Chapter 20

229 2 0
                                    

Daniel's POV

andito kami ngayon sa hospital. si Kath walang malay na nakahiga sa kama. ako naman kanina pa nakaupo sa tabi nya.

"Ba, di sabi mo your not going anywhere?" - sabi ko sa kanya habang hawak-hawak ko ang kamay nya. "i want you to hold on to that promise ha, please Ba" - sabi ko. "hindi pa ako handang magpa alam sayo eh, hindi ko alam kung kailan ako magiging handa" - naiiyak kong sabi. "naririnig mo naman ako dba? Ba, igalaw mo yung fingers mo kung naririnig mo ko" - ako. pero wala, hindi nya ginalaw ang mga daliri nya. "Ba, wag muna ngayon please, wag mo kong iwan, hindi ko kaya" - umiiyak na ako. "Ba, we're gonna have the best life, you and me! please wag mo akong iwan" - umiiyak kong sabi sa kanya. "we're supposed to end up together remember?" sabi ko. ng may humawak sa balikat ko.

"Daniel, magpahinga ka muna, kanina ka pa dito" - si Sir Leo pala.

"ok lang po ako Sir, kayo po baka kailangan nyo na rin pong magpahinga muna" - ako.

"ok lang din ako, pwede ka bang makausap sa labas?" - tanong nya sakin at tumango naman ako.

"Ba, labas lang ako sandali ha, kakausapin raw ako ng Dad mo" - sabi ko kay Kath at lumabas na ako kasunod ni Sir Leo.

"Daniel, nakausap ko ang Doctor kanina, at-at ang sabi nya, there's a possibility that Kath is never going to wake up" - umiiyak nyang sabi. alam kong yun ang sasabihin nya pero hindi ko matanggap.

"Sir, doctor lang ho sila, hindi sila Diyos" - sabi ko. umiiyak na rin ako.

"Daniel, alam ko, pero kailangan nating tanggapin ang katotohanan kahit masakit" - Sir Leo.

"bakit nyo ho nasasabi yan Sir? magigising ho si Kath" - ako.

"yun ang gusto kong paniwalaan Daniel, alam ng Diyos na araw-araw yun ang lagi kong dasal, ang gumaling ang anak ko, nawalan na ako ng asawa, ngayon naman ang anak ko ang mawawala sa akin" - umiiyak pa rin xa.

"Sir, hindi ho mawawala si Kath sa inyo, magigising ho xa" - sabi ko naman.

"Daniel, alam kong mahal mo ang anak ko at nagpapasalamat ako sa iyo, dahil alam kong naging masaya ang buhay nya" - Sir Leo.

"mahal na mahal ko ho si Kath Sir" - ako.

"alam ko, Daniel, alam kong hirap na hirap na si Kath at ayaw ko ng makitang nahihirapan pa xa" - Sir. Leo.

"Sir?"- tanong ko.

"kailangan nating tanggapin na iiwan tayo ni Kath Daniel, kahit masakit. mahal na mahal ko ang anak ko kaya para sa kanya tatanggapin ko kung gusto na nyang umalis, alam kong lumalaban si Kath para sa atin Daniel pero nararamdaman kong pagod na pagod na xa. kahit ayokong mawala sa akin ang Anak ko, tatanggapin ko Daniel, tatanggapin ko kung gusto nya ng magpahinga" - umiiyak na naman na sabi ni Sir Leo. "sana ikaw rin Daniel" - sabi nya. "Daniel salamat, dahil alam kong napasaya mo ang anak ko. Kath is the best thing that ever happened to me and I know you are the best thing that ever happened to her." - dagdag pa nya.

hindi ako nakapagsalita. alam kong tama xa, pero mali ba ang hilingin ko na sana gumising si Kath? mali ba na kahit ngayon lang magpaka selfish ako? alam kong impossible pero humihiling pa rin ako ng himala. himala na nasa gumaling xa.

bumalik na ako ngayon sa tabi ni Kath, habang pinagmamasdan ko xang walang malay, nakita ko na nahihirapan na xa..

"Ba, alam kong pagod na pagod kana" - umiiyak kong sabi sa kanya habang hawak-hawak ko ang mga kamay nya at hinihimas ko ang noo nya. panagmasdan kong mabuti ang mukha nya dahil baka ito na ang huling sandali na mapagmasdan ko xa. "kung gusto mo ng magpahinga, ok lang sa akin. kung hindi mo na kaya, ok lang na bumitaw kana, hindi ako magagalit. masakit pero kailangan kong tanggapin kasi mahal na mahal kita at ayokong nahihirapan ka. wag kang mag-alala Ba, tutuparin ko ang mga pangarap nating dalawa. tsaka wag kang mag alala sa akin, kakayanin ko to, kahit mahirap, kahit hindi na ako sanay ng wala ka. alam ko namang hindi mo ako iiwan dba? ikaw ang magiging angel ko. Ba, thank you ha, kasi kahit minsan sa buhay ko nakilala kita at hinayaan mo akong mahalin ka. for once in my life nasabi kong akin ka. hinding-hindi ko makakalimutan ang mga araw na magkasama tayo. salamat Ba, dahil sayo naging completo ako, naging masaya ang buhay ko. mahal na mahal kita Ba, kaya kahit sobrang masakit, i'm now letting you go" - sabi ko sa kanya at hinalikan ko ang noo nya, alam kong yun na ang huling araw na magagawa ko yun. pagtingin ko sa kanya, nakita kong may luhang tumulo sa mga mata nya. "i love you so much Ba, and  alam kong mahal mo rin ako" - sabi ko.

For Once In My Life (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon