Chapter 9

228 3 0
                                    

Daniel's POV

"Daniel" - tawag sakin ni Kath kaya napa lingon ako sa kanya.

"MAHAL DIN KITA" - tumatawa at umiiyak nyang sabi.

hindi ako makapaniwala sa narinig ko. mahal ako ni Kath? mahal nya ako? ako? si Daniel?

"a-a-anong sabi mo?" - tanong ko sa kanya.

"ang sabi ko mahal din kita!" - sabi nya. nakangiti xa sakin.

"Kath, pinagtitripan mo pa rin ba ako?" - ako. hindi pa rin makapaniwala.

"bakit? hindi ka maniniwala na mahal kita?" - halatang nalungkot xa.

"ako? ako talaga?" - tanong ko ulit.

"oo! ikaw! unless may ibang DANIEL MENDOZA dito, ikaw lang naman si DANIEL MENDOZA dba?" - sabi nya.

halos sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya! hindi ako makapaniwala na ang babaeng pinakamamahal ko, mahal din ako! hindi ko napigilan ang mga luha ko, napaiyak ako sa sobrang saya.

"mahal mo talaga ako?" - tanong ko ulit. habang umiiyak. umiiyak din xa.

"mahal kita kahit ang sungit-sungit mo, mahal kita kahit moody ka! mahal kita Daniel Mendoza" - umiiyak at tumatawa nyang sabi.

"mahal na mahal din kita KATHRYN LAGDAMEO" - niyakap ko xa ng mahigpit at yumakap din xa sakin. nanatili kaming ganun. para kaming mga baliw na umiiyak at tumatawa. boung buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang ganito kasaya.

hindi namin napansin na umuulan na pala kaya nabasa na kami, ganun ba talaga pag sobrang masaya ka? hindi mo namamalayan kung ano ang nangyayari sa paligid mo? kumalas ako sa pagkakayap at sa kanya at..

"pasok na tayo sa loob, nababasa na tayo ng ulan, sakitin ka pa naman" - sabi ko sa kanya.

"cge, tara nah" - sabi nya. patalikod na xa sakin pero nag back hug ako sa kanya.

"ako na yata ang pinaka masayang lalaki sa boung mundo ngayon" - bulong ko sa kanya habang naka back hug parin ako.

"at ako naman ang pinakamasayang babae, sana ganito nalang lagi noh?" - sabi nya.

"gustuhin ko mang ganito lang tayo, pero hindi pwede kasi basang-basa na tayo ng ulan. ayokong magkasakit ka na naman" - sabi ko sabay kalas sa back hug ko sa kanya.

"andyan ka naman para alagaan ako dba?" - nakangiti nyang sabi sakin. ngumiti rin ako sa kanya at hinawakan ko yung kamay nya at pumasok na kami sa loob.

Kathryn's POV

grabeh! hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. mahal ako ni Daniel. at inamin ko na rin sa kanya na mahal ko xa, oo mahal ko xa. hindi ko lang inaamin sa sarili ko. matagal na pala akong may gusto sa kanya pero na realize kong mahal ko xa nung akala ko inlove xa sa ibang girl, sobra akong nasaktan pero hindi ko pinahalata sa kahit kanino. ang manhid ko! ako pala yung girl. biglang ng flashback sakin yung nagkasakit ako yung akala ko panaginip lang, yung dare nila ni Edward. pero ngayon naamin na namin sa isat-isa ang tunay na feelings namin. ako na yata ang pinaka masayang babae ngayon.

"bakit ang tagal nyo?" - tanong ni Kuya Bryan. "bakit basang-basa kayo? Kath, alam mo naman hindi ka pwedeng maulanan" - patuloy nya.

"sorry Kuya, nag usap lang kami ni Daniel at hindi namin napansin na umuulan na pala" - sabi ko. naramdaman kong pinisil ni Daniel at kamay ko, nanatili pa rin kasing magkahawak ang mga kamay namin pero tinago namin sa likod para hindi mahalata ng barkada.

For Once In My Life (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon