hindi sya basta kikay na maarte. She's something different for me. Parang front lang nya yung arte at kakikayan nya. Pero for real, kabaligtaran.

Naiiling akong sumunod sa kanila ni Tom.

Habang naglalakad ay inisa-isa ni Keira kung sino-sino ang mga gwapong nilalang na yun.

And hell yeah, hindi man ako fan nang mga gwapo, now I believe, Greek Gods do exist!

Napag alaman ko din na yung isang gwapo bukod kay Travis ay si Liam. At take note, half-brothers sila! At pinsan pareho ni Tom ang dalawa.

Naisip ko, I'm with the weirds. Ang weird nang mga students sa paaralang ito.

Tell Me You're A Gangster: I Will Shut You DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon