Keeping Love .6 (Epilogue)

8 1 0
                                    

Sa lahat ng sinabi sa akin ni Christian, Oo masakit. Ang sakit kaya mafriend zoned. Alam ko naranasan mo na rin yon. Halata eh. Relate ka masyado sa storya ko. Charot. Haha.

Pero alam mo ba, kahit hindi ko siya iniisip eh lumalabas siya sa panaginip ko. Sabi nila, If someone appears in your dreams, it means that he wants to see you. So dahil lagi akong umaasa, umasa nga ako na baka gusto niya akong makita. Pero sana totoo nga iyon kasi lagi ko siyang napapanaginipan eh. Alam mo yung para bang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya lang masabi. Then one time nanaginip na naman ako and sabi sa panaginip ko ay inunblock niya daw ako sa twitter. So ayun nakita ko yung mga tweets niya and yung iba doon ay parang tungkol sa akin. And sabi din nila Dreams are half true and half not true. Kumbaga 50 50. Haha. So may chance diba?

Pero alam niyo, minsan nakakapagod din eh no. Nakakapagod nang umasa sa wala. Naalala ko pa yung sinabi ko sa kanya nung Farewell namin na hindi ko siya mamimiss kasi magkikita pa kami. Pero sobrang miss na miss ko na siya eh. Ibig sabihin ba nun ay di na kami magkikita? Hayy. Pero I know that if we are really meant to be with each other then we will be and if not, then just accept the fact. But the truth hurts. And ang alam ko na totoo ay hindi na magbabago pa ang pagtingin niya sa akin na hanggang magkaibigan lang kami. I accept it but there is a part on me na sana.. sana magbago pa iyon. Katulad ng oras. Time changes, kaya sana magbago rin ang pagtingin niya sa akin. Ang dami kong simacrifice para sa kanya eh. Ang dami kong ginawa para lang mapansin niya ako, pero wala pa din akong napala. At mas lalo lang akong nasasaktan.

Sana bigyan niya ako ng chance na maipakita sa kanya yung totoo kong nararamdaman para sa kanya. Sana magkaroon din ng chance na magustuhan niya rin ako. Sana, sana, sana. Ang daming sana na gusto kong mangyari. Pero minsan talaga, hanggang sana na lang ang lahat. At hindi lahat ng bagay ay instant kagaya ng noodles. Hindi instant ang feelings. Hindi pwede na kapag gusto mong magkaroon din siya ng nararamdaman para sayo eh makukuha mo na. Hindi ganun yun. Kasi minsan dumadaan din yan sa mahabang proseso. Minsan kailangan mong pagtiyagaan at maghintay nang matagal para makuha ang isang bagay. Ang masakit lang doon ay naghintay ka nga nang sobrang tagal pero wala ka ring napala at nakuha. Pero sabi ko nga just accept the fact. Dahil tatlo lang ang sagot sa mga gusto nating hilingin. It's either a yes, no, or you'll have to wait. Yes kung para sayo talaga iyon, No kung hindi ito makabubuti sa iyo, at Wait kung kailangan mo munang maghintay dahil para naman talaga iyon sa iyo pero makukuha mo lamang iyon sa tamang panahon.

Right Time, Right Place, Right Person.

Dapat sa lahat ng bagay ay maging tama tayo. Maging sa paggawa ng isang desisyon. And also always put God first in all things.

And syempre dapat matuto muna nating mahalin ang sarili natin, so that the other people are capable to love us too. Dahil ang lahat ng bagay ay nagsisimula syempre sa sarili natin. Sa lahat ng bagay na nangyayari sa buhay natin, be grateful. Cause everything happens for a reason. Kung nasaktan ka man ngayon okay lang yan friend. Bangon bangon din pag may time. Ano? Hihintayin mo pang may tumulong sayo para bumangon? Nako wag ka nang umasa. Iba na sa panahon ngayon no. Sarilihan na. Kaya matuto kang bumangon magisa mo. Nandito lang kami para magsupport pero nasa sa iyo pa rin ang desiyon.

So sana may natutunan ka sa istoryang ito. Ano? Puro landi na lang? Nako kaumay na. Sorry kung nagmuka itong Advice Ganda. Well ganun talaga. Maganda naman ako eh. (Anong konek?) So salamat sa oras mo sa pagbabasa ng true to life story ko. Sorry din kung medyo madrama. Siyempre hindi naman dapat laging masaya no? Kahit clown ka pa, kahit na abot langit ang ngiti mo, hindi pa rin maitatago yang lungkot na nararamdaman mo. Wag mong lokohin ang sarili mo. Okay sige. Siguro gusto mo lang ipakita na matapang ka. Pero etong tatandaan mo. Hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong maging matapang. Minsan magpakababa o magpakumbaba ka din. Okay lang na umiyak sa harap ng maraming tao. Atleast alam nila na tao ka. Kasi nasasaktan ka. Diba nga ang mga zombies walang pakiramdam? So kung manhid ka na tao, nako! Matakot ka na sa sarili mo. Barilin mo sarili mo nang malaman mo kung zombie ka na. Pero syempre wag mo namang totohanin yung sinabi ko. Mamaya kumuha ka nga ng baril, tapos mamamatay ka, tapos konsensiya ko pa, tapos mumultohin mo ako. Kaya wag mo nang itry iho't iha. So ayun lang ang masasabi ko. Sana nakarelate ka sa story of my life ko. And yung mga nakuha mong lessons ay sana maibahagi mo rin sa ibang tao. I open my life into public kasi wala naman sigurong masamang magshare ng buhay diba? Mas maganda nga yung naishashare mo yung mga nararamdaman mo kasi gumagaan ang loob mo. Lesa yung tinatago mo. Keeping your feelings is not easy. Kaya hanga ako sa mga torpe dyan na hindi masabi sabi ang nararamdaman sa taong mahal niya. Alam mo kung ako sayo, sabihin mo na, now na! Bago pa tuluyang lumalim yang nararamdaman mo at baka mas lalo rin lumalalim yang sugat sa puso mo. Kaya go lang nang go! Express your feelings! Cause life is short. Bago pa mawala yang mahal mo sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin sa kanya. Dahil hindi natin hawak ang orasssssss.

Keeping Love (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon