Jayve's Pov
Nandito na kami ngayon sa Bicol kung saan magaganap ang retreat slash fieldtrip namin. Excited na ako. Kasama ko kasi ngayon ang tropa ko at syempre.. Hindi naman bago sa mga teenager na katulad ko ang magka-crush hindi ba? Kasama ko din siya ngayon eh.
"Ano kayang nangyayari sa Mendel, no?" Tanong ni Yvonne.
"Hay nako! Siguro kina-karma na sila sa mga ginagawa nila sa mga buhay nila." Inis na sabi ni Micole.
"Siguro nga." Pag agree naman ni Rishielene.
Siya si Rishielene Cruz.
"Naniniwala ba kayo sa mga sinasabi nila? Kasi ako hindi eh." Sabi ni Micole.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi kasi syempre, hindi ko pa naman nararanasan.
"Eh kasi, hindi naman talaga kapani-paniwala." Sabi ni Catherine. Siya nga pala yung sinasabi kong crush ko. At syempre alam niya na yon.
Sa panahon ngayon, hindi na uso ang salitang 'secret' pag meron kang madadaldal na kaibigan na todo sigaw pag nandyan ang crush mo. Sa katunayan, sila nga ang dahilan kung bakit at paano nalalaman ng crush mo na may gusto ka sakanya.
"Hay nako! Hayaan niyo na nga sila! Mga wala lang silang magawa sa mga buhay nila." Singit naman ni Agile. Si Agile Reyes.
Kami kami lang naman ang madalas na magkakasama dahil nakakahiya na minsan sumama sa ibang Mendel.
Sa totoo lang, medyo nakaka-op din kasi kahit na sabihin mo na wine-welcome ka nila sa tropa nila. Kahit na ganun, hindi mo maiiwasan na ma-op kasi sila-sila din naman ang magkakaintindihan.
"Ay basta sama sama sa kwarto ah!" Paalala ni Yvonne.
"Oo naman, kaysa naman humiwalay pa edi na-OP lang tayo." Sabi ni Cath.
Sumunod na naman kami kay Ma'am Legada.
**
"Okay, sige. Malalaki na kayo kaya naman alam niyo na kung sino sino ang mag kakasama sa iisang kwarto. Okay?" Tumango naman kami.
"Ma'am pwede mo magsama sa ibang section?" Tanong ni Christine.
"Oo naman. Kayo ang bahala kung saan kayo komportable." Napa-yes naman sila. Syempre dahil mako-kompleto ang tropa nila.
Oh well. Kumpleto din naman ang tropa ko.
"Dun tayo sa gitnang kwarto!!!" Sigaw ni Agile kaya naman pumunta na kami dun kaso nagkataon na dun din papunta sila ate Nickie.
"Ay-- dito kayo? Oh sige sa iba nalang kami." Sabi niya at ngumiti.
BINABASA MO ANG
The Cursed [COMPLETED UNDER DREAME]
Mystery / ThrillerHindi ako naniniwala sa curse. Pero hindi ko alam na may way pala sila para paniwalain ang mga tao rito -Nicole A Mendel Thriller Story.