#3

2.5K 76 5
                                    

Jules' Pov


At dahil hindi ko shinare ang picture, dasal ako ng dasal ngayong patulog na ako. Hoping na hindi ko siya mapanaginipan. Dumaan pa ako ng simbahan bago ako umuwi at nag rosary pa ako bago ako matulog.


"Friend! Ano ka ba... Kumalma ka nga." Kasama ko ngayon si Kristine.


Kristine Basas.


Tapos na kasi ang exam week at bukas ay fieldtrip na kaya nag decide kami na magkasama kaming matutulog at pupunta ng school.


"Hindi ako makakalma friend! Hindi mo naman kasi ako pwedeng samahan sa dreams ko!" Natawa naman si Tin sa sinabi ko.


"Basta friend.. kalma lang. Walang mangyayaring masama." Yun lang at natulog na kami.


**


Nagising ako nang walang panaginip. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil don. 


"Oh ano friend? Ready ka na?" Tumango ako kay Tin. Paalis na kami ngayon.


Lalakarin lang namin ang school tutal walking distance lang naman at chaka mahihirapan kaming kumuha ng taxi dahil maaga pa. Ayoko naman mag jeep dahil marami akong dala.


1 week daw kasi ang fieldtrip. Parang retreat na daw namin yun.


"Alam mo girl napapaisip ako minsan kung ginu-good time lang tayo nila Mikay eh. Kasi ako? Wala naman akong napanaginipan." Sabi ko sakanya pero hindi siya nagsasalita.


"Tingin mo girl? Gino-good time lang nila tayo?" Hindi parin siya nag sasalita kaya naman tumingin ako sakanya.


"Girl?" Nakayuko siya habang nag lalakad.


"Uy Friend! Ano ka ba?" Tumigil ako at hinawakan siya sa balikat.


Tumingala siya.. 


"T-tulungan mo ako.."


"AAAAHHHH!!!!!!!" Napatakbo ako sa sobrang takot. Hanggang sa marating ko ang meeting place namin.


"JULES! HOY JULES?!" May takot sa mata akong tumingin kanila Mikay.


Nakita ko si Tin na nakatingin saakin.


"Tin?! Bakit hindi mo ako hinintay???" Hawak ko ang magkabilang balikat niya. Kumunot naman ang noo niya.


"Friend! Kanina pa ako nandito noh! Mag 3-30 minutes na kaya akong nandito." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.


"Pero diba sabay tayong umalis?" Mas lalong kumunot ang noo niya.


The Cursed [COMPLETED UNDER DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon