Keeping Love .4

10 1 0
                                    

Bukas na ang punta ko sa Batangas. Kasama ko si papa pero saglit lang siya doon dahil may work din siya sa Cavite. Gabi na pero di ako makatulog. Sinubukan kong tingnan ang phone ko. Pumunta ako sa conversations namin ni Christian. Sinubukan ko siyang itext.

To Christian:

" Hi. Goodevening Christian. :) Sana mabasa mo itong text ko sayo. Gusto ko lang magpaalam kasi bukas na ang alis ko papuntang Batangas. Hindi ko alam kung hanggang kelan ako mananatili doon. Baka doon na nga rin ako pag-aralin. Pero alam mo, wish ko sana na makita ka bago ako umalis dito sa Cavite. Sana magkita man lang tayo kahit saglit. Madami din kasi akong gustong sabihin sayo. Gusto ko personal. Pero alam mo ba, isa sa dahilan kung bakit ako aalis ay dahil sayo. Gusto na kitang kalimutan, at sana magawa ko iyon habang nananatili ako doon. Godbless you Christian. Ingat ka palagi. Lagi mong tatandaan na mahal pa rin kita, at hindi na magbabago yun. I love you. :'') "

*sent*

-------

Here we go Batangas! :D

(In the car)

Haay.. bbye Cavite. Mamimiss ko to. Lalo na siya.. Haaay.

Nabored ako sa biyahe so I used my phone and made a group text.

*Leah

Ohh. I received a message. Hmm..

From Leah: huy, Yna! Totoo ba? Pupunta ka na ng Batangas? Daya mo naman sabi mo walang iwanan. Diyan ka na ba mag-aaral?

Yna: Hi Leah :) Musta na? Hmm.. di ako sigurado kung doon na nga ako magaaral. Pero hayaan mo, hindi naman ako doon forever. Babalik din ako noh.

Leah: Ahh sige. Siguraduhin mo lang ah? Pero ingat ka diyan ahh. Text mo lang ako pag nalulungkot ka, ha? Love you. :*

Yna: Haha sweet naman. Opo magiingat po ako. Love you too :*

-----

At last, nandito na rin kami. Thank you Lord for the safe trip. ^_^

Haay. Namiss ko ang simoy ng hangin dito. Salamat at makakatulog na rin nang mahimbing. Malamig kasi eh. Hahaha.

Konti lang naman ang dala ko. Yung gitara ko lang. Chos. Haha. Yeah, I brought my guitar. Para pag nabored ako may magagawa ako :)

Ang dami ko talagang namiss dito. Pati yung pagakyat sa matataas, haha kapagod eh. And nakarating ma rin sa bahay nina lolo. Hmm.. for an info lang pala, wala na ang aking lola last year lang. Kaya si lolo na lang ang nandito and syempre hindi kami papayag na siya lang mag-isa kaya lumipat sina tita galing pa ng Laguna.

Umakyat agad ako papuntang kwarto. And nagulat ako dahil nandoon ang isa kong pinsan. Akala ko kasi naiwan siya sa Laguna. Siya si ate Arianne. At alam niyo ba, siya ang pinakahate kong pinsan sa lahat. Pero hindi naman super hate. Naiinis lang ako sa kanya. Hahaha

Pero dahil good mood ako sa araw na iyon, kwento to the max agad ako kahit di kami gaanong close. Pero akalain niyo yun. Makalipas ang mga ilang araw para na kaming magkapatid ni ate Arianne dahil sa sobrang close namin. Walang araw na hindi kami natawa na dalawa. Ang saya lang. Haha.

And lumipas nga ang maraming araw, andaming kong mga nakikilala. At andaming nakakakilala sakin kahit na hindi ko sila kilala. Para bang sikat ako doon? Hahaha. At ang nakakatawa pa, akala ng mga tao doon lalo na ng mga bata ay Koreana ako at nakatira ako sa abroad, which is not true. Haha. Pero alam niyo ba pangarap ko talagang maging Koreana kaya okay lang. Pero yung abroad? Jusko. Di ko kinaya iyon. Haha. Pero pangarap ko din namang pumunta sa abroad. Chos. Haha.

So by the way, yun nga. Ang dami dami kong naging kaibigan doon. Yun nga lang.. mga bata. Hahaha. Andami tuloy nagsasabi na isip bata ako pero mahilig lang talaga ako sa bata. Yun lang talaga yun. Andami kong first time na naexperience doon. Yung umakyat sa puno, mag-El Sha Dai, magturo ng sayaw sa mga bata, and many to mention na lang. Haha. And andami ko ring naging crush. Yun nga lang puro pinsan ko pala. Kainis no? Pinagalitan tuloy ako ni lolo.

Lolo: Hoy ikaw. Crush ka nang crush diyan hindi ka naman crush.

GRABE. Hindi ko kinaya yon Lo. Hahahahaha. Grabe talaga si lolo. Ang hard masyado magsalita. HAHA.

So ayun na nga. Madalas akong pinapagalitan ni lolo nang dahil sa mga kalandian ko. Pero I know naman my limitations. Pero alam niyo ba. Haha. Siguro tinutulungan din ako ni Lord na makamove on. Pero kahit ganon, hindi ko pa rin maiwasan na hindi siya isipin. Mahal ko pa rin talaga siya.

Keeping Love (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon