#5

2.1K 72 8
                                    

Author's Note: Unang una, Thank you dahil 5 chapters including th prologue palang ang story na ito pero nasa #86 na agad siya sa horror.. So yun thank you talaga :)


Gusto ko lang malaman niyo na.. Marami pang mga revealing na mangyayari dito. What I mean is.. Revealing na characters kaya naman off muna tayo sa takutan para makumpleto ang characters ng story na ito.


Kung may mga tanong kayo or mga nag papa-confuse sainyo.. Wag kayong mag dalawang isip na tanungin ako sa comment box or PM. Sasagutin ko yan sa abot ng makakaya ko. Yun lang Kamsa~~


--


Vearnie's Pov


Napakilala na ba ako ng mga classmate ko? For sure hindi pa. Bitter kasi sila saakin eh. Ang gwapo ko kasi. Kamukha ko si Alden. De Joke lang.


Ako si Vearnie Evel Lei. Isa ako sa mga myembro ng Walang Pake sa Buhay also known as WPB. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako naniniwala sa mga curse curse na ganyan at sa katunayan ay nakita ko din ang picture na sinasabi nila sa facebook pero dahil nga hindi ako naniniwala dito ay hindi ko siya shinare.


"Vearnie! Naniniwala ka ba sa sinasabi nila?" Tanong ni Kyle. Kyle Agua.


Sa lahat ng grupo sa mendel. Kaming WPB lang talaga ang nagsama sama dahil most sakanila ay merong isang queen bee, isang selfie lord at isang RK sa tropa nila. Parang.. Hindi sila pare-pareho ng characteristics.


"Alam kong hindi totoo yun pero sige nalang. Wala rin naman akong pakielam eh." Bored na sabi ko.


"Oo nga, kung hindi lang dahil kay Mikay ay hindi naman talaga ako maniniwala." Sabi naman ni Adam Diaz.


Siya ang ka-MU ni Mikay. Nako! Almost Perfect couple na din ang dalawang yan. I swear! Kung titignan mo sila, parang sila yung couple na pinapangarap ng lahat, maging.


"Hoy ano ba kayo? Alam niyo naman na nandito si Vearnie tapos pinag uusapan niyo si Mikay!" Intriga ni Jerobe Manalastas.


Nagustuhan ko kasi dati si Mikay dahil.. Maganda naman talaga siya. Pero syempre bilang kaibigan ni Adam, binigay ko na. Mahal naman nila isa't isa eh at chaka nakita ko naman din ang babaeng para saakin eh.


"Wala na yun sakin! Wag na kayong gumawa ng issue! Tropa tayo dito oh!! At chaka may Samantha na ako." Hindi niyo na kailangan pang makilala si Samantha.


Dahil kahit anong mangyari, hindi siya magiging part ng istoryang ito. Try niyo nalang basahin yung Perfectly Imperfect ni Miss A. Nandun ang kwento ni Levi at Sammy. (A/n: Okay nag promote na ko hahahah xD)


"Oo nga naman! Kayo talaga puro kayo love eh!" Sabi ni Julius Alma. Minsan lang siya makisali sa usapan pero minsan may sense ang sinasabi niya. Isa kasi siyang love expert.


"WOW NAG SALITA!" Amaze na amaze na sigaw ni Harley. Harley Añosa. Siya naman ang hopeless Romantic sa tropa.

The Cursed [COMPLETED UNDER DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon