Prologue

9.8K 170 9
                                    

Author's Note:

Pwedeng lagpasan kung tinatamad basahin.

Ito ang unang pag kakataon kong mag sulat ng Horror story kaya ipagpaumanhin niyo kung sobrang sabaw niya.

Sorry din kung may typo errors at kung hindi siya masyadong nakakakilabot dahil nga first timer ako.

Etong story na to ay naisip ko lang dahil sa mga classmate kong selfie Lord. Kaya yon. Nag unite ang mga imaginations ko at nakalikha ng ganito.

Kung may magbabasa at mag su-suporta. Salamat talaga. XD

So Ayon lang.

~~

"Pahiram ako ng cellphone, mag se-selfie lang ako."

"Pahingi ako pulbo para hindi haggard sa picture."

"Yung mga ganitong okasyon dapat hindi mawalan ng pictures."

"Oy Picture nga tayo."

"Groupie mga guys!"

Sa Mendel? Ayan ang maririnig mo. Halos araw araw yan.

Picture dito, picture doon. Click dito, click doon.

Halos walang tigil sa kakapindot. Minsan nga kahit nandyan pa ang teacher sa harap eh wala paring katigil tigil sa kaka selfie nila.

Kaya madalas mapagalitan.

Ako si Nicole Anne Adduru, isang estudyante sa Wesher University. Ang cute nga ng pinanggalingan ng pangalan ng school namin eh. Kaya daw ayan ang pinangalan ng may ari ay dahil sa pinagsamang pangalan nila ng kanyang asawa. Forever <3

"Nickie! Ano nanaman yang ginagawa mo dyan? Halika mag picture tayo!" I belong in a special science class. I belong in MENDEL a.k.a. The selfie lords class. Sa section na to, hindi ka makakakita ng taong hindi nag se-selfie. Well, except me and Lorenz and Julius.

Ako kasi, madalas kong gawin is magsulat ng kung ano ano sa notebook ko o kaya naman is mag sagot ng mga kailangan sagutan. Minsan lang ako magselfie, pag natripan.

I mentioned Lorenz right? Lorenz Lorbes. Sila ni Julius, Julius Alma. Hindi sila nag s-selfie at kahit kelan hindi mo talaga sila makikitang sumasali sa mga pictures, siguro kung kailangan lang or no choice na sila ay sasali na talaga sila pero kung sasabihin mong bored lang or what? No.

"No thanks bhe, may ginagawa pa kasi ako." Sabi ko kay Jovelyn. Jovelyn Acosta, the super selfie Lord. Kung may rango nga lang ang mga selfie lords? Nako! Presidente na yan.

She loves to see her face in the pictures at kung minsan eh nag v-video pa nga siya. She loves her face so much.

"Nako! Nagpapaka nerd nanaman siya." Sabi naman ni Christine.

Christine Adolfo is one of my best friends. She's pretty and smart. Beauty and brains but sometimes, people misinterpret her kindness to others kaya ayon sometimes may mga nasasabing hindi maganda against her.

"Hindi ah! May sinusulat lang ako. Parang hindi niyo naman ako kilala." I smiled at them at tumayo na ako.

Lumabas na ako ng classroom at mas piniling pumunta ng canteen mag isa.

Ako Si Nickie, at eto ang buhay ko sa Wesher University.

"Nickie!!!!!!!!!!!" Napatingin ako sa mga taong sinisigaw ang nickname ko. Napangiti na lang ako.

Nung unang beses kong mapadpad dito sa Wesher University, akala ko walang magandang mangyayari saakin dito pero habang tinitignan ko ngayon ang mga kaibigan ko, parang ang sarap sa feeling.

The Cursed [COMPLETED UNDER DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon