Eto na Guys! Sana po magustuhan niyo! :)
Be my Fan :)
Enjoy Reading!
Chapter 3
Dj's POV
RIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGG!!!!!!!
Aiiiiiiissssssshhhhhh! Ano ba yang maingay na yan!
Nakaka badtrip ah!
Pagtingin ko yung alarm clock pala. Si mama nanaman siguro ang may pakana nito.
Pinatay ko na lang yung alarm clock at natulog ulit. Ang sarap-sarap pa nga ng tulog ko eh!
"Anak! gising na dyan, nag alarm na yung clock mo baka malate ka ng pumasok?" sabi ni Mama habang niyuyugyog ako para magising.
"Ma, mamaya muna. Okay lang naman kahit ma late na akong pumasok." sabi ko na nakatakip yung unan sa mukha ko.
"Hindi yan pwede anak! Hindi porket daddy mo ang may ari ng School magiging ganyan ka na, kaya gumising na!"
"Hmmmmmmmmmmmmmm."
"Kapag hindi ka pa bumangon diyan ililipat kita ng School." sabi ni Mama na nakatayo na halatang galit na.
"Oh eto na babangon na." sabi ko na lang. Ayaw ko kasing lumipat ng School, gusto ko sa DU lang kasi mas malaya ako dun.
"Bilisan mong maligo at ng makakain ka na." sabi ni Mama at lumabas na ng kwarto.
Ganyan kami ni mama para lang kaming magtropa pero MAHAL na MAHAL ko yan. :">
At Dimalanta University
Pagbaba ko kaagad sa kotse ko, tilian agad yung mga babae. Ang hirap talagang maging Gwapo. :D
"Hi Dj! ang gwapo mo talaga"
"You're so hot! please be mine!"
"Hi Dj! nag breakfast ka na ba? tara sabay na tayo."
"Hoy! anong sabay kayo! assuming ka naman! Hi Dj Ang gwapo mo talaga!"
Natatawa ako sa mga sinasabi nila. Oo alam ko gwapo ako, kahit hindi na nila sabihin yun alam na alam ko na.
Ang yabang ko noh! Atleast totoo naman yung sinasabi ko di ba? *wink*
Habang naglalakad ako binigyan ko sila ng isang killer smile.
At ayun kinilig ang mga bruha! hahaha.
Agad agad naman akong pumasok sa room namin, section 1 pala ako? :))))
"Oh Mr. Dimalanta, Why are you late?" tanong ni Ms. Zarate. Oo kilala ko siya kasi matagal na akong nag-aaral dito sa DU at alam kong siya ang magiging adviser ko.
"Napuyat ako Mam." sabi ko na lang yun eh wala akong madahilan eh.
"Bakit ka napuyat?" Aissh! makatanong naman itong teacher na ito, pag ako napuno sasabihin ko kay papa na tanggalin na ito.
"Basta po." sabi ko na lang, pasalamat ka hindi kita nasermonan. First of class pa man din.
"Okay, sit down Mr. Dimalanta." buti naman. Alam niya kasi na anak ako ng may-ari nitong School na ito kaya kapag pinagalitan ako niyan. Babye na siya dito.
Papunta na ako sa upuan ko nang may nakita akong babae na katabi ng chair ko.
Malamang?! eh isa na lang ang natitira eh. Hay Dj. Pero ang lakas ng loob niyang tumabi sa akin ah.
Napa smile na lang ako at yung mukha niya halatang gulat at nakatulala sa akin. Kahit nakayuko ako alam kong tinitignan niya ako.
"Oo, alam ko GWAPO ako." sabi ko. Totoo naman ah, hay! naglalaway na itong babae sa kagwapuhan ko eh. :D
Hindi niya ako pinansin tinignan niya lang ulit si Mam. Parang ngayon ko lang nakita itong babae ah.
"Ah miss parang bago ka lang ata dito ah, Hindi ka ba magpapakilala sa akin?" sabi ko, eh sa anak ako ng may-ari nitong School eh.
Hindi niya ulit ako pinansin, parang wala lang ata sa babaeng ito yung kagwapuhan ko ah? eh halos lahat ng babae dito sa University may gusto sa akin.
"Ah miss, pipi ka ba? kasi kung pipi ka hindi ka dapat dito." sabi ko, tignan lang natin kung hindi ka pa magsasalita diyan.
Tinignan niya lang ako ng masama. Wow! katakot pala tong babaeng to parang mangangain sa kanyang titig. Naging seryoso na lang ako baka kasi kainin ako ng babaeng ito. hahaha
"Ako nga pala si Daniel, Dj for short." namumuro na itong babae ah. Ako na ang unang nagpakilala. Swerte niya noh ako mismong DANIEL DIMALANTA magpapakilala sa kanya.
Hindi niya ulit ako pinansin? sapakin ko na kaya ito. Ay wag naman, marunong din naman akong rumespeto sa babae. Hehehe
"Sungit" Bulong ko.
"Ano? anong sabi mo?" Wow! nagsasalita pala siya? akala ko pipi eh. hahaha
"Ayun! nagsalita ka rin! Hay salamat Lord!" sabi ko. Tuwang-tuwa ako. Hahaha
Magsasalita na sana ulit ako nang may sinabi si Mam.
"Class! meron pala kayong magiging bagong classmate. Maaaring tumayo at magpakilala dito sa harapan yung transferee?" sabi ni Mam.
Transferee? Ah baka itong katabi ko eh ngayon ko lang siya nakita eh. Bakit hindi pa siya tumatayo at nakatulala lang.
"Uy! punta ka na sa harap!" sabi ko at nagulat naman siya. Parang nawawala ata siya sa sarili niya eh.
Yun tumayo na siya at pumunta na sa harap, halatang nahihiya siya.
"Hello Everyone My name is Katherine Cruz. Kath for short, I'm 16 years old." sabi niya na naka smile.
Ang ganda pala niya kapag naka ngiti.
Ano? anong sabi ko? maganda? hindi ah. Ang pangit niya tapos ang sungit pa.
"Ayan, so class. Transferee lang siya dito kaya be nice to her ah?" sabi ni Mam.
"Yes Mam." Class
Papunta na ulit siya dito sa likod.
"Kath pala ang name mo." sabi ko.
Hindi nanaman ako pinansin, Pipia ata talaga ito eh.
Nag bell na. Kaya agad-agad na akong lumabas ng room.
Pupuntahan ko yung mga kaibigan ko sa Music Room. Magpapractice kasi kami para mamaya sa Program. May banda ako ang tawag sa amin ay Parking Five P5 for short.
Oh di ba? *wink*
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Posible kayang mainlove si Dj kay Kath?
Ano sa tingin niyo guys? :)
Vote and comment Guys! :)
~ Boss_Princess

BINABASA MO ANG
Say It Again (KathNiel)
Ficção AdolescenteI'm a simple girl with big dreams. No distractions allowed, LOVE? It can wait. Pero nagbago ang mundo ko simula nung makilala ko siya.