Chapter 10

221 2 0
                                    

Daniel's POV

3 days mula ng maging official na kami ni Kath. at sa tatlong na araw na yun, sobrang masaya ako at alam kong masaya din xa, sana ganito nalang lagi noh? walang problema, lahat masaya. hindi talaga sa kung gaano ka tagal ang relationship masusukat kung gaano nyo kamahal ang isa't isa. hindi muna namin pinag uusapan yung pag -alis nya kasi alam kong malulungkot xa. sa ngayon ineenjoy muna namain ang isa't-isa, ang aga pa para sa problema.

malapit na nga palang matapos ang renovations ng center, tapos na yung bubong. finishing touches nalang sa pintura, decorations at ilaw  ang kailangan. bibili rin daw kami ng mga bagong mesa at upuan para comfortable ang mga bata. cguro bukas o sa isang araw matatapos nato. para naman masabay talaga ang blessing sa fiesta next week.

"overtime tayo ngayon guys ha" - sabi ko sa barkada.

"oh cge, kahit hanggang alas 8 ok lang, dba Cha?" -  pag sang-ayon naman ni Edward.

"oo! ok lang, tsaka alam naman ng mga magulang natin na nandito lang tayo eh" - Charmane.

"kelangan matapos na natin to bukas o sa susunod na araw" - Sasai.

"dapat! kasi dba isasabay natin sa fiesta ang blessing nito next week?" - sabi naman ni Edward.

"Ba, kelan nga pala tayo mamimili ng bagong mesa at upuan para mahiram ko kay Tatay yung jeep" - sabi ko kay Kath. mula kasi nung nagtuksuhan kami ng baba at potpot yung na rin nakasanayan naming tawag sa isa't-isa.

"bukas nalang cguro Pot, pag tapos na tayo sa pagpinpinta dito" - sagot naman nya.

"oh cge! magsimula na tayo guys para matapos nato" - ako.

habang busy kami sa pagpipintura..

"Bunso, kanina pa tumatawag ang Dad mo, naiwan mo kasi phone mo" - rinig kong sabi ni Bryan, kakarating lang nya dito dala ang phone ni Kath.

"ay oo nga! hindi ko namalayan naiwan ko pala, thanks Kuya ha" - sagot naman ni Kath. sabay kuha sa phone nya at dali-daling lumabas.

Kathryn's POV

"hello Dad" - pagsagot ko ng phone.

"Baby girl, bakit hindi mo sinasagot mga calls ko kanina?" - alam kong yun agad ang itatanong nya.

"naiwan ko kasi sa bahay phone ko eh, buti nalang nadala ni Kuya dito, bakit po kayo napatawag?" - ako.

"i just miss my daughter, almost 1 month ko na kasing hindi nakikita" - paglalambing ni Dad sa kabilang linya.

"i miss you too Dad" - sabi ko naman

"and one more thing, you need ko come home tomorrow" - Dad.

"po? why Dad? dba hanggang next month pa ako dito? may deal tayo" - shock kong sabi.

"dumating ang Tito Max at Tita Marj mo at hinahanap ka, alam mo naman na ikaw ang baby ng mga yun dba?" - sabi ni Dad. 

si Tito Max ang only brother ni Dad, wife nya si Tita Marj, wala kasi silang anak kaya ako ang naging baby nila, sobrang close kasi si Dad at si Tito. nung nasa States ako, hindi ako sa kanila nakatira kasi sa New York sila tapos ako naman sa LA, pero everytime na may problema ako, sa kanila ako tumatawag.

"baby? still there?" - tanong ni Dad. hindi pala ako nakasagot kanina.

"yes Dad, i'm still here" - sagot ko naman.

For Once In My Life (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon