Chapter 16

194 2 0
                                    

1 year later..

Daniel's POV

isang taon! isang taon na ang nakalipas mula ng iwan ako ni Kath ng walang paalam. pabalik-balik ako sa bahay nila baka sakaling bumalik na xa, pero wala eh. hindi ako naka pag exam ng panahong yun, kasi hindi ko kaya. gulong gulo ang utak ko. gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko magawa.

sa tulong ng barkada, pinilit naming hanapin kung saan sa America si Kath, naging stalker kami sa FB at twitter nya pero wala eh, wala kaming napala. 3 months akong umasa at naghintay na babalik xa pero nabigo at nasakatan lang ako. umuwi ako ng probinsya para makalimot. mabuti nandito ang pamilya at mga kaibigan ko, tinulungan nila akong mag move on, kaya eto awa ng Diyos, naayos ko ulit ang buhay ko.

"pare congrats! top 1" - masayang sabi ni Bryan. kahit naman iniwan ako ni Kath, walang nagbago sa pagkakaibigigan namin ni Bryan. kahit ang pamilya nya walang idea kung bakit bigla nalang umalis si Kath at ang Dad nya.

"pre, sobrang proud kami sayo!" - Edward.

"oo nga Daniel, grabeh isang achievement to para sa lugar natin at para sayo" - Sasai.

kahapon na release ang result ng board exam at nalaman namin na pumasa ako at top 1 kaya ngayon may konting salu-salo dito sa bahay nila Tatay.

"Anak, proud na proud kami ng Nanay mo sayo" - sabi sa akin ni Tatay.

"salamat ho Tay, para po sa inyo to ni Nanay" - ako.

"kayong mag-ama, tama na ang drama at kumain na kayo dito" - sabi naman ni Nanay. kaya sumunod na kami sa kanya.

masaya ako ngayon kasi alam kong mapasaya ko ang mga magulang ko. pero may konting kirot parin sa tuwing naaalala ko si Kath, kumusta na kaya xa? proud din kaya xa sa akin?.. dapat akong magalit sa kanya sa pag iwan nya sa akin pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko magawa. cguro kasi hanggang ngayon, hindi ko pa rin xa makalimutan at mahal na mahal ko pa rin xa..

"pre, iniisip mo na naman ba xa?" - tanong sa akin ni Bryan.

"medyo pare, hindi ko pa rin maiwasang magtanong kung bakit nagawa nya sa akin yun. pero alam ko namang hindi na ako dapat umasa eh" - ako.

"pare, hindi ko alam ang sasabihin ko, pero tol, alam kong darating ang panahon na magkakaroon ng sagot yang nga tanong mo" - Bryan.

"sana nga pare" - ako.

"Daniel, may naghahanap sayo sa labas" - sabi ng katulong nila Tatay.

"sino daw ho tsaka bat di nyo pinapasok?" - tanong ko, nagtataka ako kung sino ang naghahanap sakin.

"pinapasok ko pero ayaw, hihintayin ka nalang raw dun sa labas" - sagot ng katulong.

"cge ho, lalabas na ako, Bryan, maiwan na kita dito ha, puntahan ko lang yung sinasabi ni Aling Magda" - paalam ko kay Bryan at lumabas na ako para tingnan kung sino yung naghahanap sa akin.

pagdating ko sa labas, nagulat ako sa taong nakita ko..

"Si-Sir Leo, ano hong ginagawa nyo dito?" - tanong ko. ang Dad ni Kath ang taong naghahanap sa akin, pero bakit?

"pwede ka bang makausap Daniel?" - tanong nya.

"para saan po?" - sabi ko naman, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nya pa akong makausap, iniwan na ako ng anak nya.

"maraming bagay, para masagot ang mga tanong na alam kong gusto mong itanong" - hindi ko pa rin xa maintindihan..

"Daniel, patawarin mo sana ako, ako ang nag pilit kay Kath na pumuntang America" - pasimula nya, hindi ko alam ang sasabihin ko kaya hindi ako sumagot. kaya nagpatuloy xa sa pagsasalita. "ginawa ko lang ang alam kong makakabuti para sa kapakanan ng anak ko, ayoko ko xang mawala sa akin" - sabi nya.

"hindi ko ho kayo maintindihan Sir?" - ako.

"nung unang uwi ni Kath galing dito, nahimatay xa kaya sinugod namin xa sa hospital" - sabi nya.

"nahimatay?" - gulat kong tanong, sa pagkakatanda ko, walang sinabi si Kath sa akin na nahospital xa.

"oo Daniel, hindi ba nya sinabi sayo?" - tanong nya. umiling ako kaya nagpatuloy xa. "nung una ang sabi ng doctor over fatigue lang daw at kailangan nya lang magpahinga pero para makasigurado meron mga tests na ginawa pero matatagalan ang mga resulta kaya pumayag ako na bumalik muna xa dito" - Sir Leo.

"bakit nyo ho sinasabi sa akin ngayon to?" - tanong ko pero imbis na sagutin nya ang tanong ko nagpatuloy lang xa sa pagsasalita.

"pero nung araw na pumunta ka sa amin, yun din ang araw na natanggap ko ang mga resulta, SHE HAS BRAIN CANCER Daniel, kaya nag desisyon ako agad na pumunta kaming America para mapagamot xa " - sabi nya. napansin kong tumulo ang luha ni Sir Leo.

para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. hindi ako makapaniwala. gusto kong magsalita pero walang  lumalabas sa bibig ko.

"nagpapachemo na xa doon, awang awa ako sa Anak ko, alam kong nahihirapan xa sa chemo pero para sa akin, pumapayag xa, pero last week, nakiusap xa sa akin na tumigil na kami, hindi nya na daw kaya, nakiusap xang umuwi na kami dito sa pilipinas at pumayag naman ako" - umiiyak na sabi ni Sir Leo. ako hindi parin makapag salita.

"hindi alam ng Anak ko na pinuntahan kita dito ngayon Daniel ayaw nya nang guluhin ang buhay mo, mas mabuti na raw yung galit ka sa kanya kesa masaktan ka pag nalaman mo ang totoo. pero ama ako Daniel at gusto kong mapasaya ang anak ko kahit man lang sa mga huling sandali ng buhay nya" - at tuluyan ng humagolgol si Sir Leo. kaya lumapit ako sa kanya at niyakap xa.

"Sir? aa--san po si Kath?" - umiiyak kong tanong.

"nasa bahay, nakikiusap ako Daniel, alam kong makikinig sayo si Kath, kausapin mo xang ipagpatuloy ang pagpapagamot nya kahit dito sa pilipinas, ayaw kong mawala sa akin si Kath" - pakiusap sa akin ni Sir Leo.

kanina pa naka alis si Sir Leo pero andito parin ako sa labas, hindi ako makapaniwala sa sinabi nya, may brain cancer si Kath, bakit? bakit tinago mo sa akin Kath? inisip ko kung ano ang paghihirap nya, alam ko kung gaano kasakit ang chemo, nasasaktan ako kasi wala ako sa tabi nya habang naghihirap xa.

"pare? bakit? anong nangyari?" - tanong ni Bryan ng makita nya akong umiiyak.

"pare si Kath! pare ang Baba ko!" - hindi ko napigilan ang sarili ko at humagolgol na ako, kailangan kong ilabas to kung hindi sasabog na ako.

"bakit anong si Kath? andyan xa? asan?" - sunod-sunod ang mga tanong ni Bryan. alam kong masasaktan xa sa sasabihin ko kasi alam ko rin kung gaano niya kamahal si Kath.

"pare, kaya ako iniwan ni Kath, kaya xa umalis kasi-kasi-" - umiiyak pa rin ako.

"kasi ano?" - worried na si Bryan.

"kasi may cancer xa" - at humagulgul na ako ulit. alam kong shock si Bryan sa sinabi ko, hindi xa nakapagsalita.

biglang ng flashback sa utak ko yung mga moments namin ni Kath, yung araw na nagpapaalam xa, bakit hindi ko man lang napansin yun? yung palaging sumasakit ang ulo nya, bakit? bakit hindi ko nakita? bakit sa lahat ng tao so Kath pa?

For Once In My Life (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon