※AWY◈10※

21 0 0
                                    

Lee's Residence...

Papasok na sa trabaho ang mga magulang ni Lucy.Habang si Lucy ay papasok na rin sa eskwelahan dahil sa kanilang practice.

"Oh sige anak aalis na kami ingat ka sa pagpasok mo ha!" sabi ng mga magulang ni Lucy

"Sige po ma,pa!..Ingat din po kayo!" sabi naman ni Lucy

Pagpasok ng mga magulang ni Lucy sa kanilanng trabaho,papasok na rin si Christian dahil kasama siya sa stage play.Habang paalis na si Christian,tinawag niya ang driver at ang yaya niya na kapwa mga magulang ni Lucy.

"Oh Christian tulungan na kita sa pag-aayos mo ng gamit mo!" sabi ng yaya niya

"Manang pwede mo ba akong samahan sa practice namin? at pakitawag na rin ang driver ko.Kailangan kasi kita doon para mag-ayos ng mga gamit ko dahil ipapakita namin ang play na nagawa na namin!" pakiusap ni Christian

"Oh sige!!" galak na sabi ng yaya niya na di man lamang alam na may lihim na relasyon ito sa anak niya

At School...

Nakarating na sa school si Christian,pagbaba ng kotse ay inalalayan siya ng yaya niya.Pagbaba ng kotse ay tsempong kitang-kita ni Lucy ang pagbaba ni Christian.Lumakad si Christian ng parang di nakita si Lucy.Si Lucy naman ay nanlaki ang mata sa kanyang nakita.

Biglang bulong...

"Mama!!!"

Ipepresent na ang nasimulang play nila sa kanilang teacher.Para malaman ng kanilang teacher kung hanggang saan na ang kanilang nagagawa.Nang magsimula ang play,naiinggit si Lucy na pinagmamasdan si Christian habang tinutulungan ng kanyang mama.Mapipinta sa mukha ni Lucy ang kalungkutan at pagkainggit.

Sa kaloob-looban ni Lucy...

"I wish I were like you Christian.Napakaraming tao ang nag-aalala sayo!,Not just like me kailangang kumilos sa ng mag-isa!"

Ito ang naramdaman ni Lucy dahil mula pa ng bata siya ay yaya na ang nag-aalaga sa kanya dahil ang kanyang magulang ay parehong nagtatrabaho sa ibang bansa.Nangungulila siya sa pag-aalaga ng mga magulang.Pero kahit ganun ang nangyari sa kanya, di man lang nagagalit sa mga magulang niya.Bagkus ay kinalimutan niya ang lahat ng kalungkutan na naramdaman niya at hinayaan na lamang niya na ang lahat.Habang nag-aact si Christian,nagkaroon ng pribadong pag-uusap ang mag-ina.

"Ma di mo po naman sinabi sa akin na kila Christian pala kayo nagtatrabaho ni papa" sambit ni Lucy

"Anak hindi ko naman alam na magkakilala pala kayo ng anak ng amo namin ng papa mo!" paliwanag ng mama ni Lucy

Bigla ng umalis si Lucy ng makita niyang paparating na si Christian.

"Sa bahay na lang po ulit tayo mag-usap.Hindi pa po kasi alam ni Christian na magulang ko kayo!!" huling nasabi ni Lucy

Si Lucy na ang sasalang sa eksena.Habang si Christian naman ay tinutulungan ng yaya niya para magpalit ng costume.Nang matapos ang pagpapalit ni Christian ay nanonood ang mama ni Lucy sa kanilang play.Nakaramdam ng pagkalungkot at pagkaguilty sa sarili ang mama ni Lucy dahil di man lamang niya ito matulungan.

Pagkatapos ng play para bang napagod na si Christian na pansinin si Lucy.Pagkauwi naman sa bahay nina Christian at ng yaya niya ay humingi ng isang gabi ang mga magulang ni Lucy para umuwi sa bahay nila.Sa pag-uwi nila may isang di kilalang tao ang tamawag sa phone ng tatay ni Lucy.

Ring..Ring..Ring..

"Hello,Sino po ito??" Tanong ng tatay ni Lucy sa kabilang linya

Agreement With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon