Chapter 3

283 5 1
                                    

Daniel's POV

"teka sandali, sino si Ms. AP at Mr. Sungit? magkakilala na kayo?" - naguguluhang tanong ni Tatay. saka lang namin napansin na nakatingin pala sila samin kaya iniwas ko nalang tingin ko sa kanya, at ganun din ginawa nya.

"nagkita na kayo?" - tanong naman ni Aling Rosario

"saan kayo nagkita?" - si Nanay naman na halatang nagtataka kung bakit ganoon naging reaction namin.

"ah, eh, oo po, nagkita na po kami pero hindi po namin kilala ang isat'-isa" - ako na ang sumagot sa kanila.

"sino si Ms. AP at Mr. Sungit?" - tanong ulit ni Tatay, naku baka malaman nila Ms. AP tawag ko sa babaeng yun. at tama ba narinig ko? Mr. Sungit tawag nya sakin?.

"WALA HO!" - sabay naming sabi. at nagkatinginan ulit kami pero umiwas xa agad.

"teka, ano yung narinig kung nagkita? sinong nagkita na? ikaw at si Kath pare? - tanong naman ni Bryan na hindi ko namalayang nasa likod ko na pala kasama si Sasai ang girlfriend nya.

"oo nga sabi eh, nagkita na kami" - sabi ko, tiningnan ko si Kath, yan ata yung pangalan nya, nagtataka pa rin xa.

"paano kayo nagkita? eh kanina lang naman to lumabas si Kath, wag mo sabihin" - usisa parin ni Bryan kaya hindi ko na xa pinatapos at nagsalita na rin ako.

"oo nga kanina nagkita na kami, Sai pagsabihan mo nga yang boyfriend mo at masyadong tsismoso" - medyo natawa sila sa sinabi ko, nag joke nalang ako para matapos na yung pagtatanong nila, pero sila Tatay, Nanay at Aling Rosario hindi parin kumbinsido, halatang gusto talaga nila malaman yung nangyari.

"ahmm, Nay, Kuya, naalala nyo yung sinasabi kong may nabangga akong lalaki kanina? kaya nagkasugat yung tuhod ko? siya po yung lalaking yun" - biglang nagsalita si Kath kaya napatingin kami lahat sa kanya.

"siya? si Daniel? yung may malaking pasa sa kamay? patingin nga pare!" - sabi naman ni Bryan sabay kuha at tingin sa kamay ko. tong mokong na to tumatawa pa.

"ARAY! pare naman, dahan-dahan lang" - nagrereklamo kong sabi.

"so si Kath yung SOBRANG GANDANG babae na sinasabi mo kanina?" - tukso ni Tatay. habang si Nanay naman tumawa na rin.

"Tay, naman kung anu-ano pinagsasabi, gutom kana siguro, lika na at kumain na tayo" - saway ko kay Tatay, medyo nahiya ako sa sinabi nya eh, baka kung ano isipin ni Kath, tumingin ako sa kanya, nakita kong yumuko lang xa, hindi ko nakita kung nagalit or natawa ba xa sa sinabi ni Tatay.

"ay, oo nga pala, masyado na napapasarap usapan natin, kumain na nga lang tayo, pero xa nga pala pormal ko nalang kayong ipakilala sa isa't isa ha total nagkita na pala kayo, Daniel ito nga pala si Kathryn, ang alaga at inaanak ko galing Maynila, 2 months xang magbabakasyon dito satin. Kathryn, eto naman si Daniel, anak ni Dr. Santos, xa yung nurse na sinasabi ng Kuya Bryan mo na bestfriend nya." - pakilala samin ni Aling Rosario, Kathryn pala tunay na name nya, infairness ganda pakinggan.

"Kath nalang, masyado kasi pormal yung Kathryn" - sabi naman ni Kath.

"oo ayan, nice meeting each other na ha, cguro naman pwede na tayong kumain noh" - sabat ni Bryan, to talaga oh, ang takaw takaw talaga. kaya isa-isa na kaming pumunta dun kung saan nakalagay mga pagkain.

"ano, sabi ko sayo Anak? dba soulmate?" - tukso ni Tatay.

"Tay, naman, baka may makarinig sa inyo" - sabi ko

For Once In My Life (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon