#1

4.5K 120 9
                                    

Nicole's Pov


I was walking along the corridor. Madilim na ang paligid dahil uwian na. Naiwan akong mag isa dahil may inayos pa ako sa student council.


Habang naglalakad ako, may strange feeling ako. Biglang nanlamig ang paligid.


Niyakap ko ang aking sarili hanggang sa may narinig akong ungol.


Ungol na makakapag pataas ng balahibo mo. Ungol ng isang babaeng umiiyak. 


"Tulong.. T-tulungan niyo ako." Binilisan ko ang takbo ko dahil na rin sa takot.


Habang papalapit ako ng papalapit sa labasan, papalakas ng papalakas ang mga ungol at iyak.


"Tulong.. T-tulungan niyo ako..." Muli nanaman siya humi-hingi ng tulong saakin hanggang sa mapatigil ako sa shower room ng mga swimmers.


Naglakas loob akong pasukin ang shower room at napahinga ako ng malalim nang makita kong wala naman palang tao.


Chineck ko ang bawat cubicle at napagtanto kong wala ngang tao rito.


Dahan dahan kong sinara ang mata ko at tumalikod.


Pag dilat ko...


"Tulong.. T-tulungan mo ako." Napahawak ako sa bibig ko nang makita ko ang babae.


Yung babae sa picture facebook na sinasabing. This picture is cursed.


"AAAAAAAAHHHH!!!!!!!!!!!!!!" Napabangon ako sa masamang panaginip.


Ang lakas ng tibok ng puso ko.


Anong klaseng panaginip iyon?


**


Pumasok ako ng kinakabahan. Ewan ko, hindi mawala sa isip ko yung dream ko.


"Hoy Nicole!" Nag snap ng daliri niya si Ramon sa harap ko.


Tinignan ko siya.


"Bakit?" tanong ko.


"Baliw ka ba? Praning? O ano? Kanina ka pa nakatulala." Hindi ko naman siya pinansin.


Hindi ko kasi maintindihan.


May connect ba ang picture sa panaginip ko?


--


Jovie's Pov


The Cursed [COMPLETED UNDER DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon