Keeping Love .3

10 1 0
                                    

Me: hmm.. may sasabihin ako sayo.

Christian: Ano yun?

Me: Love kita.

Christian: Ha?

Me: Mahal kita.

Christian: Ahh.

Me: Yun lang?

*no answer

Me: Huy!

*no answer

Me: Hindi mo ba ako mahal?

*no answer

Me: Huy christian

Christian: Alam mo Yna, magkaibigan lang tayo.

Alam mo Yna, magkaibigan lang tayo
Alam mo Yna, magkaibigan lang tayo
Alam mo Yna, magkaibigan lang tayo
Alam mo Yna, magkaibigan lang tayo
Alam mo Yna, magkaibigan lang tayo

ANO BA! OO NA! TANGGAP KO NANG MAGKAIBIGAN LANG KAMI. KELANGAN PANG ULIT ULITIN? .. ang sakit eh. Ang sakit sakit. </3

Me: Ahh.. ganun ba. Sinasabi ko lang naman yung nararamdaman ko sayo eh.. Tama nga si mama. Once na nagtapat ka sa isang tao mas lalayo sila sayo. They're right.

Christian: di naman ganun yun. kailangan lang bago ka magtapat sa isang tao sure ka na sa feelings mo, okay? saka masyado pa na naman tayong bata kaya ang pwede lang natin gawin sa ngayon ay mag-aral ng maigi. :)

Me: Pero totoo at sure talaga ako sa nararamdaman ko para sayo. Mahal kita. Mahal na mahal kita Christian.

Christian: Ano ba Yna, magkaibigan lang tayo. Pwede bang tumigil ka na?

Okay. Tanggap ko na na magkaibigan lang talaga kami. Pero alam niyo ba yung feeling na binalewala niya lang yung mga sinabi mo sa kanya? Ansakit eh.

Haaay. So ilan lang yan sa mga paguusap naming dalawa. The rest din ay puro ako na. Hindi naman kasi siya nagrereply. Nagrereply naman siya pero sa kada 50 chat ko sa kanya saka siya sasagot. Oh diba? Ang galing. Kung pwede ko lang siguro ilagay dito lahat ng conversation namin eh para malaman niyo kung paano niya ko binasted. Huhuhu. Aray ko beh. Haist.

Pero alam niyo ba ang mas matinde? Binlock niya ko. Oh yes. He blocked me in my all acounts in social media. Sa Facebook, Twitter, Instagram, sa lahat lahat! Pati sa puso niya nakablock na rin ako. Diba matinde? Haaay. Pero kasalanan ko rin siguro, kasi napakakulit ko. Kung ano anong pinagsasabi ko sa kanya. Magpapakamatay ako pag di siya naggoodnight kiss, basta kung ano ano.

Pero alam niyo yun? Yung umasa ka na may gusto rin siya sayo? Yung akala mo may nararamdaman din siya para sayo? Kaya siguro ang tapang tapang ko na magtapat sa kaniya ay dahil doon. Pero lahat ng iyon ay akala ko lang pala. Nakakainis nga eh. That was the biggest mistake of my life, of falling inlove with Christian. And alam niyo ba isa siya sa dahilan kung bakit ako nadepress. Alam niyo ba yung tinatawag na, depression of love? Yun yon.

Hanggang ngayon, matapos ng lahat ng nagyari sakin, matapos ng lahat ng sakit.. mahal ko pa din siya. Ang daming nagsasabi na kalimutan ko na siya. Pero ginagawa ko naman eh. Sinusubukan ko siyang kalimutan. Sinubukan ko nga rin na iblock din siya sa puso ko eh, pero hindi ko magawa. Kasi nga mahal ko pa rin siya. Alam niyo yung feeling na hindi naman naging kayo pero parang hirap na hirap kang magmove on sa kanya? Yun yung nararamdaman ko ngayon. Sobrang nahihirapan na ako. Maging sa text hindi ko siya tinatantanan. Pero wala rin akong napala. At alam niyo kung anong napala ko? Pinagalitan ako ng nanay niya. Ipapadswd daw ako o ipapabarangay kapag hindi daw ako tumigil sa pangungulit sa kanya.

Naiinis din ako sa sarili ko dahil andaming naaapektuhan sa ginawa ko. Maging ang bestfriend ko, mga teachers, classmates, maging ang mga magulang ko naaapektuhan na rin. Siguro tama ang ate ko, hindi na ito love. Obsession na ito. Masyado na akong obsess sa kanya. At mukang hindi na tama iyon.

Dahil sa mga nangyari, dahil sa mga kabaliwang ginawa ko, minabuti ng parents ko na pauwiin ako sa Batangas. Doon muna daw ako tumira para makalimutan ko na rin si Christian. Pumayag naman ako dahil alam ko na para rin iyon sa ikabubuti ko.

Keeping Love (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon